Zeus is active now
Active nanaman pala si Zeus. Napaupo naman akomg ngiting - ngiti habang tinititigan ang pangalan niya.
- flashback -
Nagluluto ako ngayon para sa hapunan ko. 6 PM palang ay gutom na nga ako! Nagulat naman ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman ito kinuha at tinignan kung sino ang nag chat.
Zeus: I miss you. How's your day, Leana?
Napangiti naman ako sa mensaheng nabasa ko.
Me: Okay lang ako, Zeus. I miss you too! Eh, ikaw?
Reply ko at bumalik sa pagluluto. Agad naman tumunog ulit ang cellphone ko at agad ko rin naman iyon kinuha.
Zeus: Okay lang din ako. Sana kasama kita ngayon dito..
Gusto ko naman sumigaw sa sobrang kilig!
Me: Sana nga, Zeus.
Agad naman ako nag reply at pinagpatuloy ang pagluluto. Pagkatapos ko mag luto ay agad naman ako nag hain at kumain na. Agad ko ulit kinuha ang cellphone ko nang tumunog ito.
Zeus: I love you ❤
Ngumiti naman ako at nireplayan ito.
Me: I love you too. ❤
Binaba ko ang phone at itinuloy ang pagkain. Sana hindi na matapos ito!
- end of flashback -
Ilang minuto na ang lumipas, nakatitig pa rin ako sa pangalan niya pero wala pa rin akong chat na natatanggap. Nag punta muna ako sa facebook at nag scroll muna doon. Laking gulat ko na nakita ko ang name ni Zeus..
Zeus in a relationship with Bree Yanea
Napangiti ako ng mapait sa nakita ko. And then I remembered everything. Ginamit pala ako ni Zeus para makalimutan ang ex niya. We broke up 2 weeks ago.
At ngayon, sila na ulit ng ex niya.
Kaya ito ako ngayon, hanggang tingin nalang sa "active now" niya.