CHAPTER 14

28 7 0
                                    

Justine's POV

"Bago tayo umuwi, snack muna tayo sa Cafeteria. sumisigaw na mga bulate ko. "
" Anong sabi Kuya Bhen?" tanong ni Kyle sabay akbay sakin.

" ~ Gu gu gutom na ka ka kami. Gu gu gutom na. Go Cafeteria na! " kanta ko sa tono ng Bad Romance ni Lady Gaga.
" Tsaka nga pala, hinihintay ka ni Jannah, andun na sya. "

" Talaga? Hindi ko alam na pupunta sya. "

Ewan ko ba. Simula nung nagdate ang dalawa ay laging bukambibig ng kapatid ko ay si Kyle.

Hindi kaya kinulam ni Kyle ang kapatid ko?...

Ano ba pinag iisip ko?.

" Weeeh? Magkachat kayo kagabi eh. "

" Hala. Hehe opo "

Dumiretso kami sa cafeteria at hinanap kapatid ko. Di masyado marami tao ngayon dito.

" Kuya Tine!, Kyle!" bati samin ni Jannah na nakauniform pa din na pang Sparrow Academy kaya pinagtitinginan sya ng mga students dito.
" Tara kain na tayo. "

Actually quite popular ang kapatid ko sa Sparrow Academy of Arts sa kadahilanang isa sya sa "Avem Royalty" ng school na yun. Ibig sabihin she's one of the best.

" Wow! Lahat yan niluto mo? Or nagpatulong ka kay Nana Ising?" Sabi ko at umupo na.

" Grabe ka kuya! Maaga ako gumising para lutuin yan. Tinuro sakin to ni Nana Ising lahat. " sabi nya at binigyan kami ng plato, kutsara'tinidor.

" Hey.. Jannah " bati ni Kyle na halatang nahihiya

" Kyle cute mo talaga!" ani Jannah na halatang nagpapacute.

" Ahemm. ANDITO PA PO AKO. " pagpapaalala ko sabay kumagat ng tteokbeokki.
" Landi landi nyo. "

" Kuya talaga! Namiss ko lang si Kyle ko. " sabi nya in a pabebe tone sabay nilagyan ng pasta ang plato nito.

" Uy salamat Jannah. Favorite ko to eh. "

Tiningnan ko ang dalawa.

" Kayo na ba? " seryoso kong tanong at tiningnan sila.

Nagkatinginan silang dalawa.

" Ah eh... nanliligaw sya sakin Kuya. Wag ka magagalit ah. "

Tiningnan ako ni Kyle.

" Uhm Kuya Bhen.. nanliligaw pa lang ako ah. Hindi pa kami. " sabi ni Kyle sabay kain

Tiningnan ko sila ng matalim.

" Joke lang! Ano ba kayo? Okay lang. Di ko naman kayo pinagbabawalan. Basta focus sa pag aaral ah lalo ka na Jannah. "
" Of course kuya. Di ko yan nakakalimutan. "

Hinayaan ko na ang dalawa na maglandian....

" Kain lang kayo.... "

Pagtingala ko, isang babae ang nakakuha ng atensyon ko...

Naglalakad sya papalapit samin.

" Fuck. " ang nasabi ko na lang.

" Kuya, words please. " paalala ni Jannah.
" Lagyan ko ng pepper ang mouth mo kuya."

Nilampasan nya lang ako na parang hindi nya ako kilala.

" Wait lang ah. " Dali dali akong tumayo at sinundan ang babae.

Ambilis nya naman maglakad. Hinabol ko sya.

" Shannen?"

Hinawakan ko sya sa braso at humarap sya sakin.

NIGHTINGALE UNIVERSITY: I Wanna Be With YouWhere stories live. Discover now