Chapter 4

18 6 0
                                    

Pag kagising ko 'di ko namalayan na 6pm na pala hays haba din ng tulog ko ha, bumaba na ako sa sala para kumain  pero laking gulat ko ng mabangga ako ni Mr. Sungit. Oo, hindi kayo nagkakamali yung lalaking pogi na kausap ni tita kanina ay si Mr. Sungit bagay naman sakanya ung nn  (nickname) nayon no tss. 

"Aray, ano ba 'yan" sabi ko sabay titig ng masama kay Mr. Sungit

"What? kasalanan ko ba, na 'di ka tumitingin sa dinadaanan mo tss." sabi niya 

Aba anlakas din ng loob neto magsungit, eh siya na nga yung nakabangga. Ang KAPAL malas niya, kakagising ko lang at wala 'din ako sa mood kaya di ako papatalo noh. Sayang pogi neto, kung sana naging mabait 'to edi sana nagkakasundo kami grr. 

"Fyi, ikaw ang nakabangga hindi ako kaya wag kang umasta na parang kasalanan ko OK?" sabi ko sabay irap bala siya jan basta ako alam kong tama yung ginawa ko

Tinitigan niya lang ako sabay umakyat na siya sa kwarto niya. Ang kapal niya talaga, diba dapat ako yung mag wa-walk out kairita naman. Dahil badtrip ako nakalimutan ko na mag online, naalala ko dapat pala mag-papaalam ako kila ate fiona na hindi na ako makakapaglaro, kasi kailangan ko muna unahin yung mga gagawin dito sa bahay. Dibali bukas nalang balak ko 'din kasing mag ikot-ikot kaya lumabas muna ako kahit na 'di ko pa alam pasikot sikot dito hehe.

Sobrang saya ko dahil may nakita akong tindahan, buti nalang may dala akong pera hehe namimiss ko ng mag ice cream huhu kaya bibili muna ako. Habang hinahantay ko yung tindera bigla akong napatingin sa mga magbabarkadang nag lalakad, hays miss ko na mga tropa ko huhu lalo na yung tawanan at siyempre pag nag iiskate kami sa labas. Kung saan saan kaya kami nakakaabot noon, pero ok lang masaya naman kaso bigla tuloy akong nalungkot nakakamiss.

"Ah sige salamat po, pwede po ba tumambay muna po ako dito" sabi ko sa tindera pagka bigay niya ng ice cream sakin

"Oo naman, sige maiwan na muna kita ineng 'dun muna ako sa loob" sabi nung tindera at tumango  nalang ako at ngumiti.

Habang kumakain ako lumapit sakin yung isa sa mga mag babarkadang nakita ko kanina, muka naman siyang mabait kaya hinayaan ko nalang. Hindi kasi ako yung basta basta lang nakikipag-usap sa kung sino sino kaya minsan umaalis ako pag may lalapit, pero iba 'tong lalaking lumapit mukang matipuno kaya nung kinausap niya ko sumagot nalang ako.

"Bago ka dito no?" tanong niya

"Oo, halata ba" sabi ko

"Hindii naman, pero ganyan 'din kasi yung itsura ko kahapon." sabi niya

"HA? kakalipat mo lang din?" sabi ko  

"Oo hahha hindi ba halata?" nagtataka niyang tanong

"Hindi andami mo na kasi agad kakilala, sana ol." paliwanag ko

"Ah hahaha wala kasi akong magawa kahapon, pagkalabas ko nakita ko sila kaya nakipag-usap narin ako. Btw ako ngapala si Gio nice to meet you" sabi niya sabay ngiti.

"Ako naman si Aliyah, nice to meet you too Gio." sabi ko 

Bigla akong nagtaka sa reaksiyon ni Gio dahil bigla siyang nagulat nung narinig niya ang pangalan ko. May mali ba sa pangalan ko? maganda naman ah? at dahil hindi ako mapakali tinanong siya kung may problema ba.

"Gio, may problema ba? panget ba pangalan ko?" sabi ko

"Ah wala may naalala lang ako, dati kasi may kalaro akong nag-ngangalang aliyah."

"Ay weh? Maganda ba siya katulad ko?" sabi ko sabay tawa

"Actually oo, kaso hanggang ngayon hindi ko parin alam kung nasaan siya. Nakakalungkot dahil pinangako ko na siya lang ang babaeng papakasalan ko, pero wala eh kinailangan naming umalis. Dahil yung lolo ko may taning na ang buhay at gusto niya kaming makita bago siya mamaalam. Sinabi ko sa mama niya  sabihin na patay na ako, para hindi niya ako hanapin kasi ayaw ko na mahirapan siya kasi alam ko matagal pa kaming makaka-ahon. Ako mismo ang nangako na babalik pag ok na ang lahat. Pero huli na ang lahat bago ko pa natagpuan ang eksakto naming adress dati nalaman ko na kakaalis lang nila doon. Dahil doon di ako makapaniwala, hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin." sabi niya na aking kinagulat

Parang gusto kong maiyak, paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko na siya ba yung kaibigan ko dati? pero pano? imposible kasi alam ko patay na siya. Nasagasaan siya diba? yan yung sinabi sakin nila mama pero bakit? bakit parang nararamdam ko na siya yung kaibigan ko? yung kauna-unahang lalaking minahal ko. Dahil hindi ako mapakali, kahit alam kong nakakahiya niyakap ko si gio at kaniyang ikinagulat yon lalo na nung nagsimula akong umiyak.

"Migs, I-kaw yan di-ba? pls sabi-hin mo na-man kung ikaw yan oh. Gu-long gu-lo na ako migs, sa-bi nila mama pa-tay ka na daw migs an-sakit sa-kit nung nawa-la ka parang nawalan ako ng pag-asa. Kung na-nana-ginip man ako nga-yon, ok lang sa-kin ka-hit hindi na ako magi-sing basta ma-yakap man lang ki-ta. Migs ako 'to si aliyah yung kai-bigan mo no-on na na-ngako sayo na ikaw lang ang ma-mahalin. Migs ikaw yan diba? magsalita ka pls." sabi ko habang umiiyak di man ako sigurado kung naintindihan ako ni migs, pero sigurado ako na siya 'to kasi yun yung nararamdaman ko yun yung gusto kong paniwalaan na buhay pa yung kaibigan ko.

Pagkasabi ko non bigla ko nalang naramdaman na umiiyak narin si migs sa balikat ko, mas niyakap niya pa ako ng mahigpit  at bigla nalang siyang nagsalita.

"Ako to aliyah, ako to si migs hindi pa ako patay im sorry sabi ko sa mama mo na yun nalang ang sabihin dahil ayaw na kitang mahirapan. Kasi pinangako ko na babalikan kita ako mismo yung hahanap sayo pero kala ko huli na ang lahat kasi wala na kayo dun sa bahay niyo, pero ang saya saya ko nahanap na kita ulit at hinding hindi na kita papakawalan." sabi niya at nagsali ulit

"Pangako ko sayo, hinding hindi na kita iiwan mahal na mahal kita aliyah." sabi niya sabay halik saking noo. 


I'll Wait For YouWhere stories live. Discover now