Sabay sabay kaming napatingin sa unahan kung saan galing ang nagsalita, hindi namin siya maaninag dahil sa nakabalot na kadiliman.
Naramadaman ko nalang ang paglapit niya samin ng tanggalin niya ang braso ko sa dalawang lalaki.
Nagtaka ako ng hindi man lang pinigilan ng dalawa ito ang pagkuha sakin ng hindi ko makilalang lalaki na siyang nagtanggol sakin.
"Geib anong ginagawa mo?" Tanong nung isang nanakit sakin nang biglang higitin ng lalaking nagtanggol sakin ang kamay ko upang ilayo sa dalawa.
Hindi niya ito sinagot at hinila ako papalayo. Rinig ko pa ang tawag ng dalawang lalaki sa likod subalit mabilis kaming nakalayo roon.
"T-teka sino ka nga pala?" Takang tanong ko. Hindi siya nagsalita kaya inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at tumigil, napasulyap siya sakin ng huminto ako.
Natigilan ako ng mamukhaan kung sino ang lalaking ito, siya yung lalaking napagkamalang bampira ni Leila sa cafeteria. Anong ginagawa niya dito?
Nagtitigan kami at biglang parang may kung anong pumasok sa tiyan ko. Bakit ba pag tinitignan ko ang mga mata niya ay may kung anong nangyayari sa sistema ko.
Kumunot ang noo ko ng biglang pumula ang mga mata niya, hindi ko alam kung totoo ang nakikita ko kaya umiling ako at kinusot ang mga mata.
Nakahinga ako ng maluwag ng pagkakusot ng mata ko ay bumalik sa dati ang mga mata niya, hindi ako sigurado kung totoo ang nakita ko sa mata niya o isang imahinasyon lamang iyon.
"Ihahatid na kita pauwi." Hindi niya sinagot ang tanong ko. Umiling ako sa alok niya.
"No thanks, kaya kong umuwi mag-isa."
"How?"
"Edi magtataxi." Nakita kong ngumiti siya sa sinabi ko, kaya sa halip na sumimangot ay parang kinilig pa ako. Lalo kasi siyang gumwapo.
"I mean it's late wala nang nagdadaanang mga sasakyan, tsaka hindi ka pa ba nadala dun sa nangyari sayo kanina?" Oo nga no, ngayon lang muling nagsink in sakin ang nangyari kanina. Mga walanghiyang yon, ano namang intensyon sakin ng mga yon tsk wag lang silang mag pakita sakin.
"Okay."
Nakakahiya man wala na akong nagawa dahil baka kung anong mas malalang mangyari sakin. Tumango siya bago kami dumaretso papuntang school sa parking lot. Tumigil kami sa isang itim na sasakyan.
Napanguso ako ng hindi man lang niya ako pinagbuksan ng sasakyan, mabait siya di nga lang gentleman.
Medyo creepy yung sasakyan niya dahil may mga lumot pa akong nakikita tapos lahat ng gamit dito sa sasakyan kulay black, kahit yung style na suot niya black.
"Favorite mo siguro black no." Nasabi ko nalang.
Hindi siya lumingon sakin pero tumango siya. Pag bukas ng makina ay nagmaneho na siya.
"Saan ang inyo?" Tanong niya pagkalabas ng sasakyan sa school, buti at kahit ganitong oras ay bukas parin ang school.
"Suarez Village." Sagot ko at tumingin sa bintana.
"Sinaktan ka ba nila?" Bigla niyang tanong.
Sumulyap ako sakanya. "Hindi, dumating ka eh." Hindi siya umimik. "Pero tanong lang paano mo sila napigilan, kilala ka ba nila?"
"Hindi." Simpleng sagot niya.
"Ah ganon ba..." sabi ko. "Hindi panga pala ako nagpapasalamat sayo. Thank you ha, siguro kung hindi ka dumating kanina pa nila ako sinaktan." Tinapik ko ang balikat niya, pero nagulat ako ng bigla niyang ihinto ang sasakyan.
"M-may problema ba?" Tanong ko ng nakatingin na siya sakin ng namumula ang mga mata.
Kinurot kurot ko ang balat ko sa kamay pero hindi nagbago ang mga itsura niya. Napaatras ako ng inilapit niya ang muka niya sakin, at talagang nanlaki ang mata ko ng makitang lumabas ang pangil niya. Shit! Sa movie ko lang ito napapanood pero hindi ko naman hiniling na mangyari ito sa totoong buhay!
Agad kumilos ang dalawang kamay ko upang takpan ang bibig niya at pumikit. "Huwag please."
Akala ko ay ito na ang katapusan ng buhay ko pero ng maramadamang wala na ang bibig niya sa kamay ko ay unti unti kong iminulat ang mata ko.
Nakatingin na siya sakin at narinig ko ang mahina niyang buntong hininga. "I'm sorry."
"Papatayin mo ba ako!?" Galit na sigaw ko sa kanya.
"Hindi ko sinasadya, Hindi ko na pigilan ang sarili ko..." Mahinang aniya.
Bumuntong hininga ako. "Ano ka ba talaga?" Gusto kong makumpirma sa kanya mismo kung totoo siyang bampira dahil hindi talaga ako makapaniwala.
"Isa akong bampira."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sagot niya. "S-so may plano kang patayin ako?" Naiiyak na tanong ko, Paano nalang kung nawala na ako sinong mag aalaga kay lolo.
"Hindi ko intensyong saktan ka... " Umiling ako sa sinabi niya.
"Eh ano yung ginawa mo kanina!"
"I'm sorry, hindi ko nacontrol ang sarili ko nang bigla kong naramdaman ang kamay mo sa balikat ko." Nag iwas siya ng tingin. Hindi ko pinansin ang dahilan niya, wala akong pakialam paano nalang kung wala siyang nagawa para pigilan ang sarili niya!
"Itigil mo ang sasakyan. Baba na ako!" Matigas na sabi ko.
"Ngunit umuulan na." Ngayon ko lang napansing naulan na pala, pero wala akong pakialam basta makaalis na ako sa bampirang ito.
"Sabing itigil mo ang sasakyan!" Galit na talagang sabi ko.
Mabuti nalang at sinunod niya ang sinabi ko, lumabas agad ako ng sasakyan. "Malakas ang ulan." Aniya sa may bintana.
"Wala akong pakialam! Umalis kana." Sigaw ko. "Umalis kana sabi." Bago sipain ang unahan ng sasakyan niya ng hindi parin siya umaalis.
Sumunod naman siya at nang hindi kona makita ang sasakyan niya tsaka ko lang naramdang basang basa na ako at ang bag ko ng ulan buti nalang at kaonti lang ang gamit na dala ko.
Niyakap ko ang sarili ko upang hindi gaano ako malamigan pero habang tumatagal parang hindi na kaya ng katawan ko. Nangangatal akong naglakad at naghanap ng masasakyan subalit walang dumaraan na sasakyan.
Feeling ko babagsak na ako dahil nahihilo na ako, ilang minuto na siguro akong naglalakad sa gitna ng ulan at sa madilim na kapaligiran. At ng hindi na talaga kinaya ng katawan ko naramdaman ko nalang ang sarili kong nasa lupa.