Chapter 16

977 26 15
                                    

Chapter 16

Dedicated to @MaryJoyBautista705

NAKAUWI na sila ng Maynila at hanggang ngayun ay lutang pa rin si Eleven. Hindi pa rin kasi siya lubos makapaniwala na nagtagumpay siya sa plano. Nakaduyan pa rin sa hangin ang kanyang sarili, nakatingin sa kulay kremang pader. Ngunit ang iniisip ay malayo.

"Anak, anong meron sa pader at kanina ka pa nakatanga diyan?" ang mama niyang napansin na pala siya.

"Mama, sampalin mo nga ako," tulalang sabi niya habang nanatiling nakatingin sa pader.

"Ha?! Anong sinasabi mong bata ka?"

Lumunok muna siya bago ibinaling ang tingin rito, "Baka kasi, panaginip lang lahat ng nangyari eh."

Nagsalubong ang mga kilay nitong manipis na, "Eleven, umayos ka nga. Para kang sira diyan." Napapailing na sumbat nito.

Lihim siyang napangiti at sobrang saya niya. "'Ma! Ako ang pakakasalan niya! Yes!" nagtatalon pa siya dahil hindi pa rin makapaniwala.

"Iba talaga ang epekto ng pag-ibig sa isang tao. Ika'y nababaliw na."

Sa wakas at siya ang piniling pakasalan ni Sean. Napaghiwalay niya rin ang dalawa sa huli, kahit papano medyo gumaan na ang kanyang loob. Akala niya nung una ay hindi niya iyon magagawa, pero bandang huli hindi siya nawalan ng pag-asa na agawin si Sean kay Zexhain. Dininig ng Diyos ang kanyang mga panalangin na mapasakanya ang binata.

"Ngayung ikaw na ang bida sa kwentong ito, Eleven. Kailangan alam mo na ang susunod mong gawin. Hindi ka na namin tutulungan ng papa mo," magiliw na paliwanag ng mama niya.

Nakangising napatango siya rito at kinikilig na napaupo sa sofa. Basta ng saya-saya niya sa pagkakatong iyon.

Sa wakas akin ka na baby ...hahaha

"Sige, umayos ka na at papasok na si Sean," utos nito bago siya iniwan sa salas.

Mabilis na napatayo siya at inayos ang suot na damit. Isang simpleng maluwang na shirt ang kanyang suot na binagayan naman ng fit na itim na leggings. Inayos rin ang buhok at hinayaang nakalugay bago tuluyang naglakad papuntang pinto. Nakapaskil na ang malambing na ngiti bago tuluyang binuksan ang pinto.

Ang gwapo niya talaga shet!

Napalunok siya nang mukha agad ni Sean ang nakita niya. Napatingin siya sa mga labi nitong mapula. Natinag lamang siya sa pag-usisa rito ng tumikhim ito.

"Ahem."

"Hi! Tulungan na kita," nakangiting kinuha niya rito ang isang paper bag na marahil ay naglalaman iyon ng damit.

"What?" nagtatakang tanong nito nang hindi pa siya tuluyang umalis sa kinatatayuan at gumalaw dahil nanatili siyang nakatingin sa gwapo nitong mukha.

Ngunit napangisi lamang siya bago binigyan niya ito ng espasyo para makaraan papasok sa bahay. Kinikilig naman siya ng maamoy ang pabango nito na lalong nagpabaliw sa kanya. Nang makapasok ito'y nakabuntot siya rito na animo'y parang sira. Nahalata siguro nitong sinusundan niya ito.

NOTHING SACRED BABY(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon