Panimula

35 2 0
                                    


Panimula


"Uy bes anong costume ang isusuot mo sa halloween party, bukas?" Tanong ng kaibigan kong si Leila. Pagkatapos naming Umupo sa bakanteng upuan dito sa Cafeteria, lunch na kasi ngayon. Tumingin ako sakanya na busy sa pagnguya ng burger niya.




"Hindi ko alam bes pero gusto ko bampira," natawa siya sa sinabi ko.




"Bes, maputi ang bampira, ang itim mo kaya," aniya, ngumuso naman ako.




"Ang sama mo di naman ako ganon kaitim, basta yun ang gusto ko!" inis na sabi ko. Natawa lang siya at muling kumagat sa burger niya. Ako naman ay luminga linga muna sa paligid habang iniikot ikot lang ang pasta sa tinidor. Hindi ko alam bigla akong tinamad kumain.




Nasa ganong kaming sitwasyon ng bumukas ang pinto sa cafeteria. Nakatalikod kami don kaya hindi ko makikita kung sino ang pumasok.




Nakita kong natigilan sa pagnguya si Leila at dahan dahang tumingin sa likod. Kaya napatingin din ako.




At ganon nalang ang gulat ko ng makita ang isang babae at isang lalaking sobrang puti. Akala mo'y anak ng mag eespasol.




Ngayon ko lang din napansin na halos lahat ng nasa loob nitong cafeteria ay nakatingin don sa dalawa. Dire-diretso lang silang naglakad Na akala mo'y walang nakatingin sa kanila at umupo sa bakanteng upuan, malayo samin.




"Omg! Bes! Omg! Bes," naiusal ni Leila at inuga-uga pa ako. Inis ko siya nilingon na nakatingin parin sa dalawang maputing nag-uusap.




"Ano ba!" inis na sabi ko ng hampasin niya naman ang braso ko.




"Omg bes!" dahil sa inis ay inipit ko ang dalawang kamay ko sa pisngi niya at iniharap iyon sakin.




"Ano ba bes! Napaka oa neto!" suway ko sakanya.




"Esh kashi namun anu nga kashi shung darawa na--" hindi ko naintindihan ang mga sinasabi niya dahil nga nakaipit ang dalawang palad ko sa magkabilang pisngi niya. Kaya inis kong tinanggal ang mga iyon.




"Pede ba bes! Huminahon ka!" suway kong muli.




"Eh kasi bes," nakangusong aniya.




"Dahan dahanin mo kasi," sabi ko. "Oh ano ba yung sinasabi mo."




Umayos siya ng upo. "Kasi bes yang dalawang yan," turo niya dun sa dalawang maputi. "Mga bampira daw yan!"




"Ano ba yan bes. Porket maputi bampira agad!" ani ko at tumingin don sa dalawa.




"Oo! Bes maniwala ka. Siguro kaya sila nagtransfer kahapon dito para kainin tayo," natatakot na aniya, humarap ako sa kanya.




"Ang tanda tanda mo na bes naniniwala ka pa sa mga ganyan," ani ko at isinubo ang pasta.




"Basta bes maniwala ka man o sa hindi bampira yan!" pamimilit niya.




"Paano ka nakakasiguro aber?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.




"Wala lang marami kasing nagsasabi eh,"




Hindi ko na siya pinansin at inubos nalang ang pagkain. Minsan ay napapatingin ako dun sa dalawa. Hindi ko maipagkakailang pareho silang may itsura pero kapag tinignan mo sila masasabi mo talagang mga bampira sila.




Maliban kasi sa maputi sila parang may kakaiba sa kanilang dalawa. Nakatingin lang ako sakanila ng biglang tumingin sakin yung lalaki nasisigurado kong sakin siya nakatingin dahil busy sa pag cecellphone si Leila.




Nagulat ako at mabilis na nag-iwas. Hindi ko alam pero biglang tumindig lahat ng balahibo ko ng magtama ang aming mga mata. Buti nalang at nag ring na ang bell kaya naman pumunta na kami sa next class namin.




Mabilis natapos lahat ng subject. Dahil nga maraming aayusin dito sa school para sa halloween, sabay kaming lumabas ng gate ni Leila.




"Bes, excited na ako bukas para sa halloween, binilhan kasi ako ni dad ng costume ni harley quinn," aniya, at parang iniimagine kung anong magiging itsura niya sa costume niya.




"Tsk!"




"Eh ikaw bes nakabili ka na ba ng costume mo?" tanong niya sakin.




"Hindi ko pa alam eh. Mag tatanong pa ako kay lolo," sagot ko sa kanya. Tumango siya sa sinabi ko.




"Hala bes, nagtext si kuya sakanya na daw pala ako sasabay ngayon dahil pupuntahan namin yung puntod ni lola." Bago niya sakin ipakita ang convo ng kuya niya.




"Sige lang bes, walang problema. Mabilis lang namang makahanap ng masasakyan."




Hinintay ko siyang mawala sa paningin ko bago niyakap ang sarili ko ng may malakas na hangin ang bumalot sa paligid.




Padilim ng padalim ang paligid subalit wala paring humihintong sasakyan. At mukang uulan pa. Tinignan ko ang cellphone ko ngunit lobat na ito.




Nagtingin tingin ako sa paligid. Nagulat ako ng may makitang tao na layunin ay puntahan ako, hindi ko maaninag ang muka niya dahil sa sobrang dilim. Napaatras ako sa kaliwang bahagi pero natigil rin ng mapansing may tao rin roon.




Tatakbo na sana ako ngunit nahawak agad nila ako sa parehong braso ko. Bakit ang bilis nila?




"Bitawan niyo ako!" Mariing sinabi ko, nagpupumiglas. Subalit hindi nila ako pinigilan at mas lalong diniinan ang paghawak sa braso ko. "Ano ba nasasaktan na ko! Tulong!"




"Mas lalo kang masasaktan pag hindi ka tumahimik." Ani nung lalaking nasa kanang bahagi. Huh hindi mo ako utusan.




"Tulong!" Mas malakas na sigaw ko.




"Sinabing tumahimik ka--" sasampalin niya na sana ako ng may bigla kaming naramdamang presensya.




"Bibitawan niyo siya, o ako mismo ang papatay sa inyong dalawa."

Start Counting Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon