Prologue

7 0 0
                                    

Sabi nila, "love is a sacrifice" may pagkakataong kailangan mong magsakripisyo alang alang sa pag-ibig. You tend to give everything for love

But.....

That's so fucked up

For me, love should never be sacrificed just for the sake of other party. That is so selfless. Ano pang matitira sayo kung sinakripisyo mo na pati ang kaligayahan mo?

"The best love story is when you fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time" ..... BUT sometimes "time" will give you the most painful love story that you could ever have.

"Do you really want this?"

"We don't have a choice" I bitterly smiled while trying to stop my tears to fall

"Happy 3rd anniversary, love" he answered after giving me the bouquet of red roses

"And....I-I'm sorry" he continued.

And just like that, he left.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Sige na Anaaaa, sumama ka na. Minsan lang naman 'to eh" pilit ni Ada sakin.

Kakatapos lang ng finals namin at balak niyang pumunta sa gig ng crush nya sa isang resto bar. Tinatamad naman akong lumabas kasi pagod pako kakareview. Gusto ko lang munang mag pahinga, matulog, magrelax pero ang kulit kulit ni Ada

"MILADA DREI ARGOS, alam mo namang pagod na pagod pa 'ko eh. Pwede bang bukas nalang?" pakiusap ko with pacute pa baka gumana.

"Eeeeehhh. Ngayon kasi schedule ng gig nila so I can't miss it. Please, Luana. Promise last na 'to" gusto kong sabihin sakaniya na di naman siya mapapansin nun pero sige na lang. Wala nakong choice eh

"Promise, last na to ah"

naghanap ako ng maisusuot sa cabinet at buti nalang may black hoodie pa akong nakahang. Ipapares ko nalang ito sa white leggings. Tinatamad akong mag-ayos wala naman akong pinapagandahan dun

"I already called the girls. They're on their way na sa bar---sure ka jan sa isosoot mo?" taka niyang tanong

Ada is wearing a cute pink skirt and a loose shirt on top. Para siyang korean look. Well, I'm not shocked kasi super fan siya ng korean trends na cutie look so I have to support her kahit minsan mukhang ewan na siya

"Come on, Luana, baka may mga hot guys dun, malay mo may matipuhan ka" dugtong pa nito

"Pinilit mo na nga akong sumama pati ba naman sa susuotin ko pipilitin mo pa 'ko. Come on, Milada, baka hindi na ko sasama niyan" ginaya ko pa yung tono ng pananalita niya

She just rolled her eyes bago niya ko talikuran. I just smirked. Pikon talaga ang babaeng to.

I decided not to bring my car kasi baka may kotse naman silang dala kaya makikisakay nalang kami. Tipid pa sa gas.

After 10 minutes nakarating na rin kami sa bar kung san maggi-gig 'yung crush niya. Ewan ko ba bat gustong gusto niya yung lalaking 'yun eh wala namang ibang ginawa yun kundi mambabae

"You like my cousin that much, huh?" bulong ni Aella habang nakangising papalapit samin.

"Hayaan mo na lala, para naman may inspirasyon siyang manlibre satin, diba Ada?" singit naman ni Aru

"Grr, what time ba sila magsisimulang kumanta?" mataray na tanong ni Ada habang nakatingin kay Aella

"20 minutes and ready to go na sila" tipid na sagot nito habang nilalagyan ng juice ang vape niyang dala

TAKE ME TO YOUR HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon