Fight

2 0 0
                                    

Cesia's POV


Lahat ay naghahanda para sa magaganap na laban mamayang gabi. Kahit saan ka tumingin ay may bitbit ang mga tao na iba't ibang uri ng armas. Magiging delikado at buhay naming lahat kaya dapat ay mag double ingat para hindi kami mapatay ng mga kalaban namin.


Habang lahat ay naghahanda para mamaya ay naisipan kong maghanda na rin ng makakain namin sapagkat kailangan namin ng lakas para mamaya. Nasa kusina ako kasama si mama Krissa sa pagluluto. Alam niya rin ang mangyayari mamaya kaya ganon na lamang ang kanyang pag aalala sa amin.


Nagprisinta rin si kuya na pasamahin ang kanyang mga tauhan ngunit tinanggihan ko ito. Mas mabuti pang sila na lamang ang maglinis sa magiging kalat namin. Hindi sila pwede sumagabal sa mga plano namin at baka mabulilyaso pag nagkataon.


" Anak, sure kana ba talaga sa gagawin ninyo?" nag aalalang tanong niya saakin.


"Mama, huli na ito" sabi ko at marahan siyang niyakap.


"Mag ingat kayo, anak" hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.


Hindi na lamang ako nagsalita at nagpatuloy na lamang sa pagluluto. Kahit alam kong panay parin ang pagtitig niya saakin ay isinawalang bahala ko na muna ito. Ayoko ko mang pagalalahanin ang iba ay hindi ko ito maiwasan dahil sa mga plano namin.


Nang matapos kaming magluto ng pagkain ni mama Krissa ay nagsalosalo na kaming lahat sa hapag kainan. Nakatitig lang si mama Krissa sa bawat isa sa amin na kunti na laman ay maiiyak na siya. Alam naming nahihirapan na rin siya dahil sa sitwasyon ng mga tinuturing niyang anak.


" Ano ba naman yan, mama Krissa. Para namang mamatay na kami" pagbibiro ni Zeke kaya tuluyan ng naiyak ang ginang.


" Ambobo mo talaga, Zeke! Pinapa iyak mo naman kasi si mama alam mo namang nag aalala na yan sa atin! You are so abnormal talaga" sabi ni Arriane at mabilis na dinaluhan ang ginang na umiiyak sa pag aalala.





"Alam mo, mama. Hindi kami mamatay dahil alam namin magagalit ka." sabi ni Laurence na hanggang ngayon ay kumakain pa rin.


" Tsaka masasamang damo kami" natatawang sabi ni Lauren.


" Hindi kayo kailan man naging masama, mga anak" pagtatanggol ni Mama Krissa saamin.





"Huwag na ng mag alala pa dahil bukod sa gwapo ang doctor nila,  magaling at mahusay din ako" nagpapogi pa siya sa harap naming lahat.


" You know what kuya Lance? Mas mabuting doon ka na lang sa hospital kasi nawawalan na kami ng gana kumain dahil sa sobrang kayabangan mo" pabalang naman itinuran ito ni Arriane.


Nabalot ng tawanan ang buong kabahayan dahil sa kakulitan ng mga taong naririto. Kahit sa kabila ng panganib na aming sasabakin ay bakas pa rin ang pagiging positibo ng bawat isa. Makukulit ang mga kaibigan ko ngunit maasahan naman sa lahat ng bagay kahit pa mukha impossible. Alam kung kaya nilang lampasan at mga problema kinakaharap at haharapin pa lamang.


Kinagabihan ay handa na ang lahat. Si Lauren ay nasa underground ng bahay upang gawin ang nakaatas sa kanya. Kanina pa niya naihanda ang mga daraanan namin. Ang dalawang snipers naman ay kanina pa naka pwesto para masigurong hindi kami mahihirap sa pag sugod.


Malapit na kaming makarating sa pinagtataguan ni Mr. Chua. Kami ang magbibigay daan para makuha ni Laurence ang file. Ako ng mangunguna, si Laurence sa gitna habang si Chase naman ay nasa hulihan ng masigurong perpekto ang plano.


The Enigmatic ChickWhere stories live. Discover now