Kabanata 4

37 5 0
                                    

Madaling lumipas ang unang dalawang buwan ng eskwela. Simula din noong tagpuan namin ni Keno sa puno ay lumalayo na din kami sa isa't-isa. Hindi na kami nakakapag-sabay tuwing umaga papasok at dinahilan ko nalang na lagi siyang nalalate at ayaw ko nun, at tuwing uwian naman ay dahil sa remedial class ko sa English na hanggang 5 PM.

Pero mukhang wala naman siyang pakealam. Hindi man lang siya nagtaka. Parang nawalan pa siya ng problema.

Unti-unti ko ng tinuturuan ang sarili kong mag-move on dahil hindi naman masusuklian ni Keno ang nararamdaman ko para sa kaniya. Para sa akin, siya ang lalaking gusto kong iharap sa Diyos pero para sa kaniya, ako iyong tinuturing niyang kapatid lang.

Tumakbo ako patungo sa building na kinaruruunan ni Keno. Oo, nagtampo at nasaktan ako sa sinabi niya kagabi sa puno pero hindi ko naman siya matitiis eh. Humupa kaagad ang pagtatampo ko sa kaniya kase na-miss ko siya kaagad. Hay! Kung in-love ka nga naman..

11:45 na! Limang minuto na akong late, sana nandoon pa siya at naghihintay.

Malapit na ako sa classroom nina Keno ng wala na akong makitang tao sa hallway. Bumagsak ang aking balikat ngunit napaayos ako ng tayo ng makitang may tao pa pala sa kanilang classroom. Ang ibig kong sabihin 'mga' tao.

"Salamat talaga dito, Keno." Rinig kong sabi ni Merilynn. Bakas ang ngiti sa kaniyang mapupulang labi. "Kung 'di dahil sayo baka papagalitan talaga ako ni Ma'am mamaya."

"Walang problema, Eril." Ngiti ni Keno sa kaniya. Bwesit, hindi siya pwedeng magpakita ng kagwapuhan sa babaeng iyon. At tsaka Eril?! Pinasosyal pa talaga ang Merilynn!

Napasinghap ako at tarantang napadikit sa pader upang magtago ng sandaling lumingon si Keno sa labas ng classroom.

"Tara na. Baka hinahanap ka na ng freshman girlfriend mo." Sabi ni Merilynn na parang nag-jojoke. Alin ang joke doon, aber?

"Freshman girlfriend?" Dinig ko ang tanong ni Keno. Nagtataka siya.

"Oo, si Vermin. Halata kaya kayo." OMG! So, maraming nagsasabi na magjowa kami ni Keno?

"No. She's not my girlfriend. That's creepy." Parang pinagbagsakan ako ng cemento ng sabihin ni Keno iyon. 

Ano?

"Hoy, 'wag ka ngang denial!" Lumakas ang tono ni Merilynn na halatang nagbibiro dahil tumatawa.

"I'm serious. Kapatid ang turing ko doon." Seryoso nga siya.

Tatlong beses akong kumurap dahil ramdam ko ang namumuong mga luha sa aking mata.

Kaya pala mabait siya sa akin. Kaya pala siya nakikisama. Dahil kapatid ang tingin niya sa akin. Aalis na sana ako pero..

"Ah, sweet niyo kase eh." Sabi ni Merilynn. "Kung ganon, sino ang gusto mo?" Dagdag pa niya. Kinabahan ako ng ilang sandaling tumahimik si Keno.

"Ikaw.."

"Fros, happy birthday!" Sigaw ni Kate ng pumasok ako sa classroom. Nakaramdam ako ng pagkailang ng tumahimik ang lahat at na sa akin na ang atensyon.

Isa-isa silang bumati sa akin na ginantihan ko naman ng pasalamat kahit nahihiya ako.

Pagkatapos non ay umupo kaagad ako at inirapan si Kate. Gagang 'to!

"Wow ha! You're welcome!" Inirapan niya ako pabalik. Sinimangutan niya ako. Pabebe talaga 'tong babaeng 'to.

"Oh, salamat." Sabi ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti't niyakap ako.

Far Too MuchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon