Chapter 1

6 2 0
                                    

Van

Milagrosa POV

FLASHBACK..

"wala kang assignment! Bakit?! Di ka ba nagsimba?!"

Sigaw sa akin ng teacher ko. Wala akong assignment sa character education. Kaya heto sinisigawan ako sa harap ng mga classmate ko, lahat tahimik dahil ang sungit ng teacher na 'to.

"nag simba po. Kaya lang naiwan ko po sa bahay."

"magrarason ka pa! Sige! Pumunta ka sa likod, wag kang uupo hanggang recess."

Naglakad ako at pumunta sa likod. Ni hindi ako magawang lingunin ng mga classmate ko. Nakikinig lang ako at nag susulat katulad ng mga classmate ko. Madamot kasi sila sa notebook kapag humihiram ako. Kaya kahit hirap na hirap dahil nakatayo ako, nagsusulat pa rin ako. Baka mapansin ni teacher.

"wag kang sumandal!"

Napatayo ako nang tuwid ng sumigaw si teacher. Pati ba naman pagsandal bawal. Gustong gusto ko na umupo.
Lord! Bumulong ka kay teacher. Please!

"buti nalang hindi ka pinalabas, Mila."

Sabi ni Daves, kaibigan ko. Umirap lang ako at uminom ng chuckie. Sa wakas recess na. Sa sobrang sakit ng paa ko pinatong ko ito sa isang upuan.

"ang sungit niya badtrip. Kaya ayaw ko dito mag grade 6 eh. Sabi sa akin ni Jerio terror daw si teacher Chloe."

Kumuha ako ng sandwich sa lunchbox ko. Ginawa ito ni ate Kate. Kailangan ko itong ubusin kasi sasakalin niya raw ako kapag di ko inubos.

"loko ka.. Graduating na tayo ng elementary.. Tapos balak mo pa mag transfer."

"buti nalang isang subject lang ang hawak sa atin ni teacher Chloe.. Bakit kaya nagtuturo siya ng character education sa atin eh ang pangit naman ang ugali niya."

Hinampas ni Daves ang paa ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"bunganga mo rin eh.. Mamaya marinig ka nila tapos isumbong ka nila."

Bakit totoo naman ah..hinayaan ko lang siya at kumain nalang ako.

Pagkatapos ng recess ay nag start na ulit ang klase namin. Nasa harapan ang pwesto ko. Dahil maliit raw ako at malabo ang mata, pero nakasalamin na ako.

Nag iwan lang ng seat work ang teacher namin sa math, pinabantayan niya rin kami sa isang teacher, kaya tahimik kami.

Agad ko itong natapos. Advance kasi ang lessons ko dahil may tutor ako. And I love math, nag e-enjoy sa pagsagot. Pumunta ako sa nagbabantay sa amin at binigay ang paper ko.

"oh..ang bilis mo naman..double check mo."

"I double check it po..sure na po ako."

Sabi ko at ngumiti. Pinaupo niya ako sa isang upuan malapit sa kaniya. Pinapanood ko siyang nagche-check ng paper ko.

"ikaw iyong bata na matalino..yung na jump."

I just nod. Tama.. Nag jump ako. Kung ang iba ay nag kinder 2, ako hindi na. Hindi rin ako ng nursery, nag day care lang ako at the age of 2 turning 3. And ang mismong principal mismo ang nagsabi na kaya ko na raw.

"hmm very good,"

Then binigay niya sa akin ang paper ko. Nakita ko ang score. I smiled dahil na perfect ko ito. Sinabi niya na ilagay ko ito sa folders ng seatwork at wag ipapakita ang paper ko sa mga nagsasagot pa.

_____

"hmmm kaya pala...ikaw ang bunso namin dito."

Sabi ng mga classmate ko. Dahil tinanong nila kung naranasan ko na daw ba ang mapagalitan ng teacher. Kaya kinuwento ko, nasali ko rin ang part na maaga ako nag-aral.

Minsan kasi ayaw ko ng sabihin. Iniisip kasi ng iba na pinagyayabang ka ito.

" tama kayo guys...tayo malapit na mag 13 siya. Habang siya 11 pa lang that time."

Sabi ni Daves, na hanggang ngayon ay kasama ko pa rin. First year na kami at same ng section.

Hindi na ata kami maghihiwalay dahil magkumpare ang papa niyang sundalo at ang Tito ko na electrical engineer.

Pero na papansin ko rin na lumalambot siya, pero hindi pa rin marunong sumayaw. Minsan kasi nakita ko siyang nakatingin sa teacher  namin na busy sa laptop niya. Lahat kami ay nagsasagot pero siya nakatingin lang kay sir.

Natatawa nalang ako sa iniisip ko minsan. Paano nalang kapag naging bakla si Daves.? Ano nalang ang reaction ng papa niya? Hahabulin kaya siya ng baril? Or ng itak? Nag-iisang lalaki lang siya sa limang magkakapatid. The rest puro babae na.

Mabilis na tapos ang last subject. Naglilinis na ang mga cleaners. Ako naman nasa labas. Binabantayan ko ang mga bag ng mga kaibigan ko.

"Mila! Mag dilig ka raw ng halaman!"

Sigaw ng escort namin na g.g...as in gago...feeling pogi eh kulang naman ngipin...ewan ko ba sa mga classmate ko kung bakit ang lakas ng trip nila sa escort at muse. Hindi ko siya pinansin. Bahala ka diyan.

"Hoy Mila!! Ang yabang mo talaga..!!"

Nayayabangan na siya sa akin eh wala pa naman akong ginagawa. At isa pa dalawang linggo palang kami magka-klase. Kung siya Nayayabangan sa akin pwes ako na bu-bwisit ako sa mukha niya. Ang kapal!! Kinuha ko nalang ang earphones ko at nagpatugtog gamit ang cp na binili ni Lola. IPhone 4s.

Nakasakay na kami sa van na service namin. Pero hindi pa kami umaalis dahil hinihintay pa namin si Jerio. Si Jerio ay second year na. Nakikita ko siya parati sa canteen. Parati ko siyang ngini-ngitian pero hindi man lang ako ang pansinin. Hanggang ngayon tahimik pa rin siya tulad ng dati.

"bakit ang tagal ni hapon."

Tanong ni kuya Jong, driver nitong van. Hapon ang tawag niya kay Jerio kasi half japanese siya.

"Ewan..."

"diba crush mo siya.? Dapat alam mo."

Sabi ni Kennedy sa likod ng van. Kasama niya sila Jericho at Christian. Ka year ko rin sila pero iba ang section.

"excuse me...hindi ko siya crush"

Inikot ko pa ang eyeballs ko kahit di nila nakikita.

"ahh...di pala crush...pero halos lahat ng notebook may doodle na Jerio"

Napalingon ako sa kanila dahil sa sinabi ni Jericho. Kainis! saan naman nila nalaman. I look at them na parang anytime sasakalin ko sila.
Tinawanan pa nila ako... Grrrr!

Padabog akong umupo...chismoso talaga ang mga lalaki ng 'to.

Dumating din si Jerio....sa wakas..pumasok siya at umupo sa tabi ko... Pero hindi naman talaga sa tabi ko dahil ang bag ko ay nasa gitna namin. Tahimik lang siyang sumandal at pumikit.

Unpredicted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon