“True love has a habbit of coming back.”
--------------------------------------x
Hingal na hingal kaming dalawa ni Henry na nagtatago ngayon dito sa damuhan ng isang malawak na gubat. Kanina pa kasi kami takbo ng takbo, basang-basa na din kami dahil sa malakas na ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat.
Nagtatago kami ngayon dahil pinapahanap kami ng hari, ang tatay ko. Pilit nila kaming paghiwalayin. Matagal na panahon, matagal na panahon naming minahal ang isa't-isa tapos pag hihiwalayin lang kami ng ganon-ganon lang?
Hinawakan niya ako sa pisngi gamit ang magkabilang kamay niya. “Sinabi ko na sa iyo, iwan mo nalang ako! Ako punterya nila!” Tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata na parang namamaalam na siya.
Hindi ko napigilang umiyak. Hinawakan ko din ang kanyang mga kamay na nakahawak sa pisngi ko. “W-walang makakapaghiwalay sa ating dalawa mahal ko, hindi nila mapipigilan ang pagmamahalan natin!” Naka ngiti kong tugon sa kanya.
Tuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko. Bigla niya akong hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit.
Henry, hindi kita iiwan...
Mahak na mahal kita...
Napayuko kaming dalawa nang makita namin ang iba pang kawal na naghahanap sa aming dalawa.
Isa akong prinsesa sa kaharian ng Asterin. Nasa batas namin na bawal makipag-kasintahan ang mga royals sa pangkaraniwang tao. Ngunit hindi pangkaraniwang tao si Henry, espesyal siya sa akin. Tanggap ko kung ano man siya, mahal ko siya.
“HENRY ILABAS MO SI ROSE! PAPASLANGIN TALAGA KITA!” Rinig namin ang malakas na sigaw no Travis.
Siya ang fiance ko. Siya ang lalaking pinilit sakin na pakasalan siya. Napagkasunduan kasi ng Hari na ipakasal ako sa Prinsipe ng Caspian, ngunit hindi pupwede. Hindi ko siya mahal. Ang mahal ko ay si Henry!
Napakurap ako ng marinig ako ng isang malakas na suntok sa sikmura.
Si Henry! Nakita na pala kami ng mga kawal.
“BITAWAN NIYO KAMI!” Hinawakan ng mga kawal ang magkabilang braso ko, habang si Henry naman ay pinagsusuntok ni Travis. Tumutulo na ang mga dugo mula sa bibig ni Henry.
“T-tama na! Maawa kayo!..” Pinilit ko pa ring makawala sa mahigpit pagkakahawak ng dalawang kawal sa braso ko.
Napalingon ako sa gilid ko. Nagkatitigan kaming dalawa ni Pinununong Kawal na si Arthur. Simula noong bata pa lamang ako, ay si Arthur na ang nagtuturo sakin kung paano gumamit ng sandata kahit bawal yon sa aming mga babae.
Ang dapat lang daw gawin ng mga kababaihan ay manilbihan at maghanap ng mapapangasawa at manganak ng lalaki upang mag-lingkod sa amin.
Walang kalayaan.
Buti pa nga ang mga dama sa amin, nakakapagpangasawa sila... Eh paano nalang ako? Pinipilit akong pakasalan sa hindi ko naman mahal.
Ngunit ano pa bang magagawa ko? Mahal ko, siya, at minahal niya rin ako ng buong puso. Mahal namin ang isa't-isa.
Muli akong bumalik sa realidad. Alam kong naiintindihan niya ako. Alam kong nababasa niya ang aking isipan, na nagmamakaawang tulungan kami
YOU ARE READING
In Another Life
FantasiReincarnation. Past Forbidden Love. Are you willing to sacrifice yourself to follow your love ones in the afterlife?