"hey! Quit staring" untag nya rito
"can't help it baby" he said using his husky voice while staring deeply into her eyes
Unti unting lumalapit ang mukha nito sa kanya na parang hahalikan sya at bago pa man mangyari iyon ay itinulak nya ang mukha nito palayo sa mukha nya
"teka nga! Teka nga!" Pigil nya dito habang tinutulak ang mukha nito. Tumayo sya at bahagyang lumayo dito at namewang sa harap ni Zaiden
"Ano bang problema mo?" Tanong nya dito
"what?" Kunot noong tanong nito sa kanya habang nakatingala sa kanya
"Anong what? Gusto mo masapak?" Pagtataray nya dito
"damn so cute" bulong nito na rinig na rinig naman nya
"alam mo Mr--"
"Zaiden" putol nito sa sasabihin nya
"whatever" sabay roll eyes pa nya "as i was saying, bakit ka ba nangyayakap ha? Hindi nga kita kilala tas bigla bigla ka nalang susulpot sa may condo ko at mangyayakap? Aba Mister, stalker ka ba?" Mahabang litanya nya dito at ang gago nakatingin lang sa kanya habang nakangiti
"ano ba?!" Inis nyang sigaw dito
"what?"
"Hoy! Zaiden Smith what lang ba ang alam mong sabihin ha?!" Sigaw nya
"nah" sagot nito
"what the eff?" Inis nyang bulong pakiramdam nya ay makakalbo sya sa hirap kausap ng lalaking ito.
"out" mahinahong sabi nya at itinuro pa ang pinto ng condo nya. Tumungin lang ito sa kanya
Hindi ba ito marunong magsalita? Sa isip isip ni Aella
"out" ulit nya na medyo may kalakasan at ang lalaki ay nakatitig lang sa kanya
"ano ba!!" Biglang sigaw nya kaya napaigtad ito
"damn scary" bulong nito at itinaas ang dalawang kamay "relax baby--okay okay i'm going to leave now" sabi nito at naglakad na papunta sa may pinto habang nakataas ang dalawang kamay
"baby?" tawag pa nito sa kanya at nakalabas na ito nakasilip pa ang ulo sa pinto nya
"ano nanaman?" Inis na tanong nya
"g'night" sabi nito at ngumiti pa bago isara ang pinto ng condo nya. Lumapit sya dito at inilock ang pinto.
"tangina, nakakaubos ng energy kausap ang lalaki na iyon, ni hindi ko nga sya kilala, tss" bulong nya sa sarili habang naglalakad papunta sa kwarto nya.
Nagpalit lang sya ng damit oversize shirt at cotton shorts lang dahil pagod na pagod na sya
"bukas na lang ako maglilinis ng katawan, pagod na pagod na talaga ako" bulong nya at ipinikit ang mga mata para matulog ngunit agad syang nagmulat ng mata ng pumasok sa isip nya ang nakangiting mukha ni Zaiden.
Ipinilig nya ang ulo at muling pimikit at tuluyan na syang nakatulog.
****
Nagising sya dahil sa pag iingay nga doorbell nya at inis inis syang bumangon dahil antok na antok pa sya ipinuyod nya ang buhok na hindi pa nasusuklay kaya nanging messy bun ito.
Galit na galit nyang binuksan ang pinto at handa na syang singhalan ang damuhong gumambala sa tulog nya ng makilala ang taong nakatayo sa tapat ng pinto nya
"Good moaning besprend" masiglang bati nito sa kanya at nakangiti pa ng malapad bago tuluyang pumasok sa loob ng condo nya at nagdire diretso ito sa kusina
"anong problema mo at nambubulabog ka ng ganito kaaga ha?"tanong nya sa kaibigan habang sumusunod sya papunta sa kusina
Diretso sya sa sink dahil hindi pa sya nakakapag ayos nakakahiya naman sa bisita nya, insert sarcasm
Nagmumumog sya nang magsalita ito
"I already bought your ice cream and yung cake is sa coffee shop na lang" sabi ni Demi
Tinapos nya ang panmumumuog at naghilamos bago humarap kay Demi kumuha sya ng towel at pinunasan ang mukha nya
"and?"
"that's it? And? Wala man lang good morning besprend, thank you" sabi ni Demi
"matapos mong istorbohin ang tulog---"
"hello! It's your damn ice cream" sabi nito sa kanya at inilapag ang isang galon ma ice cream sa table
Kinuha nya iyon at inilagay sa ref kumuha sya doon ng 6 na hotdog at nagluto sya, si Demi naman ay pumunta sa may living room at binuksan ang tv.
Pagkaluto nya ng hotdog ay pinapak nya na lang iyon at kumuha ng tinapay at pinalamanan nya iyon ng cheezwiz at kumain na.
Lumakad sya sa living room habang bitbit ang hotdog na nakalagay sa pinggan at ang tinapay na pinalamanan nya at may hawak na tinimplang milo sa kabila ng kamay nya.
Umupo sya sa tabi ni Demi na tahimik na nanonood ng tv, inilapag nya ang pinggan at baso sa center table at agad na kumuha si Demi ng Hotdog.
"alam mo Besprend--"
"hindi" putol nya sa sasabihin ni Demi, gustong gusto nya kasi na inaasar ito
"psh..napakawierd mo talaga" biglang sabi ni Demi napatingin naman sya dito at sa tv lang nakatingin si Demi
"ano?" Tanong nya dito
"sa loob ng eleven years nating magkaibigan nagtataka pa din ako sayo" sabi nito at nakatingin lang sya dito hinihintay ang sunod pa na sasabihin ng kaibigan "for a 24 year old woman para kang bata" kinunutan nya ito ng noo
"bata naman ako ah" sabi nya
"I mean yang mga favorite foods mo" at tinaas baba pa ang kilay "pero kahit ganyan ka , wag ka mag alala tanggap naman kita" pagpapatuloy pa nito sa sinasabi at tumakbo palayo
"what the---" at akmang hahabulin nya si Demi ng marinig ang balita kaya napatingin sya dito
At nanlaki ang mata ng makita ang nasa balita"Sir? Bakit po biglaan ang pag uwi nyo sa Pilipinas?"
"Dito na po ba kayo maninirahan?"
"Dito na po ba kayo magpapatuloy sa pagtatrabaho bilang isa sa mga napakagaling doctor?"
Nakatitig lang sya sa mukha nitong seryoso na nakatingin sa camera parang tumatagos ang tingin nito sa tv at nakatitig sa kanya bago ito magsalita
"umuwi ako because I want to see my baby and yes.." he trailed off "as a doctor" seryosong sagot nito sa mga katanungan ng mga repoter bago naglakad papasok sa hospital
Nanlaki ang kanyang mga mata
He's a doctor? A freakin' hot doctor? Hindi makapaniwalang Tanong nya sa utak habang nakatitig sa telebisyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/233404454-288-k934135.jpg)