Chapter 4

1 1 0
                                    

Bahay-bahayan

Milagrosa POV

Dahil nga maaga akong pumunta sa bahay nila Jerio, doon na rin kami kumain ng lunch ni Daves. Tita Mery also invited Daves para sa Japanese food na kakainin namin mamaya. Pero si Daves kailangan niya nang umuwi, ayaw niya raw mapagalitan, dahil ang bilin lang sa kaniya ay ihatid ang envelope.

Jerio and I we're watching Japanese movie sa living area nila. Kasama rin namin ang kapatid niya na si Anthony, 4 years old. Kasama namin siyang nanonood. Di ko lang alam kung naiintindihan niya ang kwento dahil kapag nakakatawa ang scene tumatawa rin siya. Well, naka tagalized naman ito pero syempre bata pa siya.

Ang Kuya Jerio naman niya cool na naka upo at nakataas pa ang paa sa center table. Nasa gitna namin si Anthony, ginawa kasi akong sandalan ni Anthony.

"Kuya, ang clumsy ni KC," comment ni Anthony. Sabay subo ng popcorn. "tapos shonga pa siya."

"oo nga. Sa ating tatlo sino si KC?" tanong ni Jerio. Ang loko, talagang nagtanong pa sa kapatid niya.

"si ate Mila syempre...tapos ikaw si Nicolo...tapos ako naman yung kapatid mo.... Oh diba.." nagtawan pa silang dalawa. "Sakto Kuya....kasi nandito si ate...kunwari dito siya nakatira..."

"wow ha....excuse me hindi ako shonga.."

"joke nga lang ate eh....tapos ayan oh" sabay turo sa TV na ang scene ay pasikretong humalik ang lalaki sa natutulog na babae. "Ganiyan! Gagawin din sayo yan ni kuya... Di ba Kuya?"

Napatingin ako sa kay Jerio. My God! Ano ako artista? At bakit niya naman gagawin 'yon.? Ano bang utak ang meron sa bata na ito? Jusko! Bet ko yan!

Kumuha siya ng popcorn. "Dipende..."

Ano? Dipende? So may tendency na gagawin niya? Umiling ako sa naiisip ko.. Hindi.. Hindi niya iyon gagawin. Trip niya lang ako, dahil nakita ko siyang top less kanina.

"hmmm mommy ko nalang pala si ate Mila, Kuya...tapos ikaw nalang daddy ko."

Nahulog pa ang popcorn na dapat isusubo ko na. Ano bang iniisip nitong si Anthony? Jusko! Kanina lang sa kiss tapos ngayon mommy and daddy na.

"pwede naman...." sagot niya. Tapos tumingin sa akin. "Gusto mo?" tanong niya.

"a-ah... Dipende naman sa sitwasyon..." utal nasabi ko.

Kumunot ang noo niya. "What are you saying? Tinatanong kita kung gusto mo?" sabi niya at inangat ang coke bottle na hindi pa bukas.

Punyemas ka Mila! Ano ba sa tingin mo ang itatanong niya sayo!! Napakagat ako sa labi ko dahil sa kahihiyan. Ilang beses na ba akong napahiya ngayon?! Umiling nalang ako at tinanggap ang coke.

"Wag kayong magpakabusog na tatlo diyan! Mamaya hindi na kayo makakain.!" sigaw ni tita sa kitchen.

After watching, hinila ako ni Anthony sa room niya. He offered me his toys. Maglaro daw kami. Una tumanggi ako dahil wala naman akong alam sa mga toys niya. Pero itong si Jerio pinilit ako at sakyan ko lang daw ang trip ng kapatid niya.

"kuya, your batman" sabi niya at binigay kay Jerio ang laruang batman. " and you ate Mila" sabay bigay sa akin ng pusa. PUSA?! Seriously pusa!?
Tumawa pa si Jerio. Tss

"so meow lang ang sasabihin ko?"

Umiling si Anthony. "No...ay wag nalang pala" at binawi ang pusa sa akin. Nag hanap siya ng laruan sa toy box niya.

Naka upo kami ngayon sa kama. Kunwari kong hinulog ang panyo ko para makita siya. Kahit daplis lang na tingin. Pero nagulat ako ng pinulot niya ito. Inabot niya sa akin kaya fully access na nakita ko ang mukha niya.

"Kuya, ate! I know na.."sabi ni Anthony kaya napatingin kami sa kaniya. Wala siyang hawak na laruan . "Baby niyo nalang ako...please?" napatingin ako kay Jerio. Napakamot siya sa kilay niya.

"a hmmm...naka dress si ate Mila mo, hindi siya kumportable. " sabi ni Jerio. Inangat naman ni Anthony ang kumot. "That's why we have this..." turo niya sa kumot. "Or she can barrow your shorts."

Nabigla ako sa sinabi niya. "Ahhh. Hindi! Hindi na. Naka shorts naman ako..."

Tumalon naman sa tuwa si Anthony. Umakyat siya sa kama niya. Tumingin ako kay Jerio na medyo malapit ng magsalubong ang kilay. Ayaw ba niya?

Nahiga si Anthony sa gitna ng kama. "Kuya, ate.. Lay down na." napatingin ako kay Jerio. Huminga siya ng malalim bago humiga sa tabi ng kapatid niya. Lumipat naman ako sa isang side para tabihan si Anthony. Nagkumot kaming tatlo.

"ang mommy at daddy...kasama ang baby nila... Yan ang play natin ah.." Kita ko sa mata no Anthony na masaya siya.

Pansin ko rin na nakatingin si Jerio sa kapatid niya. Kaya siguro ito ang gustong laruin ng Anthony kasi lumaki siyang walang papa. Magkaiba kasi sila ng tatay. Ang papa no Jerio ay nasa Japan may ibang pamilya pero nagsusustento pa rin. Pero ang papa naman ni Anthony, hindi ko alam kung anong nangyari.

"hug me please..." sabi no Anthony sa amin. Una akong yumakap sa kaniya. Hinawakan naman niya ang braso ko. Yumakap na rin si Jerio. Napatingin ako sa kaniya dahil ang kamay niya ay umabot hanggang sa akin.

Napatingin ako sa kaniya. Dinikit niya ang mukha sa leeg ng kapatid niya. Tinapik pa niya ang likod na parang nagsasabi na gayahin ko siya, kaya ginawa ko rin ang ginawa niya. Sumilip ako sa mukha ni Anthony at parang inaantok siya.

Maya-maya bigla siyang yumakap sa akin. Ang ulo niya ay nasa bandang dibdib ko na. Niyakap ko rin siya pabalik. Pumikit rin ako. Bigla kong naramdaman ang kamay ni Jerio na halos sakupin na ako. Na parang wala ang kapatid niya sa pagitan namin.

Minulat ko ang mata ko. Nagulat ako dahil sobrang lapit ng mukha namin. Parang isang dangkal nalang. Nag gesture siya na wag akong maingay. Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko lalo ng alisin niya ang hibla ng buhok sa mukha ko. Sumagi ang daliri niya sa tainga ko.

Ngumiti siya bago pumukit. Hindi ko alam pero mula sa pagkakayap ko kay Anthony, ay niyakap ko na rin si Jerio. Pumikit na rin ako. At inantok.

_________

"ang sarap talaga"

Kasalukuyan kaming kumakain ng Japanese food ngayon. Kumpleto na kami. Nandito na si ate. Bali  lima kami ngayon dito sa lamesa.

"Mila, nguyain mo ng mabuti...sasakit tiyan mo diyan." sabi sa akin ni ate kate.

Ngumiti naman ako sa kaniya at nagdahan-dahan sa pagkain. Naka chopsticks pa kami, pero si Anthony spoon and fork ang gamit kasi hindi siya sanay humawak.

"ang sarap ng tulog niyong tatlo kanina ah" sabi ni tita Mary.

Tumingin ako kay Jerio, na katapat ko lang.

"mommy..si ate Mila ang mommy ko kanina at daddy ko si Kuya." sabat ni Anthony.

Napatingin ako kay ate, at tama nga ako. Anytime aasarin niya ako. Binalik ko ang tingin ko kay Jerio pero imiwas lang siya at tinuloy ang pag kain.

"so....Anthony? Anong tawag sa laro niyo kanina?" tanong ni ate Kate. Shems!

"bahay-bahayan po" inosenteng sagot niya. Tumingin sa akin si ate. Si tita naman naka ngiti sa akin.

Huhuhu! Nakakahiya. Nakita panigurado ni tita yung yakap kanina.

Hanggang sa umuwi kami ni ate kate, hindi niya ako tinigilan sa pang-aasar. Eh ano naman kung naglaro kami ng bahay-bahayan.

Unpredicted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon