Chapter Three

26 2 0
                                    

Pumasok kami doon at tabi-tabi uling naupo. Nanlalamig na ang mga kamay ko dahil miski ako ay kinakabahan din gaya nila Ticiá pero gusto kong kumalma silang dalawa kaya hindi ko  pinapahalata. Tumingin ako sa desk ni ma'am para makita doon ang mga gamit nito. Paktay! Nandito na ang dragon!

Sumulyap ako sa mga kaklase ko para makitang nag-basa sila ng libro about Physiology. Ayun kasi ang subject ni Madam. Malamang kinakabahan din ang mga to kaya hindi mapakali. Gaya ko.. hahahahaha!

"Hoy babae! Andyan na ang kinakatakutan ng lahat! Wag ka ng tulala dyan kung ayaw mong ikaw ang unang mabiktima nyan." Asar sakin ni Ticiá. Bumuntong hininga ako at humarap sa kanilang dalawa.

"Hindi ako tulala no! Kala mo sakin si Shane?" Turo ko kay Shane na syang tunay na tulala. Humagalpak kami ng tawa pero mabilis na tumahimik dahil sinaway kami ng mga kaklase naming busy mag-review.

"Hoy, Shane! Humihinga ka pa ba? Nako ang putla mo na!" I said jokingly. Tinignan lang ako ng masama ni Shane. Pikon!

Bigla kaming nagsi-tahimikan ng biglang may pumasok na hindi manlang kumatok. Lahat ng mga mata ay naka-tutok sa pumasok na dragon. She just raised her eyebrows at us and look at us intimidatingly. I noticed that she's holding a jar in her right hand. I only realized what was it when she shaked it and make it create a noise that disturbs every fiber of our being. Nako bunutan ang peg ni madam!

Tumingin ako sa mga kaklase kong kanina ay nagre-review para makitang ang linis na ng mga desk nito at naka-upo na ang mga ito ng deretso. Pagkatapos ay tinignan ko naman ang dalawa kong kasama. Hmmm.. mukhang okay na sila. Si Shane kasi ay naka-upo na ng maayos pero halata parin ang pagiging balisa nito dahil kung saan-saan ito nakatingin. Si Ticiá naman ay tahimik lang at nakadikit ang dalawang kamay sa isa't-isa na para bang nag-dadasal.

"Good morning Ms. Villin" Bati namin

"Good morning to all of you and good luck" she said while smirking.

"Hindi ko na kayo iisa-isahin for attendance dahil ang attendance nyo ngayon ay i-babase ko kung naka-sagot kayo. Remember, this is a graded recitation. Kaya kapag hindi kayo naka-sagot ay zero na kagad ang score nyo at ilalagay ko pang absent kayo sa attendance nyo. Naiintindihan?" She said in a stern and calmly manner. Ang power tripper!

Tinaasan nya kami ng kilay ng hindi kami nagsi-sagot. " Sagot! Mga gunggong!" She shouted impatiently.

"Naiintindihan po Ms..." Mahinang sambit namin. Hindi na sya nag-komento at umupo na sa desk nya.

"Ehem!" Matunog na tikhim nito. "Magsisimula tayo kay..." She shaked the jar and open it to get a strip of paper. "Ms. Lorry Joson..." Mabagal ngunit nakakainis na sambit nito. Hindi parin nabubura ang pang-aning nitong ngisi sa amin. "Stand-up and come here." Kalmado nitong sambit dun sa nabuena-mano. Nanginginig na naglakad yung babae palapit kay ma'am.

"So..." Pahina nitong sambit. " The question for you Ms. Joson is..." Sinadya nitong patagalin para  mas kabahan yung babae.

"What is the main function of Brain System?" Nakahinga ng maluwag yung babae. "Explain! It should contain five sentences. If not..." Mariing nakatingin ito sa babae habang naka-halukipkip.  " You know what would happen already."

Huminga ang babae bago nag-salita. " The main function of the brain system includes heart rate, breathing, speaking and etc. Our brain system is also the reason why we does everything we have done in a lifetime. And... A-ammm..." Ngingisi-ngising tinaasan ni ma'am ng kilay yung babae. "Bibilang ako ng lima at pag wala ka paring na dagdag ay alam mo na.."

"Isa."

"Ma'am h-hindi--"

"Dalawa!" Lumakas ng konti ang boses nito.

Catching FeelingsWhere stories live. Discover now