Kabanata 6

40 5 0
                                    

Siguro maayos lang din na hindi kami nakapag-usap. Tatanungin lang naman niya kung anong problema namin, o, sa tamang salita, problema ko. Sa akin lang naman talaga ang may problema. Ako lang mismo ang gumawa. At kahit na pag-usapan pa namin iyon ay hindi rin naman magbabago na mahal ko siya at hindi niya ako gusto. Mas lalala lang din itong sakit na nararamdaman ko kapag inamin ko ang lahat pero wala siyang kayang ibigay.

Nakasalubong ko si Aling Cherry pabalik sa bahay. Nakabukas ang pintuan ng kanilang bahay at habang nanunuod siya ng TV ay nakita niya akong dumadaan.

"Frosty, anak!"

"Magandang gabi po, Aling Cherry." Sinubukan kong ngumiti pero naging peke lang iyon.

"Aba'y ang lalim na ng gabi, saan ka ba galing?" Maalalahaning si Aling Cherry.

"Uh, nagpahangin lang ho."

"May problema ba, hija?" Hina mo talagang umarte, Frosty!

"Sa school lang ho." Palusot ko.

"'Wag masyadong stressed sa school, anak. Si Keno nga, relaxed lang kung mag-aral pero nakaka-top naman. Wag mo masyadong alalahanin ang mga bagay-bagay, anak." Pang-aadvise niya.

Tumango ako, "Susubukan ko ho."

"Frosty, kamusta nga pala ang performance niya kanina?" Interesado niyang tanong.

"Bagay talaga sa kaniya ang pangarap niya, Aling Cherry. Standing ovation talaga sila kanina." Pagmamalaki ko sa anak niya.

"Mukha nga!" Tawa niya na kitang-kita talaga ang pagkakaproud sa anak. Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Mukhang ano?

"Ho?"

"Ayon, trineat niya 'yung ka-partner niya daw sa dula nila. 'Yung maputing babae.Magcecelebrate daw sila."

Yumuko nalang ako.

"Mauna na ho ako, Aling Cherry. Baka hanapin na ako ni Mama." Inangat ko ang ulo ko kahit pakiramdam ko ay napakabigat nito. "Good night po.." At kahit hindi tunay, ngumiti pa rin ako.

Isang lingo ang lumipas pero hindi na ako sinubukang lapitan ni Keno. Parang hindi niya ako kilala, wala siyang pakealam, ni hindi niya ako kinumpronta tungkol noong hindi niya ako sinipot.

Nakikita ko siya. Parati. At sa mga oras na iyon ay palagi ding nakadikit sa kaniya si Merilynn. Hindi ko pinakinggan ang sinasabi ng utak ko. Ayaw tanggapin ng puso ko. Hanggang sa bibig na talaga mismo ng babaeng iyon lumabas.

"Kami na." Kinikilig niyang sabi sa mga kaibigan niya na puro pulbo at salamin lang ang alam, "Sinagot ko na siya."

2007

Sabi ng halos lahat ng nakalampas ng JHS ay ang Grade 9 raw ang pinakamahirap na level sa hayskul. That's why I'm trying my best not to fail, and I am also getting better in English class. Last school year, nakapasok ako sa honor's list. Proud na proud si Mama sa'kin nun kaya ngayon todo effort talaga ako para makapasok na naman.

"Present ba si Levin?" Tanong ni Kate. Sadly, dahil nga honor student ako last year, I was moved to Section 1 at naiwan si Kate sa Section 2. Classmate ko si Levin, ang top 1 ng batch namin, kaya nakakapagtanong siya.

"Excused." Tanging sabi ko dahil puno ng burger ang bibig ko. Recess ngayon at nandito kami sa Canteen.

"Bakit excused?"

Nilunok ko muna ang burger bago sumagot, "Ewan, fatigue nakalagay sa excuse letter niya eh."

Tumango lang si Kate na bahid ang pag-aalala para sa iniibig.

Far Too MuchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon