Ilang buwan narin ang lumipas. Mas mahihirap ang mga topic. Pati narin ang mga exam. Graduating eh.
Sa pag lipas ng panahon napansin kong naging mas malapit kami ni Nicky. We're often together at school pati sa pag tambay. And we were almost always eating.
Nahawaan na nya ko mag english. Mahina akong natawa. Nahawaan ko rin kasi siya sa pananagalog. Napalingon siya sa akin.
"Hoy! May nakakatawa ba sa pagkain ko?" Mataray niyang tanong.
"Wala. May na realize lang ako." Sabi ko.
"What is it? Come on share it with me Alts." Hmm, ang sarap pakinggan. Alts ang naging nickname niya sakin dahil Nics ang tawag ko sa kaniya.
"Mas madalas kana kasi magtagalog ngayon."
"Oo nga ano. Eh ikaw, bat ba hindi ka parin madalas mag english." Totoo ang sinabi niya. Yung usapan namin sa chat ko lang ginagawa at saka sa isip ko lang.
I chuckled. "Eh kasi hindi naman ako sanay. At saka kapag naririnig ko ang sarili kong pananalita sa tuwing nag eenglish ako, naaasiwa ako. Hahahahaha." Paliwanag ko sa kaniya.
"Tch. Maduga ka ako pinipilit ko dalasan ang pananagalog ko."
I sighed. "Okay sige na nga. You should be thankful. Malakas ka sa akin."
Ni hindi ko man lang napansin kaagad ang huling sinabi ko. Nang mapansin ko na ito ay agad akong umiwas ng tingin.
Tumawa siya. "See. Okay lang naman ang pag eenglish mo ah."
Komportable kasi ako sa kaniya kaya hindi ako naaasiwa sa pag eenglish ko. Tsk. Bakit ba kasi anlakas ng babaeng ito sa akin.
Ipinagpatuloy na namin ang pag kain dito sa may batibot at dumating na nga ang iba pa naming tropakits. Zein, Kailey, and Missy.
"Hey guys." Bati ko sa kanila.
"Sup?" Bati rin ni Zein.
Kumaway lamang sina Kailey at Missy. Naupo na sila sa kani kaniyang pwesto. Magkatabi kaming lahat. Zein, Missy, Kailey, Nics, at Ako. Ganyan ang ayos namin sa mahabang upuang ito. Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain.
"Guys. Magpaalam na kaya tayo kaagad may Ms.Gracia na tabi tabi tayo sa may likod ng bus? Para hindi na tayo maunahan ng iba." Suggestion ni Zein.
Sumang ayon naman kaming lahat. Sa isang araw na kasi ang field trip namin kaya pinaplano na namin para pag eenjoy nalang ang gagawin namin, mula sa bus hanggang sa venue.
"Kailan tayo mamimili ng snacks?" Tanong ni Nicky.
"Naku Nicky, tsk tsk, pagkain na naman? Kaya ka sinasabihang baboy nitong si Khalt eh." Sabi ni Kailey.
Nagtawanan kami maliban kay Nics.
"Hayaan na natin guys. Masarap naman talagang kumain eh. Kita naman sa katawan natin, right Nics?" Pagtatanggol ko sa kaniya na may halong kaunting pang aasar.
"Oo baboy ka rin naman eh." Kita mo ito. I just defended you, ang ganda naman ng thank you mo. Napailing nalang ako.
Lagi kaming ganito, nag aasaran at nag babangayan. Pero minsan hindi ko na rin siya pinapatulan. Babae parin yan e. Women are almost always right. Almost lang ha. Kaya hayaan na lang sila. Nakakatakot magalit ang mga babae eh whahahaha.
"Yo Nics. Mamili na tayo bukas ng snacks. Ibigay niyo nalang ambag ninyo mamaya guys." Sabi ko para na rin makasama ko pa siya. Haha mautak to eh.
"Osige. Magdala na rin kayo ng power bank ninyo ha? Walang hiraman. Tss." Natawa kami sa pagkasarkastiko ng inasal ni Zein. Siya kasi lagi ang hiraman namin ng power bank pag nalowbatt kami sa galaan. Palagi siyang may dala eh.
YOU ARE READING
Multiverse Series #1: The Puppy Love
RandomPuppy Love. The oh so cute and sweet puppy love. Some says that it is just child's play. But who knows that this puppy love could be your destined someone.