"Hoy prinsesa gumising ka na at baka malate ka pa sa first subject mo" gising ko kay Ada na sarap na sarap sa pagtulog. May hang over pa ata to eh
"5 minutes, Ana. Nahihilo pa ko" reklamo niya
"Eh kung di ka ba naman tanga. Lalasing lasing kang may pasok kinabukasan" sermon ko naman dito
"Tss. You're so loud. Maybe I should look for another condo for myself?" maarteng sabi nito nang mabangon sa kama
"As if kaya mo kong iwan" proud kong sabi
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at dumiretso sa cr para maligo. Ako naman nag handa na ng makakain kasi di naman marunong magluto si Ada kaya ako ang laging nagluluto para samin
"Tumawag na ba ang Mommy mo?" tanong ni Ada paglabas niya mula sa banyo
"Nope. Baka marami lang pasyente" palusot ko.
My mom is a doctor and ang daddy ko ay isang Engineer so wala silang masyadong time para kamustahin ako or bisitahin ako. They just give me money through my bank account.
"Hmmm. Malapit na birthday mo pero wala pang tawag mula sa kanila?" tanong ni Ada habang pumipili ng susuotin
"I'm sure may plans na sila. Alam mo naman ang mga 'yun they use celebrations for meeting new people and creat connections, right?" paliwanag ko habang kinukuha ang natoast na tinapay mula sa oven
"Bagay ba?" pag-iiba niya ng topic sabay turo sa jumpskirt and fit na top na hawak niya
"Bahala ka, Milada" tamad kong sagot.
Pagkatapos naming kumain, tumungo na kami sa parking lot dahil malapit na kaming malate. Terror pa naman ang prof ko sa first subject
"Tagal mo kasing mag-ayos eh" reklamo ko sakaniya habang nag reretouch at ako naman ay nagmamaneho
"Kahit bilisan natin, malelate parin tayo so chill" sagot ni Ada
"Maglakad ka nalang papunta sa Medcourse building dederetso nako sa building namin" utos ko sakaniya
"No way. Give me the keys. Ako na magpapark nito" maldita niyang saad. Nagdalawang-isip pako bago pumayag sa suhestyon niya. Di naman sa natatakot akong siya ang magmaneho ng kotse ko. Natatakot lang akong magkacutting lang ito at pumunta sa CET building para hanapin si Levi.
"I'll ho ahead. Please, don't cut class. Ako nanaman ang sesermonan ni tita eh" paalala ko dito bago tumakbo paalis.
I looked at my watch
9:27 am
Shit. 3 minutes nalang at malelate na ako. Sadly, 3rd floor pa ang room ko. I can't make it. Maldita pa naman ang prof namin.
I ran as fast as I could but its useless. Kakapasok lang ng teacher at nagreready na for discussions. I slowly opened the door and tried my best not to get caught. Mabuti nalang at nasa likuran ang upuan ko kaya hindi ako mapapansin nito
"Excuse me" panira talaga sa plano 'tong gagang to.
"Miss Martinez, good morning" the teacher called me dahil sa sigaw ni Aru. I stood up and smiled nervously
"Good morning, ma'am" I answered. She rolled her eyes and about to preach
"Maliit nalang nga ang units nyo kumpara sa iba tapos ilelate niyo pa. Why don't you drop it nalang para isang bagsakan na?" sermon niya.
Patuloy parin siyang nagsalita pero dumeretso nako sa inuupuan ko kasi magmumukha lang akong tanga pag tatayo pako sa pinto. Sinamaan ko ng tingin si Aru na tawang tawa sa nangyayare sakin
BINABASA MO ANG
TAKE ME TO YOUR HEART
RomanceSabi nila, "love is a sacrifice" may pagkakataong kailangan mong magsakripisyo alang alang sa pag-ibig. You tend to give everything for love But..... That's so fucked up For me, love should never be sacrificed just for the sake of other party. That...