Chapter 1

35 10 0
                                    

''HOY ANONG ORAS NA, GUMISING KA NA NGA JAN FILIYA!" Ano bayan ang aga aga boses agad ni mama ang sumalubong sakin. Tss kasalanan ko ba may sale sa laro ko kagabi. 

''Eto na po 'ma babangon na, teka ma asan si papa?" Nagtataka kong tanong dahil wala si papa sa lamesa, himala lagi kasi yong nandoon nakatambay. 

"Hay nako kanina pa umalis, pag tapos mo jan mag linis kana at may pupuntahan pa ako." Sabi ni mama habang ako'y kumakain. 

Hay ako nanaman ang mag lilinis, kairita bakit ba kasi lagi nalang tumatakas sila kuya. Oo 'di kayo nagkakamali ako lang ang nag-iisang babae saaming magkakapatid, kung akala niyo buhay prinsesa ako 'ay aba hindi,  diyan kayo nagkakamali. Ewan koba saaming mag kakapatid 'di kami ung tipikal na nakikita niyo sa palabas na sweet. Pero swerte parin ako kasi may reresbak sakin pag may kaaway ako, Oh diba kahit di naman kami ganon ka sweet nandito naman kami lagi para sa isa't isa. Dun palang masasabi ko na, na swerte ako sakanila. 

"Yes salamat, natapos din sawakas makakapaglaro nako" Sabi ko habang nag uunat na 'kala mo naman sobrang napagod. 

Kung nagtataka kayo bakit adik na adik ako sa laro ko eto lang ang masasabi ko, ang dami kong nakilalang mga kaibigan dito. Yung iba panga mas totoo pa sa mga "kaibigan" kuno ko sa totoong buhay. Well yung iba kong kaibigan dito, kakilala ko na halos kasi nakakapag usap na kami sa social media. Siyempre 'di mawawal don yung crush ko aish pano ang bait bait, sa laro kasi lagi siyang namimigay sa mga nang hihingi kahit na di niya pa kakilala. Sinong hindi ma iinlove diba? kahit naman siguro sino ma fa-fall. Pero siyempre hinay hinay lang kasi di parin maiiwasan na pumasok sa isip ko na (BAKA MAMAYA SA TOTOONG BUHAY 'DI SIYA GANYAN) alam niyo 'yon hays hirap no? 

-IN THE GAME-

"HOY BABAE, ANO NA FOLLOW KA DITO DALI TAMBAY TAYO ANDITO SILANG LAHAT " Sabi ni jam isa sa mga kaibigan ko dito sa larong eto.

"TEKA ETO NA, TAPUSIN KO LANG ITONG SHOPPING KO" Sabi ko kahit na di naman talaga ako nag sho-shopping, hehe kasama ko kasi si Mr.Crush ayaw ko lang sabihin aasarin lang ako ng mga 'yon. 

Nagpaalam nako sa crush ko, pano banaman tinadtad ako ng pc (PRIVATE CHAT) ni ate jane 'di ko panaman sila matiis kaya nag follow agad ako.

"HI FILIYAAAA" Sabi nilang lahat halos sabay-sabay pa ayos diba? ganyan nila ako kamahal.

At dahil sobrang saya ko dahil kompleto kami inisa-isa ko sila ng bati.

"HI JAM, JANINE, MONA, ATE JANE, MC, KUYA BEN, ATE FIO, LEA, KUYA KEV AT KUYA HANS" Sabi ko sakanila nakakapagod kaya mag type pero ok lang basta sila. 

Ayon nag kwentuhan lang kami about sa new fits na ilalabas, ang yayaman ng mga eto kaya 'di na ako nagtaka nung na scam ako nag donate sila huhu.

Habang nag kwe-kwentuhan parin sila, sinamantala ko 'na ang pagkakataon para i pc ang aking crush. Ako lang to, mautak na cute pa char.

"Gawa mo?" sabi ko

"Eto inaayos lang ang unitz, para makapag sell nako next week." sabi ni crush

"Oh ok" sabi ko sa totoo lang wala akong masabi eh hehe.

"ikaw ba?" Pag ka pc niya palang neto 'aba nag tatatalon nako, minsan lang kasi siya mag tanong so tawagin niyo nakong oa pero may meaning para sakin yun hikhok.

"Eto, kausap sila ate about sa new fits na ilalabas" sabi ko.

"ah" sabi niya

Ano banaman 'yan pinaglihi bato sa yelo, kung hindi sasagot mambibitin naman grr

"ok" sabi ko kala mo ikaw lang may kaya sumagot ng maikli ha duh.

Kanina pako nag-aantay pero, wala parin siyang sagot badtrip. (Baliw ka kasi bakit kasi 'ok' yung sinabi mo malamang 'di yon sasagot  huhu.) Sabi ko sa aking sarili aish mababaliw na ata ako (FILIYAAA DI KA DAPAT MA FALL REMEMBER?) Hays oo na crush lang to, sana nga. 

"Hoy, kumain kana daw kanina ka pa 'jan nag-lalaro" Sabi ni kuya sabay batok. Kagigil ha alam ko namang lutang ako pero 'di tama yon.

"Oo eto na, Bakit kaba nam-babatok kainis." Sabi ko kay kuya habang nakatitig ng masama, samantalang siya nginingisian lang ako parang baliw. 

Pinatay kona yung laptop ko at basta bala na bukas ko nalang uli't siya kukulitin. Hehe sa totoo lang nagugutom na talaga ako grr.

"Kumain ka nga ng gulay wag ka mapili, lumalabo na nga 'yang mata mo kaka laptop eh kailangan mo 'yan." sabi ni papa habang tinititigan ako.

"Opo pa" sabi ko kahit labag sakin, ewan ko 'ba ayaw ko talaga ng gulay.

Pag tapos ko kumain nag-ligpit 'na ako ng aming pinagkainan at naghugas narin. At dahil hindi 'rin ako makatiis ipagpabukas yung i chachat ko sakanya ayon inopen ko na yung ig ko at siyempre siya agad kinausap ko. 

"yowwwwwww" sabi ko

"yes?" sabi naman ni cleav, oo di kayo nag kakami cleav pangalan ng crush ko hehe cute no?

"wala lang kamusta?" sabi ko habang ngumingisi

"kaka-kausap lang natin kanina ah?" sabi niya

HALA, anong isasagot ko. Think FILIYA THINK.

"Ah wala kasi akong magawa" sabi ko

"Eh baka miss mo lang ako." sabi niya

ANIMAL ANONG SASABIHIN KO? Halos di ako makahinga lumipas ang ilang minuto nag-iisip parin ako ng sasabihin nang bigla siyang mag chat ulit.

"Joke lang, baka 'di kana humihinga jan eh tss."

Tae nayan 'bat ba lagi siyang tama grr

"ah hindi no, kapal mo." sabi ko

Oo tama kayo ng naiisip, di pa ako umaamin sakanya sayang friendship no.

"HAHAHHAHAHA biro lang nga eh, seryoso mo masiyado" sabi niya

 HAYS how i wish na makita ko siya sa totoong buhay na tumatawa huhu.

"HAHAHHAH 'di kaya, ako seryoso? sinong niloko mo?" sabi ko 

Ayon nag-usap lang kami buong araw hanggang sa inantok na ako at natulugan ko siya huhu. Masama 'naba akong tao neto char hahaha oa koba sorry.  

-----

THANKYOU SO MUCH FOR READING THIS STORY!!! THIS IS MY FIRST TIME TO WRITE ONE. SO SORRY IF THERE ARE MANY GRAMMATICAL ERRORS, BUT I HOPE YOU ENJOYED IT!!

MY ACCOUNTS!

FACEBOOK: Maryjo Uy

INSTAGRAM: Mary_crazyg







I'll Wait For YouWhere stories live. Discover now