Sana ako rinPagkatapos ng pag uusap namin ni ichika ay sabay kaming umuwi..
Napalingon ako sa kanya ng sumalubong sakanya Ang isang babae mukang mama nya kamukang kamuka ni ichika, may biglang yumakap sa binti nya isang batang lalaki, I think 3 years old palang sya..
Napangiti ako ng Mapait Sana ako rin...
Ako kasi si mama ang sumasalubong dala ang hanger nya...
Napailing ako sa naisip ko..
Simula ng namatay si papa ay naging lasingera na si mama,miss ko na yung dating sya, wala akong kapatid Kaya nakafucos sila sakin...
Pag kapasok ko palang sa bahay ay sobrang dilim, inapa ko yung switch ng ilaw at nakita ko si mama,
Nakakaawa ang itsura nya,naka upo sya sa upuan at hawak ang isang bote ng gin...
Lumapit ako sakanya,tulog na pala sya, napabuntong hininga ako at pinunasan ko si yung luha nya, umiiyak sya kahit tulog....
Naiintindihan ko sya,di nya Kaya mawala si papa pero wala eh ,wala na kaming magagawa...
Nasa mindset ko na ang walang permanente sa mundo lahat aalis lahat iiwan ka kahit pa di nila gusto.....
.
.
.Nagising ako ng maagap na katulog na Pala ako sa sofa..
Agad akong nag handa ng break fast namin..
Pagkatapos nun ay tsaka ko Lang napansin,
Nasan si mama?!
Pinuntahan ko lahat ng sulok ng bahay pero wala sya .
Nakita ko si tita joy na lumabas sa kwarto nya.
"Oh..ang aga mo naman nox"sabi nya at nag unat unat..
Si tita yung kapatid ni mama, dalaga pa sya at walang asawa nag aaral sya tuwing maga at nag tatrabaho sa gabi 20 years old palang sya and I'm 15 years old....
"nakita nyo po si mama?" tanong ko
Napailing sya "Baka naman nag pahangin Lang sa labas, hindi naman baliw ang mama mo nox wag kang Mag alala"sabi ni tita at umupo na..
"Alis po muna ako"sabi ko at lumabas..
Paglabas ko agad Kong nakita si ichika na nagdidilig ng halaman, napatingin sya sakin at kumaway,
"Lennox punta ka dito!"rinig kung sigaw nya, ngumiti ako at pumunta sakanya.
"kumain kana?"tanong nya, napailing ako,hahanapin ko Sana si mama eh..
"Tara Kain ka samin"sabi nya,gusto ko sanang tumanggi,pero nahila nya na ako.
Napa "wow" ako ng makita yung mga masasarap na nakahain sa lamesa nila, sigurado ba silang pang almusal lang yan?..
"mom si Lennox nga Pala Kaibigan ko"napatingin sakin yung Mom nya at napangiti..
"napakaganda mo naman hija"sabi ng mommy nya agad akong nakaramdam ng hiya ,
Teka!...
Nakakahiya!
Naiilang ako dahil first time na may magpakilala sakin sa magulang nya.
Ang saya Pala na nakakailang..
"kumain Ka hija"napatingin ako sa isang lalaking nakasalamin mukang papa ni ichika..
Nagulat ako ng biglang may yumakap sa binti ko, nakita ko yung batang lalaki kapatid ata ni ichika.
"Reo,kakain na upo kana sa tabi ni mom"sabi ni ichika,nakangiting sumonod si Reo..
Pinaupo nila ako sa tabi ni ichika, nakakailang di ko alam kung bakit,
"Hey Lennox wag kang mailang samin HAHAHAHA" sabi ni ichika.
Ngumiti ako kahit pilit at tsaka kumain..
"mommy naman! Ayaw ko"napatingin ako Kay ichika,pinipilit subuan ng mommy nya..
"Naku ichika nag dadalaga kana talaga HAHAHAH" halakhak ng mommy nya..
"matagal na po akong nagdadalaga matured ako di na ako bata"busangot na sabi ni ichika..
Napangiti ako at parang nawala Ang pag kailang ko tuwing nakikita ko nag tatawanan sila at nag aasaran, may lambingan rin...
Sana balang araw maranasan ko ulet yung dati....
Sana ako rin...
YOU ARE READING
My last night with my best friend [On Going]
Historia CortaSi Ichika sya Ang best friend ko na hulog ng langit, panapaka swerte ko dahil nakilala ko sya at naging Kaibigan, feeling ko nga ay Hindi ko sya deserve, sa mga mata ko ay na paka perfect nya pero di ko akalain na matatapos Ang lahat ng masasayang...