Valentines Day

4 0 0
                                    

Nasa jeep ako ngayon, pauwi galing sa trabaho

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nasa jeep ako ngayon, pauwi galing sa trabaho. Sobrang daming tao sa daan because it's valentines day. Habang nakatulala, naalala ko nanaman ang panloloko sa akin ng ex ko.

- Flashback -

Today is valentines day! Nasa mall ako ngayon dahil bibili ako ng cake para sa boyfriend ko. 5 PM ang usapan namin pero aagahan kong pumunta para makapag ready pa ng mga lulutuin namin.

Nang makarating ako sa bahay nila ay nagulat ako dahil may isang sapatos pa sa pintuan. Hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok na..

"Baby, kausapin mo naman ako!"

Napatigil ako nang may marinig akong boses babae.

"Sabi sayo uwi ka muna, baby. Dahil darating ngayon si Ria. Tawagan nalang kita mamaya pagkauwi niya." sabi ng boyfriend ko.

"Bakit kasi hindi mo pa hiwalayan?" tanong naman ng babae.

"Hindi ko pa alam kung paano.. But soon, baby. Alam mo namang ikaw ang mahal ko." sagot naman ng boyfriend ko.

Nabitawan ko ang cake na dala ko kaya napatingin naman sila pareho sa akin. Kitang kita sa mukha nila ang gulat.

"Hon..." sambit ng boyfriend ko.

- End of flashback -

Hindi ko namalayan na meron palang pumatak na luha mula sa mga mata ko. Pinunasan ko naman ito agad at tumingin sa labas.

Maya - maya ay nakauwi na rin ako. Laking gulat ko nang may marinig akong nag ku-kwentuhan sa sala ko.

Dahan - dahan naman akong nag lakad papunta sa sala dahil baka mag nanakaw. Pagkabukas ko ng ilaw ay nakita ko doon ang ex ko..

At hindi lang siya..

Pati ang babae nya. Tumingin naman sila sa akin at ngumiti.

And I shouted and tumakbo palabas ng bahay..

I shouted dahil hindi na dapat sila nandito pa.

Because I killed them..

I killed them nung nakita ko silang dalawa nung valentines sa bahay ng ex ko.

Since that day, binibisita nila ako every valentines day..

To make me remember what I did.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now