"I miss you."
I typed nung nakita kong online siya. Napatitig nalang ako dahil wala akong lakas ng loob i-send iyon.
Nag backread nalang ako at naalala ko naman ang lahat. Kung gaano kami ka-close noon, kung gaano kami katakot mawala ang isa't isa. Kung gaano kami kakulit at mahal ang isa't isa. Pero ngayon, ni isang "Hello" or "Hi" ay wala na.
Umalis naman ako sa convo namin at nahiga saglit. Pumikit ako para kalimutan ang mga pangyayaring hanggang alaala nalang.
*ting*
Laking gulat ko nang tumunog ang cellphone ko at kinuha ko naman agad ito. Nanlaki ang mata ko na makita ko ang pangalan nya sa screen! Siya pala ang nag chat!
"Hello :)"
Simpleng hello na sobrang nagpasaya sa akin. Agad naman ako nag reply ng "Hi". Ngiting - ngiti akong humiga sa kama at hawak hawak pa rin ang cellphone.
*ting*
Tumunog ulit ang cellphone ko kaya agad ko naman ito tinignan. At nakita ko kaagad ang chat niya.
"Favor? Hehe."
Nawala ang ngiti sa labi ko nang mabasa ko ang chat na yon. Ngumiti ako ng mapait at inoff muna ang cellphone ko. Napag deisyunan kong lumabas para bumili ng makakain man lang.
Nang makarating ako sa tindahan, may pamilyar na boses akong naririnig.
"Sandali lang, hindi pa nag rereply eh!" wika niya.
"Tagal naman." sagot naman ng kasama niya.
Tumingin naman ako kung saan nang gagaling ang boses na yon.
At nakita ko nga. Nakita ko ang bestfriend ko noon, na kasama ang bagong bestfriend niya. Napayuko nalang ako at tinanggap ang katotohanan.
Oo nga pala, iniwan na nya pala ako at kilala nalang nya ako kapag may kailangan pala siya.