After class, Aella messaged us sa group chat na manlilibre siya sa mang inasal. Syempre almost dinner na din so medyo gutom na kami kaya pumayag ang lahat. Nakiusap pa si Milada na siya ang magdrive ng kotse para malabas niya naman daw kahit papaano ang inis niya. Medyo pinagsisihan ko naman na pumayag dahil masyadong mabilis ang pagmamaneho nito. Si Aru inis na sinisermonan pa si Milada kasi takot siya kapag si Ada ang nagdadrive.
"Si Olivia?" tanong ko kay Aella nang makalapit kami sa inuupuan niya
"Cr. Umorder nako ha para di tayo matagalan sa pag-aantay" aniya
"Hi Milada" sarcastikong bati ni Aella sa kaibigan naming umuusok ang ilok na nakatitig sakaniya
"Why?" iritang sambit nito
"Well, I hate that bitch. Napakafeelingera. Chismosa pa. Pinaka-ayaw ko sa lahat gumagawa ng kwento na di totoo eh"
Aella is an impartial person. Kapag kasi alam niyang hindi maganda ang ginagawa ng tao kahit hindi siya apektado dito, naghahanap siya ng paraan para bumalik sa taong yun yung ginawa niya. She's like the human karma. Kapag siya naghiganti, manahimik ka nalang
"Pinagkalat niyang nabuntis yung classmate namin na nag drop ng subject. Everyone is trying to dig deeper about the issue and I hate it. Masyado silang pakealamera at dahil yun kay Monica. I asked Levi to do me a favor and it turns out na ayaw niya din yung babae kasi masyado daw painosente" kwento pa niya. Medyo gumaan na man ang pakiramdam ni Ada and bumalik na ito sa dati niyang nakangiting mukha
"Who's Ash?" singit ni Aru
"Oh. Paano niyo siya nakilala?" tanong ni Aella
"He went to our school. Sinuntok niya pa nga si Levi sa pisngi eh" kwento ni Aru sakaniya
"He's Monica's ex boyfriend. Buti di niya kayo kilala. Huwag niyo ng subukan. Delikado ang taong yun" babala ni Aella bago tumayo para maghugas ng kamay
Napatingin sakin si Aru at Ada kaya medyo nagtaka naman ako. Na-awkward naman ako sa tingin nila kaya kinuha ko nalang ang phone ko para tawagan si Olivia
I scan my contacts and saw an unknown number na nakasave lang dito. Walang name. Bigla ko namang naalala na kinuha ko pala ang number ni Ash nung gabing yun. Should I delete it?
In the end, I decided not to. Ewan ko din kung bakit pero yaan mo na. Design nalang din sa contacts ko para medyo madami naman akong kakilala.
"Ang tagal mo naman sa banyo? Nag jebs ka?" tanong ni Aella nang makarating si Olivia
"Kung oo, pakealam mo?" Pilosopong sagot nito. Inirapan lang siya ni Aella at umupo nalang pabalik sa upuan namin.
"Tao ka pa ba Luana?" tanong ni Aru sakin. Inutusan kasi nila akong kumuha ng sili tapos sampung sili ang dala ko. Ako at si Aru lang naman ang mahilig sa sili pero nabigla siya sa dami ng dala ko.
"Ulamin mo nalang kaya yang sili, sis?" tukso naman sakin ni Olivia. Kumuha ng dalawang sili si Aru at dinurog ito sa toyo na may chicken oil. Dinurog ko naman ang walong natira sa platito ko at gumawa rin ng sawsawan.
"Magkakaalmoranas ka niyan" paalala ni Aella
"Sili doesn't cause hemorrhoids" singit ni Ada. Tama, isa pala siyang Nursing student kaya di na ako magtatakang nadiscuss na to sakanila or general knowledge??
Ngumisi akong tumingin kay Aella na mataray ding umirap sakin. Tawa lang kami ng tawa habang kumakain dahil nahihirapang magkamay si Ada tapos nang mainis siya, ginamit niya nalang ang kutsara at tinidor niya. Palibhasa prinsesa sa bahay kaya di nasubukang ang mga ganitong pamamaraan ng pagkain eh.
BINABASA MO ANG
TAKE ME TO YOUR HEART
RomanceSabi nila, "love is a sacrifice" may pagkakataong kailangan mong magsakripisyo alang alang sa pag-ibig. You tend to give everything for love But..... That's so fucked up For me, love should never be sacrificed just for the sake of other party. That...