"Nang Tumila Ang Ulan"

6 3 0
                                        

Tag ulan na naman,
Bumabaha ng mga karanasan ang isipan.
Naalala mo pa ba noong naglalaro tayo at naghahabulan?
Sabi mo pa nga, "Mag-ingat ka naman, ayaw kong ikaw ay masugatan."
Hay, ang saya naman ng ating kapanahunan.

Nagbago lang naman ang lahat noong kinalimutan mo ako para sa pangarap mo.
Wala naman akong hinanakit dahil ang sabi mo "pakakasalan kita pagdating ko."
Naghintay lang naman ako.
Ang dami ko na ngang planong nabuo.
Ang saya-saya ko.

Isang taon mahigit kang nawala.
Parang dinahan-dahan mo naman bigla.
Wala na akong narinig kahit anong salita,
Pero mahal kita eh kaya heto ako ngayon naka tingala
Siguro nahirapan ka lang d'yan kaya inintindi kita
Hintay lang ako nang hintay, hinahawakan ko ang kaunting pag-asa

Dumating kana
Sa sobrang saya ko, tinakbo ko ang pagitan nating dalawa.
Niyakap kita ng mahigpit at naiyak ako sa kagalakan.
Ngunit na iba ang ngiti ko nang makita ang katabi mo, "Asawa ko nga pala."
Tinapik mo 'yong balikat ko at sinabing, "pasensya kana."

A Low ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon