Cesia's POV
Habang papauwi kami sa HQ ay tahimik lang kami ni Chase sa loob ng sasakyan. Magandang pag masdan ang city lights na parang bituin sa lupa ang mga ilaw. Habang ako ay naka dungaw sa bintana ay hawak naman ni Chase ang isa kong kamay kahit na ito ay nagmamaneho.
" Kailan kaya matatapos lahat ng ito" wala sa sariling tanong ko kay Chase. Nakatuon ang kanyang atensyon sa pagmamaneho. Hinalikan lamang niya ang likod ng aking palad bilang tugon sa tanong ko.
Ng makarating kami sa HQ ay dumeritso na ako sa aking kwarto para maglinis ng mawala ang bahid ng dugo sa aking katawan. Nagmistulang dugo ang tubig na dumadaloy sa katawan ko dahil sa mga natanggal na tuyong dugo.
Nang matapos ko ang aking night routine ay agad na akong humiga sa kama. Nakatitig lamang ako sa kisame ko ng may kumatok. Tumayo ako para buksan ang pintoan ng biglang dumugo ang ilong ko kaya mas inuna kong punasan ito. Napapadalas na talaga ang pagdugo ng ilong ko.
Tumambad si Chase sa akin na may dalang unan at may tuwalyang nakasabit sa leeg niya. Bakas sa itsura niyang kakagaling pa lamang sa ligo. Nang makaupo na siya sa harap ng vanity table ko ay agad ko ng pinatuyo ang buhok nya gamit ang aking blow dry.
" Tapos na!" masaya kong sabi sa kanya na ikinatuwa niya.
" Namiss ko yung isip bata kung best friend" sabi niya at ginulo ang buhok ko.
Humiga sa kama si Chase at tumitig sa mukha ko. Humiga na rin ako at isiniksik ang sarili ko sa kanya habang ang mukha ko ay nasa leeg niya at nakayakap sa kanya. I feel safe and sound pag malapit ako sa kanya at para bang ibang tao ako.
" Konti na lang Sia at makakamit na natin ang hustisya para sa mga mahal natin sa buhay." sabi niya habang marahang hinahaplos ang buhok ko.
Inaantok ako sa ginagawa niya kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong magpaanod sa antok at ng makapag pahinga naman ako.
Mabilis na lumipas ang araw at nagsimula ng kumilos ang trouble. Dahan-dahan ng napapasa akin ang lahat ng pag-aari ni Tito Manuel. Ilang araw na lang ang tuluyan na silang babagsak sa lupa at walang tutulong sa kanila.
Andito ako ngayon sa bahay para kausapin ang kuya ko para ma finalize ang plano namin. Abala si kuya ng makarating ako sa kanyang office dito sa bahay at puro tambak ng papel ang nasa table niya.
" Haggard mo na kuya" sabi at naglakad patungo sa pwesto niya. Bakas ang tuwa sa kanyang mata ng makita ako. Tumayo si kuya sabay na lumapit saakin at niyakap ako.
" Baby, I missed you so much" sabi niya pa habang nakayap at tila ba humihikbi ito. Hinagod ko na lamang ang kanyang likod at niyakap din siya ng mahigpit.
" Para naman tayong hindi nagkita ng ilang taon kuya kong makapag react ka" sabi ko habang tumatawa. Ganito ka showy si Kuya pagdating sa akin.
" Ehhh! sa namiss talaga kita eh! 2 weeks kang hindi nagpakita sa akin at nakakapag tampo ka masyado!" sabi pa niya at pinunasan ang luha.
Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa tuwing iniisip ko ang pwede mangayari sa akin sa mga susunod na araw, buwan , o taon.
" Don't worry, andito na ako diba? tsaka naging busy lang kami sa plano namin kay Tito Manuel." sabi ko at minasahe ang kamay ni kuya dahil alam kung pagod na siya kaka pirma ng mga papeless buong araw.
" After ng lahat ng to, pwede bang magbonding tayo?" sabi niya pa kaya napa angat ako ng tingin sa kanya.
Matagal ko ng hinihintay ang oras na ayain niya akong mag bonding dahil hindi naman mapagkakailang busy kami pareho.
" Yehey!" sabi ko pa sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Excited na ako at gusto ko nang tapusin lahat ng to bukas para makapag bonding na kami ni kuya. Tumawa siya sa naging reaction pero hindi ko na yun pinansin at agad kinuha ang cellphone ko para matawagan si Laurence.
" Laurence, We'll do the execution tomorrow. Tell the others to be ready dahil tatapusin na natin ito" sa bi na may halong excitement.
" Sge Sia, ipapalabas ko na ang article ngayon mismo at ng magpatawag na ang board members ng emergency meeting bukas" sabi ni Laurence sa kabilang linya.
Siguradoong magkakagulo ang lahat at maiiwang wasak ang buong angkan nila. Gaya ng ginawa nila sa pamilya ko. Walang makaka takas sa galit ko.
Tinawagan ko ang troubles para gawin ang mga trabahong binigay ko sa kanila. Lahat ng pasabog namin ay magsisimula ngayon. Isang bagsakan sana ang gusto kong mangyari pero masyadong madali kaya bukas na lang ang iba.
Makalipas ang isang oras ay agad na nagreport ang Troubles at sinabing na pull out na ang ibang share holders sa mga businesses ng mga anak ni Tito Manuel. Nagsisimula pa lang kami Tito kaya maghintay ka hanggang bukas para tuloyan na kitang mapatalsik sa sarili mong kompanya.
Konti hintay na lang

YOU ARE READING
The Enigmatic Chick
AcciónWitnessing how your parents die is never been easy. Some will loss the sanity but not Cesia. She has not to give any single mercy on the evils. She is destined for something big that the world would be shaken. Watch out for the Enigmatic Chick.