CHAPTER 17

27 4 0
                                    

Kyle's POV

Mabuti at okay na si Kuya Siege.. Minor injuries lang ang natamo nya.

Ano kaya ang nagyari kung lahat kami lumabas?

Baka lahat kami nasa hospital ngayon.

Nakakadagdag pa sa problema ang pag aaway nila Ate Pau, Ate Ash and Ate Yvonne.

Ginawa akong referee.

Umuwi na ang iba. Ang natira na lang dun ay sina Prof Cyrus, Ate Ash and Ate Pau. Bukas na lang daw pupunta ang mga kapatid ni Kuya Siege.

" Ate Pau, bibili lang ako ng milk tea ah. " sabi ko at tumayo na at naglakad papunta sa hagdan pababa ng ground floor. Ayoko mag elevator. Gusto ko maexercise ang mga paa ko.

Nasa 4th floor ang kwarto ni Kuya Siege at kailangan ko bumaba ng dalawang palapag para makarating ng ground floor kung nasa may store ng milk tea.

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras.

Pasado alas nuebe na pala.

Naglakad ako sa pasilyo ng third floor. Madilim doon at nagbiblink pa yung ilaw sa dulo.

" Ang tahimik naman dito. " bulong ko sa sarili ko.

Ganito yun scene sa mga pinapanood kong horror movies.

Dali dali akong naglakad papunta sa hagdan.

Nang pababa na ako ng may makita akong isang babae ang nakaupo sa may steps ng hagdan.

Hanggang balikat ang brown na buhok at may red na headband at naka shirt ito ng maroon at black pants.

Nakayuko ito na parang natutulog.

" M-miss hello? Are you okay?" tanong ko dito.

Nagising ito.

" Uhm okay lang ako. " tumayo sya at humarap sakin.
" K-Kyle? What are you doing here?"

Huh?

Kilala nya ako?

" Do I know you?" tanong ko at napakamot ng ulo.

Ngumiti sya.

" Sorry. I am Edcel from Faculty of Engineering. I know you kasi diba nasa group ka ni Ashley? Sikat kaya kayo sa NU." sagot nito

" Hala. Di naman. Bat ka nga pala nandito? "

Napabuntong hininga ito.

" Nasa ICU kasi yung Tita ko. Ako nagbabantay sa kanya ngayon eh. " sagot nya.
" Ikaw? Andito ka din ba dahil kay Siege?"

" Yup. Mabuti okay na sya. I hope gumaling na tita mo. Just pray ok?" sabi ko.

" Thank you ng madami. " sagot naman nya.

Napansin ko ang red stiletto mark brooch na naka-pin sa damit nya.

" Maganda ba?" sa tagal kong nakatit
sa brooch na yun ay di ko na napansin na nakatingin pala sya sakin.

" Y-yes hahahaha. Cute nga eh. By the way, gusto mo sumama sakin papunta sa Milktea shop?"

" Hmmm sige. Tara. "

----

Michael's POV

" Poor Siege. Yan ang napapala ng PAKIALAMERO. "

Pumasok ako at nakita ko si Haborym na binubulungan si Siege.

" Baho ng hininga mo, Habowbow. " I teased and tumayo malapit sa pinto.
" Gosh. Did you even brush your teeth?"

NIGHTINGALE UNIVERSITY: I Wanna Be With YouWhere stories live. Discover now