We first finished what we should before doing what we want. We are now at my room chatting about things. Me and Zayn were leaning in my bed's headboard while the other two was at the couch. I was actually thinking to tell them about how iritated I am to that Colton jerk but I also don't want them to think about things that wasn't even possible. Mga issue pa naman ang mga to!
"May exact date na ba yung kasal nyo?" Zayn asked.
I puckered my lips to the side.
"Tsk! Malamang hindi nya nanaman alam yan!" Sabat ni Lou. Sinabi ko kasi sa kanila na umalis ako after i-announce na kailangan kong magpa-kasal. Medyo na dismaya si Nette at Zayn dahil hindi ko manlang daw tinanong kung anong name nung lalaki. Si Lou naman, Ayun! Dismayadong-dismayado. Hindi naman daw ako siguro ipapakasal nila Mom sa pangit kaya dapat daw talaga inalam ko. Ano naman ang magagawa ko diba? Nakaalis na ako, e. Atsaka pa, ayaw ko ring makausap sila ngayon. Masama parin ang loob ko sa kanila. Sino ba namang hindi diba?
Bumuntong hininga ako. "Sabi nila pag-naabot na namin yung pangarap namin. Siguro pag magta-trabaho na kami."
"Yan lang ang alam mo?" Mataray na tanong ni Lou.
"Oo." Sagot ko ngunit nginiwi-an lang nya ako. "Wala akong maintindihan kaya umalis na ko. Para din makapag-isip" ngumiti ako ng kaunti. Yung tipong hindi aabot sa mata. Yung mapagkakamalang ngiwi dahil parang napilitan lang. Fresh parin sakin yung balita kaya hanggang ngayon hindi parin ako nakaka-get over. Kagabi lang kaya yun!
"Di bale, isipin mo na lang talaga na matagal pa!" Muling suhestiyon ni Zayn. Tumango ako sakanya. Ganon na lang talaga ang pwede kong gawin. Siguro sapat na yung remaining time para magpaka-saya ako. Susulitin ko na lang talaga baka kasi hindi ko na magawa pag dumating na ako sa point na kinakatakutan ko ngayon.
Tumingin ako kay Nette dahil kanina pa sya busy dun. Her book were at her lap and it seems like she's taking pictures of it. Magpapakopya ba to? Pero bakit parang ang saya nya namang magpa-kopya.
"Psh! Nette!" Tawag ko dito. Nilingon ako nito at tinaasan ng kilay. "Ano yan?" Tinuro ko ang cellphone nya.
Kinikilig syang ngumiti "Nagbibigay inspirasyon lang ako, sis!"
"Saan naman?" I asked getting suspicious on what she's doing.
"Ang sabihin mo 'Sino'" Singit ni Zayn. Nakatingin ito ng masama kay Nette na ngayon ay nagba-blush na. Sabi ko na nga ba, e!
"Nette penge namang blush on" biro ni Lou. Nginiwi-an lang sya ni Nette pero agad yung nawala ng may nakuha itong notification. Nakita kong napangiti ito at palihim na hinahawi ang buhok. Tsk!
"Ano ba yang pinag-uusapan nyo, Nette?" Takang tanong ko. Nakatingin parin kaming lahat sa kanya.
Nag-wait sign si Nette samin dahil busy pa syang mag-type. Inirapan ko na lang sya. Edi ikaw na ang may ka-chat!
Tumigil sya sa wakas at hinarap ako. "Tinatanong kasi ni Clark kung may sagot na ako sa assignment namin..." kinikilig na wika nito. Nangunot ang noo ko. Kukopyahan na sya, kinilig pa sya! Mga modus nga naman ng mga paasa!
"Ano pang sinabi nya?" Tanong ko
"Sabi nya wag daw akong masyadong mag-puyat. I send ko na lang daw yung kopya ng answer sheet ko. Ako daw ang inspirasyon nya!" kinikilig parin ito. Ang gaga naman nitong kaibigan ko!
"Ginagamit ka lang nyan, girl! Mga modus lang nila yan wag kang maniwala!" Pag-sasabi ko ng totoo. Baka sakali kasing magising tong kaibigan ko sa katotohanan.
YOU ARE READING
Catching Feelings
Teen FictionVocation Series One Synopsis Being in a relationship wasn't a part of Briana Eunice Eriquez' bucket list at the moment. All she care about is to study hard at St. Peters University because she wants to prove herself to her grandfather. Growing up, h...