Kabanata 8

54 7 2
                                    

As promised, sinamahan ko si Mama kinabukasan sa tabing dagat. Pagdating namin ay nandoon na kaagad sina Tiya Chodora, Mang Wesley at ang anak nilang lalaki na si Weston. Nakasunod ang dalawang lalaki at nagbubuhat na ng mga basket na puno ng sariwang isda. Si Tiya ay abala sa paghahanap ng isadang ibebenta.

"Ate!" Malakas na tawag ni Mama na kaagad namang nilingon ng tatlo. We walked to them. Nang maabutan naming sila, a fisherman lent them a plastic full of live crabs. Kinuha ko iyon para bitbitin.

"Oy! Icing, kamusta?" Magiliw na bati ng pinsan ko. He has called me 'Icing' since nagkaalam siya tungkol sa mga cake, magkalapit lang daw kasi ang mga salitang 'Frosty' at 'frosting'. Ulol talaga. Pinsan ko ba talaga to?

"Okay lang. Ikaw, Western Union?" Tumawa siya sa ganti ko. Hindi naman ako magpapatalo no.

Humagalpak pa siya ng tawa bago sumagot, "Wow, marunong ka na ah! Okay lang din."

Masayahing tao si West, kung magkapitbahay lang talaga kami ay baka siya nga ang naging best friend ko. Paano ba naman eh hindi naman nila pwedeng iwan ang bahay ni Mang Wesley na sa katunayan ay mas marangya pa kesa doon sa mga bahay na nasa lugar namin.

"Balita ko, may girlfriend na daw ang crush mo. Wawa ka naman!" And sometimes, he can be an asshole.

"Late ka na sa balita! Two years na sila." Tawa ko nalang para hindi masyadong halata na affected pa din ako.

"Ha?!" Hindi makapaniwalang si Weston. Nagulat ako sa tono ng boses niya, bakit ang taas?

"Ano ba ang pinaggagawa mo at parang wala ka ng update sa mga chismis sa lugar natin?"

"Eh.. Ano.. Malamang, may pinopormahan ako kaya busy." Tila naagapan niya ang pagkailang sa huling sinabi.

"Hoy, kayong magpinsan kayo! Tulungan niyo nga kami rito at wag puro chismis ang atupagin!" Sigaw ni Tiya.

"Mamaya nalang.. Andiyan na po, Ma!"

Nakakapagtaka dahil parang umiilag siya. Para saan naman? My thoughts were interrupted when I was asked to carry another plastic, may nilalaman iyong dahong dagat.

Tuwing Linggo ay half-day lang sina Mama sa palengke, kaya mamayang hapon pa kami pupunta roon, nakatambay kami ngayon sa bahay na tamang-tama naman dahil tutungo na si Kenzo rito ilang sandali nalang. Mas lumala ang pag-aalala ko ngayon kesa kahapon, hello, ilang oras nalang at ma-totoasted na si Kenzo kay Mama. Hindi pa nga alam noon kung ano talaga ang mapapala niya dito eh.

Natatakot naman akong kumompronta kay Mama na dahan-dahanin lang sana niya si Kenzo pero baka magalit ko pa eh mas malala pa ang gawin niya. Kabago-bago pa non sa friend list ko na tatlo lang ang laman baka matanggal agad.

Napatalon ako sa gulat ng may kumatok sa pinto. Nandito ako sa sala ngayon at hinihintay ang bisita na mukhang andiyan na. Tumayo ako para pagbuksan si Kenzo, "Kenzo, sorry, hindi ako pina-" bungad ko sana pero napatigil ako dahil hindi naman si Kenzo ang nasa harapan ko.

Si Keno.

I suddenly remembered what happened last night. His stoic expression reminded me that he was hiding something. He had went there to release his emotions thinking he was alone, kaya ngayon ganito siya dahil may nakakakita. Cold and so unreachable.

Pero bakit siya nandito? It was long ago since he last step foot in our house. He doesn't even attend my birthday celebrations anymore.

I cleared my throat. "May kailangan ka?" I felt relieved, I spoke without stuttering in front of him.

He just stared down at me.

Ilang minute siyang hindi nagsalita at madiing nakatitig lang sa akin. Kahit naiilang ako ay nagtataka din ako sa paraan ng pagtitig niyang yan.

Far Too MuchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon