Kabanata 20

2K 41 0
                                    

Nagising si Aella dahil sa pag-iingay ng dorbell nya. Agad syang nagtungo sa cr at naghilamos muna at nagmumog saglit. Bumaba na sya at binuksan ang pinto.

"hey" bati ng lalaki sa labas.

"Alexis, come in" mahinang sabi nya.

"long time no see" sabi ni Alexis bago umupo sa sofa nya.

"yeah, so how are you? Where have you been?" Tanong nya habang inaayos ang buhok nya. Bago naglakad patungo sa kusina. At dahil malapit lang ang living room sa kusina ay rinig nya ang sagot ni Alexis.

"i'm good, I've been in London" sagot nito "bussiness" dugtong pa nito.

"oh, okay" sagot nya "ahm, whag do you prefer? Coffee or juice?" Tanong nya

"do you have apple juice?" Tanong nito sa kanya bago naglakad papasok sa kusina at naupo sa isang bangko doon at nangalumbaba sa lamesa habang pinapanood sya sa pagtitimpla ng juice.

"here's your juice" saad nya at inilapag ang juice sa harap ni Alexis, agad naman itong ininom ng binata.

At dahil busy sya sa pag aasikaso sa bisita nya ay hindi nya namalayan na tumatawag ang kanyang nobyo.

"pansin mo ba?" Biglang taong ni Alexis

"ha? Alin?" Takang tanong nya dito habang gumagawang kape

Bigla namang tumingin si Alexis sa may bintana at ngumiti, napatingin si Aella doon ngunit wala naman syang ibang makita kundi ang itim na kurtina. Bigla syang kinabahan.

"oy! Alexis ha! Pinapakaba mo 'ko"

"may itatanong ako" seryosong sabi ni Alexis sa kanya

"a-ano?" Nauutal na tanong at pasulyap-sulyap sa bintana na natatakpan ng kurtina.

"kinakabahan ka?" Tanong Alexis at tumingin sa kanya

"a-ano ba! Alexis naman e" kinakabahang sabi nya "ano ba yung i-itatanong mo?" Dugtong pa nya

"bakit.." Alexis trailed off at tumitig sa kanya, nantili syang tahimik at hintay ang susunod na sasabihin ni Alexis.

"bakit ang gwapo ko?" Tanong nito at humagalpak ng tawa. Napanganga sya sa tanong nito at ng magsink-in sa kanya ang nangyari ay inis nyang hinampas kay Alexis ang unang bagay na nahawakan nya.

"a-aray! Aella! Ouch!" Reklamo ng binata habang hinahampas nya ng spatula, ang unang bagay na nahawakan nya

"walanghiya ka!" Singhal nya habang patuloy na hinahampas si Alexis, patuloy naman sa pag iwas ang binata habang tumatawa

"pinakaba mo ako, bwiset ka! Akala ko--" napatigil sya sa pagsasalita at paghampas ng biglang may tumukhim sa may pinto ng kusina.

Sabay silang napatingin ni Alexis doon. At nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang nakatayo doon si Zaiden na seryosong nakatingin sa kanya--sa kanila.

Umayos sya ng tayo at akmang lalapit kay Zaiden ng biglang may pumigil sa kanya at hinapit sya sa bewang. Napatingin sya kay Alexis habang nanlalaki ang mga mata.

"pangga" malakas na sabi ni Alexis na halatang pinaparinig kay Zaiden. Nagulat na lang sya ng biglang may humila sa kanya palayo kay Alexis at hinila palabas ng kusina

"Kuya! Saan mo dadalhin si pangga?!" Narinig pa nyang sigaw ni Alexis

Wait, what? Kuya?

Napatingin sya kay Zaiden na tuloy-tuloy lang sa paghatak sa kanya hanggang sa makarating sila sa kwarto nya, isinara nito ang pinto at inilock.

Pinaupo sya ni Zaiden sa  kama habang ito naman ay nanatiling nakatayo sa harapan nya at seryosong nakatingin sa kanya.

Silence. Mahabang katahimikan ang dumaan, at mukhang walang balak balak magsalita si Zaiden. Tatayo na sana sya ng may kumatok sa pinto, sabay silang napatingin sa pinto.

"pangga" tawag ni Alexis mula sa labas

"what the--go to hell! Alexis Smith!" Sigaw ni Zaiden, tumawa naman ang nasa labas. Bago nuling nagsalita,

"hey pangga, sa living room lang ako" natatawang sabi nito at narinig nya ang mga yabag na papalayo. Bahagya din syang natawa, at napaigtad ng sumigaw si Zaiden

"Don't call her pangga!" Sigaw ni Zaiden at rinig na rinig nya ang tawa ni Alexis mula sa labas ng kwarto.

Bumaling sa kanya si Zaiden at tinitigan sya.

"ano? Tititigan mo na lang ako?" Inis nyang singhal

"why is he here?" Imbis ay tanong nito

"because we're friends?" Patanong nyang sagot

"and why is he calling you pangga?" Tanong pa muli ni Zaiden

"I do--teka nga! Nagseselos ka ba?" Nakangising tanong nya kay Zaiden

"no" agad na sagot nito at nag iwas ng tingin

Napangiti sya ng malapad ng may maisip na kapilyuhan, tumayo sya tapos malakas na sumigaw

"pangga!!"

"fine! I'm jealous!" Inis pang sabi ni Zaiden, bahagya pa syang natawa at napasimangot din ng may maalala

"hey, what's with that face?" Tanong ni Zaiden at lumapit sa kanya bago hinawakan sya sa magkabilang balikat.

"mag kapatid kayo?" Tanong nya

"yes" sagot ni Zaiden

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Naka pout nyang tanong kay Zaiden, natawa si Zaiden bago sya binigyan ng magaang halik sa labi at pinanggigilan ang pisnge nya

"cute"

"pangga! Tawag mo'ko?" Sabay silang napatingin muli sa pinto ng may kumatok at magsalita doon. Napatawa sya ng makita ang reaksiyon ni Zaiden

"go away, Alexis Dale Smith" inis na sabi ni Zaiden

"but--tawag ako ni pangga, kuya"

Natawa sya ng bitawan sya ni Zaiden at malalaking hakbang na pumunta sa pinto at binuksan iyon. Sumilip doon ang mukha ni Alexis at nakangiting kumaway sa kanya

"hi pangga" masiglang bati pa nito. Mas lalo syang natawa ng itulak ni Zaiden ang mukha nito at malakas na isinarado ang pinto. Humarap sa kanya si Zaiden at naglakad palapit, akmang yayakap na sa kanya ang binata ng magsalita muli si Alexis

"pangga! Pahingi ako ng cake ha?"

Inis na sinabunutan ni Zaiden ang sarili

"argh! That asshole!" Bulong pa nito na nagpatawa sa kanya ng tuluyan.

Dikos Mou (COMPLETED✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon