Chapter 8

56 4 0
                                    

Chapter 8

Habang nag lalakad ako sa Corridor, may isang bagay akong naisip kung, magtatapat ba ako ng nararamdaman kay Reena? Naalala ko na bakit hindi ako sa Tropa mag tanong kung anong dapat gawin. Nag punta ako sa Rooftop kung san madalas na tambay ang tropa at nakita ko sila Kane at Bryan don kaya, agad akong nag tanong kung anong pwedeng dapat gawin. "Mga pare may sasabihin ako sainyo." "Ano naman yun pare?" Said Kane. "Amp. Kasi pare I think i'm inlove." "Haaaaa? Si Jake Bale na inlove?" Gulat na gulat na tanong ng dalawa. Maya maya lamang dumating na si Jacob at Ken."O? Anong pinag uusapan nyo jan ha?" Said Ken. "Pare pano kasi si Jake nag bibiro samin." Said Bryan.

"Hindi ako nag bibiro pare." Sigaw ko sa kanila. "So? Inlove kanga?" Tanong ni Bryan. "Anoo? Inlove ka Jake?" Gulat na gulat din na tanong ni Jacob at Ken. "Oo mga pare kay Reena. Ano bang gagawin ko? sasabihin koba kay Reena na Inlove ako sa kanya?" "Alam mo kasi pre You Only Live Once kaya dapat sabihin muna sa kanya ang nararamdaman mo para sa kanya kasi alam mo? Hindi natin alam kung kaylan matatapos ang buhay natin kaysa naman na manghinayang ka na namatay ka na hindi mo man lang nasasabi sa taong mahal mo ang nararamdaman mo para sa kanya. Kasi, Jake para kang isang taong may gustong gustong bilhin na gamit na napaka mahal at ang pera mo sakto lang sa bagay nayon pero nanghihinayang ka sa laki ng pera na gagastusin mo kaya ayaw mo bilhin ito at sa huli mag sisi ka kasi nabili na siya ng iba. Pre kung ako sayo sabihin muna sa kanya ang nararamdaman mo bago kapa maunahan ng iba." Said Kane.

Lahat kami napanga-nga sa sinabi ni Kane dahil ang lokong to may alam pa pala tungkol sa mga bagay na ganto. "Pare ikaw ba talaga yan?" Tanong ni Ken kay Kane pagkatapos sabihin ni Kane sakin ang bagay nayon. "Oo naman pare syempre kaylangan nating maging seryoso ngayon at ngayon lang na inlove si Jake ma'men natin." Said Kane. Lumapit si Jacob at Ken kay Kane at inalog alog si Kane. "Pare ikaw ba talaga yan baka sinapian kanang malignong baduy sumagot ka Kane sumagot ka?" Sabi ni Jacob at Ken na patuloy parin sa pag alog kay Kane. "Mga pre tama na." Sigaw ni Kane. "Jake sabihin muna kay Reena ang lahat ng matapos na." Seryosong pagkakasabi sakin ni Kane. "Oo nga pre sabihin muna tutulungan ka naming manligaw kay Reena." Sabi ni Jacob sakin. Kaya pag pasok namin sa Classroom linapitan kona si Reena.

"Reena? may sasabihin ako sayo." Kinakabahang pagkakasabi ko kay Reena. Grabe sobrang lakas ng tibok ng puso ko. "Ano yun Jake?" Tanong ni Reena habang binibigyan ako ng ngiting napaka sweet. "Amp kasi Reena may-- bago pa matapos ang pag sasalita ko ay nag Time na at pinapaupo na kami ng aming Teacher sa aming mga upuan kaya hindi ko pa nasabi kay Reena ang dapat kong sabihin sa kanya. Kaya inintay ko nalang mag Break time at tska ko sasabihin sa kanya ang lahat. Maya maya lamang narinig kong tinawag ako ng aming Teacher. "Mr. Jake baka gusto mo namang ishare samin ang iniisip mo ngayon sa klase?" Shit! pano ngayon to. "Mr. Jake pumunta ka sa unahan at ishare samin ang iniisip mo bilissss!" Kaya agad akong pumunta sa unahan at sinabi ang lahat. "Reena yung bagay na gusto kong sabihin sayo kanina ay Gusto kita Reena, gustong gusto kita. Hindi ko na kasi kayang itago pa ito. Kada nakikita kita ang bilis ng tibok ng puso ko parang sasabog na. Napaka saya ko lage magkasama lang tayo. Yan yung bagay na dapat sasabihin ko sayo kanina."

Pagkatapos kong sabihin yon nag sigawan ang mga kaklase ko sa narinig nila. Nakita ko na hiyang hiya si Reena sa sinabi ko. "Miss. Reena? Wala kabang sasabihin?" Tanong ni Ma'am sa kanya. Naks! prang tinutulungan pa ako ni Ma'am haha. Maya maya biglang sumagot si Reena. "Ammp. Alam mo Jake sobra kang nakakainis kasi ginulat mo ako sa sinabi at sobra akong nahihiya alam mo bayon?! Nakakainis ka talaga sobra!" Sigaw sakin ni Reena. "Awwwwwwwwwwwww!" Sigaw ng mga kaklase ko. Tas agad ulit nag salita si Reena. "Pero Jake amp. Gusto din kita simula palang nung nagkabungguan tayo gusto na kita kaya simula non lagi na kitang inaasar ng inaasar para lage mo akong mapansin. Pati ang Cute mo kasi pag naiinis at nababadtrip sa mga pang asar ko. Ayaw ko sanang sabihin sayo to kasi natatakot ako na baka di mo naman ako gusto pero buti nalang at gusto morin pala ako." Hiyang hiya na sinabi ni Reena. "Yiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeh!" Sigaw ng buong klase.

Lumapit ako kay Reena at yinakap siya at yinakap niya din ako pabalik. Ang sarap sa pakiramdam na yung taong gusto mo gusto kadin. Wala na yatang sasarap pa sa Feeling kong to. Hahalikan kona sana si Reena ng biglang sumigaw si Ma'am. "Okay! Tama na napagbigyan na aabuso pa! Okay lahat kayo kumuha ng Longpad may Long Quiz tayo." Sigaw saming lahat ni Ma'am. Haha. Talaga tong si Ma'am panira ng moment.

---------------------

Salamat sa patuloy na pagbasa. :) Simula nayan ng kilig moments nila Jake at Reena. Comment kayo kung may mga Suggestion kayo sa kung anong gusto nyong mangyari sa dalawa pag tapos nito? Hahaha. Kung wala naman kayong Suggestion keep on voting sa The End Of Time. Thanks. ;)

The End Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon