Birthday"Salamat Leox!" masayang sabi ni Ichika, ngayon birthday nya, buti nalang at kinausap ako ng mama ni ichika at nalaman kung birthday nya ngayon,naku!ayaw nya talagang sabihin sakin eh.
Niyakap ako ni ichika ,halatang sobrang saya nya kaya napapangiti narin ako..
"Teka pano mo nalaman?"sabi nya at bumitaw na pagkakayakap saakin.
Napangiti ako sabay sabing "Secret"
Bahala sya dyan HAHAHAHA..
Natawa ako dahil bigla syang ngumuso.
"Wow!ang ganda!"sabi ni ichika hawak yung niregalo ko sakanya.
Couple t-shirt toh may kapares na maong na short..Kulay puti yung binigay ko sakanya at may nakasulat na DOUBLE..
Syempre saaking itim at may nakasulat na TROUBLE..
talagang pinasadya ko yun noh!
Napatingin sya saakin ng mapagtantong couple t-shirt yun.
Nagulat ako ng bigla syang napahawak sa mata nya at nag pupunas ng luha.
"Ichi?nangyayare sayo?!"nagpanic ako baka mamaya napaiyak kase ang panget ng regalo ko! Jusko!
Napatingin sya saakin at ngumiti..
"Ang saya ko lang Leox"sabi nya at niyakap ako..
"Sorry yan lang nakayanan ko ah"nahihiya kung sabi, nakakahiya naman talaga, muka kaseng namahalin yung niregalo sakanya ng mga bisita nila..
Tiningnan nya ako na parang naiinis.
"Ano ka ba Leox! Napakaganda nito, ito na yata ang PINAKA MAGANDANG REGALONG NATANGGAP KO NGAYON" sabay tingin nya ulit sa damit.
"naku nangbola ka pa HAHAHA alam ko naman na ako ang pinakang mumurahin----"ichika cut me.
"Pssh! Leox ang regalo hindi lang yan kung gaano kamahal o kamura, sa nag bibigay yan...alam kong with love tong Regalo mo thank you talaga " nakangiti nyang sabi .
Grabe na touch ako!
"Happy Birthday ichika"
Boses palang kilala ko na! Kahit minsan ko lang narinig yun sobrang lakas na ng impact sakin nun!
"Oh Jaerhon"sabi ni ichika
Sabi ko na nga ba!
Grrr bakit ganto yung nararamdaman ko?! Nagseselos ba ako? Bakit naman? Hindi ako nagseselos!
Dahan dahan akong humarap sa kausap ni ichika..
Naka polo sya at pantalon halatang mamahalin yung damit nya! Tapos ang gwapo pa nya!
Napalingon ako sa batang naka kapit sa binti nya parang si Reo lang... Teka pamilyar sya!
Teka bakit nakakapit sya anak ba sya ni Jaerhon?! Parang oo kase medyo kamuka nya!
Batang ama ba si crush?!
Parang dissapointed ko syang tiningnan sayang gwapo!
"HAHAHA"napatingin ako kay ichika
Para syang baliw na natawa..
"Usap nga Tayo Leox"sabi nya sabay hila nya sakin...
Huminto kami sa tapat ng isang kwarto ito nayun!
First time tohhh.
Binuksan nya yung pintuan at halos mapanganga ako ng makita yung kwarto nya!
Color violet na violet toh!
Ang daming libro at teddy bear!
Wahh libro! Pangarap ko rin magkaroon ng maraming libro!
Napukaw ng isang picture yung atensyon ko.
Ito yung first picture namin ni ichika at si jaerhon pa ang kumuha dun sa park toh!
Pinaupo nya ako sa kama, napaiwas ako ng tingin ng makita yung tingin nyang nang aasar!
"A-Anong p-pag uusapan natin?"
Ghaddd! Bakit ako nauutal!Wala naman akong dapat ikautal bukod sa titig nyang mapang asar.
"May crush ka ba kay Jaerhon?"
Namutla ako sa sinabi ni ichika, halata ba ako?! Huli ka lennox! Patay!Napatahimik ako sa sinabi nya "silent means yes"sabi nya saakin.
So dapat pala nag ingay ako? Ganun?
Pumalakpak sya at mukang sobrang saya nya..
Masaya sya dahil crush ko yun?
"Tama pala hinala ko HAHAHAH Jaerhon is my cousin sa side ni dad ,gusto mo ilakad kita " sabi ni ichika habang taas baba yung kilay nya ,wahh!
Teka! Ano?! Mag pinsan sila? May pag asa ako?! Omyghaddd!
Hala!
Anong pag asa?!
Ano ba brain! erase, erase, erase!
Maya maya pa ay bumaba na kami. Palihim akong kinikiliti ni ichika sa tagiliran lahatang lahata na kinikilig sya!
Medyo nailang ako ng makita si Jaerhon na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin..
As in sakin! Bakit sakin lang?!
"Anong pinag usapan nyo?"agad nyang tanong..
"ate!"
Nagulat ako ng may yumakap sa Binti ko!
Yung kaninang bata na nakakapit sa binti ni Jaerhon!
Teka naaalala ko na!
"Jhiro?"tanong ko.
"Anong pinag usapan nyo ichika?" bakit ghad!
"ahh about sa crush ni leox"tumingin ako sakanya na nag mamakaawa pa.
'Ichika walang laglagan ohh!'
"huh? Sino? "tanong ni Jaerhon..
Naku! Kung ma issue lang ako baka isipin kong nagseselos sya HAHAHA.
So ibig sabihin maissue ako kase naisip ko? Ghad nababaliw na ako!
"yung kapatid mo mukang crush ni leox na kwento ko kase eh"Aba di ko alam kung ipapahamak ako ni ichi o tinutulungan!
"tss"
Yun lang yung narinig ko kay jaerhon.Huh?
"Bagay ba sila?"sabi ni ichi at sinisiko si jaerhon.. Aba't! Bakit feeling ko nirereto ako ni ichi sa kapatid ni jaerhon akala ko ba ano? Grrr!
"Hindi"simpleng sagot ni jaerhon at umalis na sobrang sama ng aura..
"kuya!"sigaw ni jhiro
Kuya?
Hindi sya batang ama?!
Omyghad! Ang judge mental ko na!
"O kitam? Nagseselos sya!"tili ni ichika..ako? Feeling ko sobrang pula ko na!
Pero pakiramdam ko sobrang saya nya sa birthday nya... Dapat lang naman yun diba?
YOU ARE READING
My last night with my best friend [On Going]
ContoSi Ichika sya Ang best friend ko na hulog ng langit, panapaka swerte ko dahil nakilala ko sya at naging Kaibigan, feeling ko nga ay Hindi ko sya deserve, sa mga mata ko ay na paka perfect nya pero di ko akalain na matatapos Ang lahat ng masasayang...