Chapter Three

16 2 3
                                    

Sa sobrang excitement ko, nagising ako bago pa man tumunog ang alarm ko. 2:59am.

Bzzzzz Bzzzzzz Bzzzz Bzz—

Pinatay kona rin ito nang magising na ng alarm ang diwa ko ng tuluyan. Agad akong nag bukas ng Facebook. Chineck ko kung sino na sa mga tropakits ko ang gising na. And just how I expected it to be. Ako palang ang gising.

Naghanda nalang ako ng almusal ko at kumain na. Naligo narin ako at nag open ulit ng Facebook.

Ayun! Online na si Nics. Tinawagan ko siya kaagad.

"Hmm? Yes?"

"Hey. Are you still asleep? Alas kwatro na Nics, 4:30am usapan natin."

"No. I'm awake now. Nakain kasi ako. Tsaka ang aga pa oh I'm saving my energy."

"Oh okay. So are you ready?"

"Oo bihis na ako. Nakain nalang talaga tas ihahatid na lang ako sa school."

"Good. Pumunta nako antayin ko na lang kayo ah."

"Okay."

Pinatay ko na ang tawag at nag ligpit na rito. Umalis narin ako kaagad. Ansaya ng umaga ko. It's still early yet buo na ang araw ko dahil nakausap ko na sya.

Pag dating ko sa school, dumeretso ako agad sa tambayan namin. Habang nakaupo nag Minecraft ako saglit, hanggang maalala ko na baka malowbatt ako agad kaya itinigil ko rin.

Nagisip-isip nalang ako kung paano ko sasabihin kay Nicky mamaya na gusto ko siya. Hayyst. Sana mabigyan niya ako ng chance.

Habang nagiisip-isip, napansin ko sila Aatrox. Andun na pala si Steve. Nagkukwentuhan sila, baka tungkol na naman sa LoL.

Hmm. Ang alam ko naglalaro rin si Zein eh. Maganda kaya yun?

"Hoy!" Speak of the devil and he shall appear.

"Ay leche flan! Bakit ang aga aga mo manggulat!?" Inis na tanong ko kay Zein.

"Pake mo ba?" Sabi niya sabay tawa sa reaksyon ko. Tsk.

"Late na kayo ah." Sabi ko sa kanila. Dumating narin kasi sina Missy at Kailey.

"Maaga ka lang talaga parati." Sabi ng babae sa likuran nila. SHERKS!! Ang ganda!

"Uhm. Excuse me Ms. Do I know someone so pretty like you?" Pick up line ko sa kanya.

She glared at me. Tsaka kami nagtawanang dalawa.

"Grabe ka talaga, hindi pa nasikat ang araw bolero kana." Sabi niya.

"No. But seriously, ang ganda mo." I said. And she blushed. Drumm. I made her blush. Achievement there everyone.

"Thanks." She murmured.

At dahil dito, inasar kami ng mga kaibigan namin.

"Yieeeeee!"

"Uyyyyy!"

"Hoy! Tama na ang landian guys, may field trip oh." Epal na sabi ni Zein. Nice pre sarap mo batukan eh.

Nang dumating na ang lahat, pinasakay na kami sa bus. Syempre kaming lima nauna pumasok, para matik talaga na sa dulo kami. Pag upo namin ay inayos na namin ang mga gamit namin at kanikanyang labas ng earphones dahil mahaba ang byahe.

Halatang mga puyat etong mga kasama ko kasi tulog na agad. Kami nalang ni Nicky ang gising.

"Oh you don't have your earphones with you?" Tanong ko sa kanya ng mapansin kong hindi siya naka suot ng kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Multiverse Series #1: The Puppy LoveWhere stories live. Discover now