Kabanata 5

42 4 0
                                    

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Tapos na ang pagsasalo ng lahat at ngayon ay nagliligpit na ako ng mga pinagkainan. Napalingon ako ng magsalita si Keno mula sa likod ko. Nakapamulsa siya at seryosong nakatitig sa akin.

"Sige. Tungkol ano?" Tanong ko habang nagpupunas ng mesa.

"Uh- gusto ko sana doon tayo sa puno mag-usap.." Yumuko siya ng bahagya.

"Ah.. Tapusin ko muna 'to, kuya.." Hindi na siya nagsalita at hinintay nalang ako hanggang sa matapos ko ang pagligpit.

Nilapitan ko siya. "Tara!"

Tulog na si Mama kaya hindi na ako nakapagpaalam pa. At tsaka, hindi naman ata kami magtatagal sa puno. Wala akong kaide-ideya sa kung ano ang gusto niyang pag-usapan.. Ano kaya 'yon? Hindi naman kaya tungkol sa pag-iwas ko sa kaniya at pagtawag na kuya? O baka naman aamin na siya na may gusto siya kay Merilynn? 

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba, dahil mukhang nasa mga iyon yata talaga ang pag-uusapan namin. Tahimik lang kaming naglakad sa malawak na lupain hanggang sa makaupo na kami sa ilalim ng puno. Wala sa amin ang nagsalita. Ayoko din, ayokong pag-usapan ang kung anong kutob kung dahilan.

Hindi ako nakatingin sa kaniya pero katulad kanina, ramdam ko ang intensidad ng mga mata niya na nakatuon sa akin. Kumilos siya at may kung anong inaabot sa likod niya. Hanggang sa may nilahad siya sa aking harapan.

"Regalo ko sa'yo. Sana magustuhan mo." Napaharap ako sa kaniya. Gulat na gulat ang hitsura ko dahil kahit kailan sa kaarawan ko ay hindi naman siya nagbibigay ng kahit ano. Nakaawang ang bibig ko ng balingan ko ang kamay niya at sa maliit cellophane na nakapatong doon.

Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Parang maiiyak ako dahil sa saya na nararamdaman ng puso ko. Ramdam ko kung paanong lumambot ito at kung paano lumusog dahil kay Keno. Kumurap ako ng ilang beses para piliting 'wag maluha.

"Pasensya na kung 'yan lang ang mabibigay ko." Mahinang sambit niya. Akala niya hindi ko gusto. Binuksan ko ang maliit na plastic at mas lalong namangha't nahulog dahil sa kuwintas. Hugis puno ito, katulad ng puno na sinasandalan naming ngayon. Napakaganda.

"Salamat, Keno. Ito ang pinakamagandang regalo na natanggap ko." Nginitian ko siya. Lumiwanag ang mukha niya at unti-unting sumilay ang isang totoong ngiti. Nakakabighani. Sobrang gwapo.

Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Mama. Sobrang aga as in. Madalas ay kusa akong nagigising tuwing 6:00 ng umaga pero ngayon, 5:30 palang ay ginisining na niya ako. Agad ko din naming nalaman kung bakit ng sinabi niya ang dahilan at dali-dali akong lumabas ng kwarto.

"Keno!" Gulat na tawag ko sa kaniya. Nakatayo lang siya sa labas ng pinto namin na may mga upuan. Bihis na bihis na siya at mukhang kaliligo lang. Ang aga niya yata?

Lumingon siya sa akin at nginitian niya ako, "Magandang umaga, Frosty. Sabay na tayo sa school?" Yaya niya.

"Uh.." Matagal-tagal na din kaming hindi nagsasabay, siguro okay lang if magsabay kami ngayon, "Sige."

"I'll just wait here." Pag-Iingles niya. Tumango lang ako at nagmadaling pumasok pabalik sa kwarto para makapaghanda na ako. 5:45 AM pa lang ay tapos na akong maligo. Dumiretso ako sa hapagkainan at sabay kaming kumain ni Mama.

"Keno, pumasok ka muna at mananghalian." Sa sinabing iyon ni Mama ay walang tangging pumasok si Keno at naupo sa tabi ko. Bakit kailangan pa niyang dito tumabi ang haba-haba naman netong rectangular table namin.

Tahimik lang siya sa gilid ko at hindi naman ako naghirap pa na aliwin siya. Sila ni Mama nalang ang nag-usap at ako ay patuloy na kumakain.

Nang matapos na kamin kumain ay nagpaalam na kami kaagad ni Mama at umalis na. Mabilis lang din kaming nakasakay ng tricycle at doon, kahit malakas ang tunog ng sasakyan ay naiilang pa rin ako sa katahimikan sa pagitan naming ni Keno. Kaya kahit parang labag sa aking loob ay tinanong ko lang ang gusto kong itanong sana sa kaniya kanina pa.

Far Too MuchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon