"how could you! Ama kita! Ama ka namin! Pano mo nagawa iyon?! Anak mo si Aella, paano mo sya nagawang pagnasaan?!" Sigaw ng kapatid nya at kinuwelyuhan ang ama.
"diba hindi mo sya kayang patayin? Kaya tinurukan mo sya ng droga? Para makalimot sya? Tiba-tiba ka kasi nakalimutan nya ang dahilan ng pagkamatay ni mom at..nakalimutan pa nya si Zaiden" saad ng kapatid nya.
Tinulak ng ama nya si Zrain at humugot ng baril sa tagiliran tapos tinutok sa kapatid.
"Dad!" Sigaw nya. "Kuya!, Dad, no..no..please" umiiyak na saad nya, and Zaiden's keep murmuring sweet words to her ears.
"tama ka, tama ka, Zrain. Mahal ko nga ang kapatid mo. Mahal ko si Aella, hindi bilang anak. Bilang isang babae" saad ng ama nya habang nakatutok pa din ang baril sa kuya nya.
"at nalaman yon ng ina nya, pati na rin ang pag aangkat ko ng droga, masyado syang pakialamera kay kailangan syang patahimikin. Hindi ko naman talaga minahal ang ina nyo, ginamit ko lang sya!" Sigaw ng ama nya at humalakhak ng sobrang lakas. "papakasalan ko na sana si Aella e, kaya lang..kaya lang ang bobo ni Zidane!"
A-ano? D-roga? K-kasal?
"Zaiden.." banggit nya sa pangalan ni Zaiden.
"shit.shit.shit!" Sunod-sunod na mura ni Zaiden.
"ang bobo nya kasi doon nya dinala sa ospital ng mga Smith si Aella!" Sigaw ng ama nya.
"I did it on purpose, uncle." Napalingon sila sa pinto at doon nakatayo Zidane at Alexis na mag hawak ng baril at parehas nakatutok sa ama nya.
"oh god!" Bulong nya.
"hi pangga!" Sigaw pa ni Alexis.
"Shut up!" Sigaw ng ama ni Aella at itinutok ang baril kay Alexis.
"easy there, oldman." Tatawa-tawa pang saad ni Alexis.
"You ruined my plan!" Sigaw ng ama ni Aella at intinutok naman ang baril kay Zidane.
"they both suffered enough!" Balik sigaw ni Zidane at humigpit ang pagkakahawak sa baril.
"Akin si Aella!" Sigaw ng ama ni Aella.
"she's not yours, asshole! She's mine, and mine alone!" Biglang sigaw ni Zaiden. Bumaling sa kanila ang ama ni Aella at kay Zaiden itinutok ang baril. Tila nanlamig ang katawan nya.
"no..no..dad, please! H-hindi kailangang umabot sa ganito, please, dad." Umiiyak Pakiusap nya sa ama. Nakita nyang humigpit ang hawak nito sa baril.
"Sumama ka sa'kin Aella." Sabi ng ama nya at inilahad ang isang kamay. Umiling sya habang tumutulo ang luha sa mga mata.
"n-no..m-momma dito ka l-lang." Hikbi ng anak nya.
"I won't." Sagot ni Aella sa ama. Nagtagis ang bagang nito at galit na tumingin kay Zaiden.
"ibigay mo sa'kin si Aella!" Sigaw ng ama nya.
"No!" Nagulat sila sa pagsigaw ni Zai, nag-angat ito ng mukha at diretsong tumingin kay Zandro, ang ama ni Aella. "n-no! sa'min l-lang ang momma k-ko!" Sigaw ng anak nya habang himikhibi ng malakas.
Niyakap silang muli ni Zaiden at hinalikan sa ulo ang anak. "shh..baby, hindi nya kukunin si momma..stop crying now." Bulong ni Zaiden.
Hinawakan ni Zaiden ang likod ng ulo ni Zai at marahang tinulak pabalik sa leeg ni Aella, humigpit ang yakap ni Aella sa anak. "hush, baby. Momma won't leave you again." Bulong nya sa anak at hinalikan ito sa ulo. Marahan namang hinaplos ni Zaiden ang likod ni Aella habang ang isang kamay ay nakayakap sa kanila ni Zai. "Diyan ka lang sa leeg ni momma okay? Don't look, baby" bulong nya sa anak at naramdaman nyang tumango ang bata habang humuhikbi.
"stop it already, dad!" Sigaw ng kapatid ni Aella na naging dahilan ng pagbaling ng ayensiyon ni Zandro dito kasabay ng pagtutok ng baril. "hindi ka ba napapagod? Talo ka na! Sumuko ka na! Hayaan mo na si Aella kay Zaiden!"
"No! Sa'kin si Aella..sa'kin sya!" Sigaw ni Zandro at tumawa ng parang baliw.
"Baliw ka na, uncle." Saad ni Zidane. Tumigil sa pagtawa si Zandro at bumaling kay Zidane na nanatili sa may pintuan katabi si Alexis, parehong may hawak na baril at nakatutok kay Zandro.
"I am, Zidane. I am!.." Sigaw muli ng ama nya at tumawa nanaman ng parang baliw.
"Zaiden, natatakot na'ko.." Humihikbing saad ni Aella kay Zaiden.
"hush, baby. Nandito ako, hindi kita papabayaan, hindi ko kayo papabayaan. Wag kang matakot, okay?.." Malambing na bulong ni Zaiden. Tumango naman si Aella. "iloveyou, baby. Iloveyou both.."
"loveyou, too. Dad." Mahinang bulong ni Zai.
"let's end this, oldman." Mariing saad ni Zaiden.
Tumigil saglit sa pagtawa si Zandro at humarap sa kanila at ngumisi. "what can you do? Hmm? Smith? You'll kill me?"
"No." Saad ni Zaiden at ngumisi. Maya-maya ay nagsimula nang bumilang si Alexis at Zidane.
"5..4..3..2.."
"1.." pagtatapos ni Zaiden sa bilang at saktong pumasok ang Ama ni Zaiden na may kasama na dalawang NBI agent at dalawang pulis.
"The game is over..Zandro" nakangising saad ni Hades, ama ni Zaiden.
"Zandro Black, inaaresto ka namin sa salang pagbebenta ng mga babae at pag aangkat ng bawal na gamot." Saad ng isang pulis, at ang isang agent ay mabilis na nilapitan si Zandro at mabilis ang kilos na inagaw ang baril at pinosasan.
Pumalag ang ama nya."N-no! Wala kayong ibedensiya!"
"we have a lot of that, Mr. Black. Matagal ka na rin naming minamanmanan at sapat na ang mga ebidensiya na nakuha namin para mabulok ka sa kulungan." Mariing saad ni Zaiden.
Sinimulan ng akayin palabas ng mga pulis si Zandro ngunig nagmatigas ito. "y-you can't do this to me!" Sigaw nito at tumingin kay Zrain gamit ang nagmamakaawang mata "help me, son. Help me."
Umiling si Zrain. "no, dad. Pagbayaran mo ang kasalanan mo."
"Nooo! Aella! Babalikan kita. Kukunin kita! Akin ka lang!" Narinig pang sigaw ni Zandro bago ito tuluyang madala sa labas at maisakay sa sasakyan.
"Mauuna na kami sa presinto." Saad ni Zidane at hinatak si Alexis.
"bye, pangga!" Pahabol pa ni Alexis.
"Thanks, dad." Saad ni Zaiden sa ama. Tumango lang si Hades at ngumiti sa kanila bago naglakad palabas.
"It's now over, baby. It's over." Bulong ni Zaiden at hinalik-halikan ang ulo nya. Tumango-tango lang sya.
"thank you, Zaiden. Iloveyou." Saad nya. Zaiden just kissed her head again.
"Zai, honey." Tawag nya sa anak. Umangat naman ang ulo ng bata at tumingin sa kanya. Pinunasan nya ang mga luha sa mga mata nito at hinalikan sa noo. "kay dad ka muna."
"n-no..b-baka kunin ka nga b-bad guys." Saad ni Zai at nag umpisa nanamang umiyak.
Agad nyang pinunasan ang luha nito at hinalikan sa tungki ng ilong. "shh..no, baby, pupuntahan ko lang ang tito Zrain mo, okay?" Saad ni Aella kay Zai. Tumango naman ang bata at ibinigay nya kay Zaiden.
Naglakad si Aella palapit kay Zrain na ngayon ay nakaupo na sa sofa habang nakasandal at nakapikit. Tumayo sya sa harapan ng kapatid.
"k-kuya.."
