Story Proper (*Chapter 1*)

79 4 2
                                    

Blaaaaaggg!

Lampa! Lampa! Lampa!

Matapos itulak ang patpating si Toper ay agad siyang tinukso nang mga lalaking nasa harap niya. Ang payat nitong katawan ay ngayo'y nakalupasay sa lupa. Ang sampung taong gulang na batang lalaki ay nakaranas na ng maraming pambubully ng mga ibang mga batang lalaki sa kanilang lugar. Hindi tulad ng ibang mga bata ay hindi masyadong palakaibigan si Toper dahil na rin siguro dito. Lagi siya kung bully-hin at pagtripan dahil sa maliit nitong katawan.

Sa kabilang dako naman ang pagiging mabait niya. Kahit kaya niyang lumaban ay mas pinipili na lang niyang umiwas at palampasin ang mga ginagawa sa kanya. Dahil sa mahilig siyang makipaglaro sa kaibigan niyang si Opay ay tinutukso siyang bakla. Patayo na sana si Toper nang biglang itulak siya pababa. Blaaaaaggg!

"Tama na!" sigaw ng kaibigan niyang si Opay. Ngunit ang tinig ng isang munting babae ay hindi pinansin ng mga lalaki bagkus ay nagsimula na ang mga ito na tuksuhin si Toper.

"Bakla! Bakla! Bakla!" ani ng isa sa mga batang kasalukuyang nasa harapan niya. Sa halip na maasar siya ay mas inalala pa niya ang kaibigan niyo. Ang mahinhing si Opay ay tumayo at sinubukan lumapit sa kawawang kaibigan. Ngunit bago pa siya makalapit ay agad na tinulak siya palayo.

"Araaaaaayyy!" sigaw ni Opay na bumagsak mula sa kanyang pagkakatayo. "Opaaaay!" sigaw naman ni Toper na galit na galit matapos makitang tumaob at masaktan ang kaisa-isa niyang kaibigan. Agad na tumayo siya mula sa pagkakaupo sa maduming lupa at saka nilapitan ang kaibigan.

Booogggsshh!

 

Isang malakas na suntok ang nagmula sa kanyang nag-iinit na kamao na nagpabagsak sa lalaking humarang sa kanyang harap. Ang lalaking ito ang kaninang tumulak pababa sa kaniya ng dalawang beses. Nagulat naman ang mga kasama ng lalaking kasalukuyang nakikipagface-to-face sa maruming lupa. Karagdagan pa rito ay ang lalaking napataob niya ang tinuturing na lider ng grupo. Dahil sa pagbagsak ng lalaking humarang sa kanyang harap ay nalapitan niya si Opay.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Toper sa kanyang kaibigan na nakaupo pa rin sa lupa.

"Medyo! Ikaw ba? Hindi ka ba nasaktan?" nag-aalalang tanong ng babae sa kaibigang lalaki. Dahan-dahang tumayo ang dalawang magkaibigan para pagpagan at alisin ang mga alikabok na humawan sa kanilang mga kasuotan.

"Syempre ako pa! Malakas ata ako! Hindi ata ako magpapatalo para sayo!" pagmamayabang ni Toper. Kasalukuyan nang nakatayo ang dalawa nang maaninag niya ang maliit na gasgas sa tuhod ng kaibigan.

Itanong natin kay ToperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon