CHAPTER 24

33 3 3
                                    

Kyle's POV

" Ano sasabihin mo sakin? Tungkol ba san?" tanong ko kay Edcel. Kanina ko pa napapansin na balisa sya at parang natatakot.

" Eh kasi.. kasi..... " Parang naiiyak sya

Hinawakan ko mga kamay nyo. Anlamig nito.

" Ano yun?"

" M-may sasabihin ako sayo... t-tungkol sa p-pagkamatay n-ni Kuya Michael.... " utal utal nyang sabi at nagsimula ng umiyak.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumabi sa kanya.

" Anong alam mo?" bulong ko sa kanya at tinapik tapik likod nya.
" A-are you scared? "

" K-kunti... A-alam ko na hinahanap nyo yung A-admin ng NU Grapevine. I didnt mean to eavesdrop sa usapan nyo nung last time. Ba't nyo pala sya hinahanap?"

Nagdadalawang isip ako if sasabihin ko o hindi.

" Marami ng nasasaktan at napeperwisyo si Admin. Kailangan pagbayaran nya lahat ng ginawa nya." matigas kong sabi.
" Ano ba alam mo?"

Nagpalinga linga muna sya  bago nagsalita.

" N-nakita k-ko m-may i-isang b-babae ang p-pumasok sa k-kwarto nya. May kasama syang dalawang naka black hoodie and naka mask sila.  N-nakasuot ito ng p-pang Doctor. Pabalik ako nun g-galing p-pharmacy e-eh... N-nagtaka ako kasi... hatinggabi na yun and w-walang nurse or doctor na nagrounds.. t-tapos s-sinilip ko d-dun s-sa may s-salamin. Nakaawang ng kaunti y-yung kurtina... t-tapos n-nakita k-ko.... N-nakita k-ko..." Di na natuloy ang sasabihin nya dahil umiiyak na sya.

" Sshh Edcel.. Wag mo na muna ikwento kung di mo pa kaya ok? ---"

Bigla nya akong niyakap at hindi na ako nakapalag. Niyakap ko na din sya.

" Tahan na, nandito lang ako. " bulong ko sa kanya.

Pagkatapos nun ay hinatid ko muna si Edcel sa hospital dahil magbabantay pa sya sa Tita nya at ako naman ay napagpasyahang dumaan muna sa may TBT Grocery Shoppe para bumili ng makakain.

" Kailangan ko to sabihin kay Kuya Siege and sa grupo. " sabi ko sa sarili ko

Kumuha ako ng soy milk at mineral water at nilagay sa basket. Kukuha na din ako ng mga junk foods at biscuits.

Alam nyo namang makinain ang kasama ko sa dorm room.  (Sorna, Kuya Justine)

Kumuha din ako ng ilang bote ng beers ng...

" Ano na sunod nyong plano, Master Horus?"

Nang marinig ko ang boses na yun ay nakilala ko agad kung sino yun.

Sumilip ako.

" Si Kuya Rojin nga.... wait sino kaya tong kausap nya? "

May kausap syang lalaki na  naka denim hoodie na may mummy patch sa likod.

" Pahinga na muna tayo. Wala pang sinasabi si Admin. " sabi nito sabay uminom sa hawak nitong plastic cup at tumawa ito.

Shit.

That  deep voice..

Nagtago ako uli baka makita ako.

Dahan dahan akong naglakad papunta ng counter.

Paglingon ko ay...... wala na sila.

" Nasan na sila?" bulong ko sa sarili ko

Sayang di ko tuloy nakita kung sino yung naka denim hoodie.

I scrunched up my nose and binayadan mga binili ko sa counter.

Kinuha ko wallet ko para kumuha ng pera.

NIGHTINGALE UNIVERSITY: I Wanna Be With YouWhere stories live. Discover now