"My love, come here!"
Celestine said. Nandito kami sa park para mag picnic. We're walking papunta sa damuhan.
"Bilis bilis!" dagdag niya pa at hinihila ako.
Pagkarating namin doon ay agad namin nilatag ang kumot at inilapag ang mga pagkain na hinanda namin at naupo naman kami agad.
"The weather is so nice! Buti nalang nag picnic tayo!" sabi niya at kumuha ng sandwich sa basket na dala namin.
"Nagutom yata ang love ko?" I said at niyakap siya.
"Nakakapagod kaya mag handa ng mga pagkain! Takam na takam na ako kanina pa habang hinahanda ko to!" she said and took a bite sa sandwich na kinuha niya kanina.
Napatawa naman ako sakaniya at kumuha na rin ng pagkain sa basket. Napuno naman ng tawanan at kwentuhan ang picnic namin.
It's already quarter to 6 PM. Hindi namin namalayan ang oras dahil sobra kaming nag e-enjoy. Nandito pa rin kami ni Celestine para tanawin ang sunset.
"Uuwi nanaman tayo after this. I can't wait to be with you na, love. I can't wait na tumira kasama ka sa isang bubungan." she said.
"Konting tiis nalang, love. Magsasama na rin tayo." I said.
Ngumiti naman siya sakin and I kissed her forehead.
After namin tanawin ang sunset, hinatid ko siya sakanila.
"I love you, love! Thank you for today!" she said and kissed me bago siya pumasok ng bahay.
Nang pauwi na ako sa bahay ay napabulong naman ako sa isip ko.
"Me too, love.. I can't wait to be your husband. I can't wait to be you forever!"
-
Nang magising ako ay sobrang sakit ng ulo ko.. Nilibot ko ang tingin ko at doon ko palang narealize na wala ako sa kwarto ko.
Where am I?
Umupo ako sa kama para mas makita ko ang paligid. And then, I realized na nasa hospital pala ako! What happened? Ano nangyayari? Bakit ako nandito?
"Anak! Buti naman nagising ka na!" my mom said pagkapasok sa kwarto.
Agad naman siya lumapit sa akin.
"Mom, bakit ako nandito? And where's Celestine?" tanong ko naman agad sakaniya.
Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko.
"Who's Celestine?" she asked.
"Stop fooling around, mom. My girlfriend, Celestine." I said.
She looked down and sat beside me.
"Anak, you developed schizophrenia nung naaksidente ka.. Nung pauwi kang galing park.." she said.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"That's impossible! Hinatid ko pa siya sakanila,
mom. Kasama ko siya that time!" I said.Hindi pwedi. Alam ko sa sarili ko na kasama ko si Celestine!
"Anak, magising ka naman. Please, accept the fact na hindi totoo si Celestine.."
Napayuko ako sa sinabi ni mom.. Hindi pwedi.. Hindi pweding totoo si Celestine..
"Makakalimutan mo rin siya, nak. Magpagaling ka ha?" sabi niya at niyakap ako.
- AFTER 3 YEARS -
Nakapag therapy na ako at sa wakas, magaling na! Nag tra-trabaho ako ngayon sa isang fast food. Balita ko ay may bagong papasok na crew today. Nasa kusina kami ng mga co-workers ko nang may biglang dumating na babae.
"Hi, I'm Celestine! Nice to meet you." bati niya.