Bzzzz Bzzzzz Bzzzzz Bzzz Bzzzzz Bzzzzz
Kinusot ko muna ang aking mata bago ko ito iminulat at saka ako tumayo upang lumapit sa phone ko na nakacharge kasi para full battery ito para sa panibagong araw ko. Pinatay ko ang alarm.
4:30 a.m.
Freaking early huh? Nah normal lang sakin yan. Lalo na ngayon at may pasok na ulit.
Lumabas na ako ng kwarto ko upang bumaba at makaligo na ako.
Nagtataka siguro kayo kung bat ang aga ko. Una sa lahat isang oras ako maligo. Tapos kakain ako sa loob ng kalahating oras.
At panghuli, isang oras bago mag bell talaga ako napasok para tumambay sa school kasi wala lang trip ko lang pake nyo ba.
Enough of my attitude. Naligo nako at naghanda ng kakainin ko.
Opo lalaki ako at marunong ng gawaing bahay. Pinalaki ako ng Mami, lola ko sa mother side, at Mama ko na ganito, single parent kasi si Mama at kasama namin sa bahay si Mami.
Independent. At pogi. Ako yun whahaha.
So ayun sarap ng kain ko, ako nag luto e. Nang matapos ako hinugasan kona ang pinagkainan ko at nagligpit. Saka ako pumasok sa school naming malapit lang.
Tamang lakad lang ang poging ito. Nang makarating ako sa school binati ko ang guard and as usual ako na naman ang unang estudyante rito.
Lumapit ako sa bulletin board na malapit sa guard house para tignan kung anong section ko. Grade 6-Juan. Ayos din. Kaso math teacher ang adviser ko, huhu, si Teacher Gracia.
Iilang teacher palang ang nandito. So habang nakatambay ako rito sa room.
May isa oras pa akong uubusin. Nilabas ko ang phone kong fully charged haha. At naglaro ng pinakamagandang larong naimbento. Minecraft.
Pocket edition syempre hindi ka naman makakapagbitbit ng desktop kung saan saan eThank you Mr. Sarcasm. Walang anuman. Nababaliw nanaman ako ahaha.
Mabuti at may mga dumating na. Mga kaklase ko malamang di naman papasok dito mga taga ibang section e. Kilala ko sila sa mukha dahil dalawa lang naman ang sections per grade level sa school na ito.
May isa rito na nakapukaw ng aking pansin. Cute siya. Mataba, well ako rin naman chubby at cute. Maputi. Ah oo siya yung englisherang transferee nung grade four aguy my nose will blood ahahaha ansabe?
Dumating narin lahat ng kaklase ko at ang adviser namin so syempre tago phone na bawal kasi pag hindi breaktime.
Kinakabahan ako. Mahiyain po kasi talaga ako. At eto na nga ang walang kamatayang introduce yourself taon taon.
"Hello my name is Nicky Matthews. I am 12 years old. I was born on July 30 2002. My favorite color purple. I like playing badminton. And I like Taylor Swift." Sabi nung englisherang cute.
Grabe dirediretso mag english. My nose is blooding yo. Hindi ko na naalis ang tingin ko sa kanya at hindi ko na rin naintindihan ang mga pinagsasabi ng iba ko pang mga kaklase.
Hindi ko namalayan na ako na pala ang magpapakilala. Bumalik ang kaba ko at dumoble pa. Fudge. Here goes nothing...
"Hi ako si Khalt Angelo Seligman. 12 years old. Pinanganak ako noong October 31 2002. Favorite color ko ay blue. I like Minecraft" Pagpapakilala ko.
Wala na akong nasabi. Mabilis na lang akong bumalik sa upuan ko at pinilit na makinig wag lang tumitig dun kay Nicky. Ang ganda ng name nya. Tsk.
First week of school. Orientation lang naman lagi. Rules at schedule blah blah blah.
YOU ARE READING
Multiverse Series #1: The Puppy Love
RandomPuppy Love. The oh so cute and sweet puppy love. Some says that it is just child's play. But who knows that this puppy love could be your destined someone.