Chapter 2

3 2 0
                                    

Sayaw

Milagrosa POV

kasalukuyan kaming nag pa-practice ng sayaw dito sa loob ng classroom. Sumali kasi kami para sa audition. Lagi raw ginaganap ang ganito dahil taon-taon may gumagraduate. Si ate Kate ay dating member ng dance group dito. Kalayaw ang name.

Si Daves ang pumili ng sound namin. Kasali rin siya, bali 7 kaming lahat. Talk dirty to me ang pinili niya. Minsan talaga di ko alam ang taste nitong si Daves.

Half day lang ang lahat ng classes ngayon para may audience daw ang mag o-auditions. Bukod kasi sa dancing meron din singing. Exited ang iba.

"announcement...lahat po ng mga contestants ng singing na likod na po tayo ng backstage...lahat naman po ng mga dancers ay binibigyan ng time para magbihis...thank you"

Nagpalit kami ng damit. Maong short, black t-shirt na inorder pa namin, white knee socks at rubber ang costume naming mga girls at ang dalawang boys namay na naka pants ng maong and black shirt.. Sinabi ko rin na itali namin hanggang tiyan ang damit, dahil sexy ang kanta, except sa boys, syempre.

Sinabi rin na lumapit ang bawat representative ng grupo para sa bunutan kung sino ang mauuna. I volunteered para sa pagbunot. Nabunot ko ang number 4, which is ikinatuwa ng grupo ko.

There are 15 contestants sa singing audition. Well magagaling silang lahat. Pero hindi mapakali, parang may gusto akong makita. Si Jerio. Kanina pa ako tumitingin sa side ko na baka nandoon pero wala siya.
Kahapon sinabi ko sa kaniya bago siya bumaba sa van.

"OK, students tomorrow, makikita niyo sa bulletin board ang pasok sa final 8 natin.... Now! Are you ready to see our great dancers!"

Everybody clap their hands and shout. Mas maingay kumpara kanina. May naririnig pa akong torotot at banner. I saw my name there. Napasimangot ako dahil hawak yun nila Kennedy silang tatlo, pero wala si Jerio sa tabi nila.

"OK remind ko lang po ulit. You will perform as a group but we will judge you individually. So guys give all your best" sabi ulit ng host.

Pinakilala muna ang mga judges. And the competition already started.
Magaling ang mga nauna. Ang mga ka-group ko kinakabahan na. Kay Daves lang naman ako kinakabahan, sa tigas ba naman ng katawan niya. Buti nalang sa likod siya.

"guys cr lang ako"

"Hoy Mila! Wag na.. 3 na yan oh..." pigil sa akin ni Reynamie, ka-group ko.

"Don't worry...mabilis lang ako"

Malapit lang naman ang cr. May mga lalaki pang nakatambay sa dadaan ko. Ang iba sinasabi na galingan daw namin.

Habang nasa harap ako ng salamin, biglang may nag bukas ng pinto. Niluwa nito si Jerio.

"what are you doing here?...babae ka ba?" Lumapit siya sa akin. Hinila niya ang tali ng buhok ko.

"Mas maganda kapag nakalugay ka..." at bigla akong iniwan sa loob.

Ganoon lang? Di man lang nagsabi ng good luck sa akin. Pero natuwa rin ako ng makita ko ang mukha ko sa salamin. Sinabi niya na mas bagay ko raw ang nakalugay.

Lumabas ako ng cr pero nagulat ako ng nandoon pa pala siya. Dadaanan ko na dapat siya ng hinarangan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay roon ponytail ko.

"Goodluck"

At iniwan niya na ako. What!!!! Hindi ko alam pero tumakbo nalang ako papunta sa pwesto namin.

"Hoy! Gaga ka, bakit ka tumakbo, wala ka ng energy mamaya niyan eh. Sa gitna ka pa naman." Rosalinda said.

"Don't worry guys. Pwede naman na ako nasa harap" biglang sabi ni Daves.

"hindi na.. Kaya ko naman.. Baka mapahiya pa tayo sis." binulong ko lang sa hangin ang huling sinabi ko.

Tapos na ang number 3 at kami na ang susunod. Lumapit ako sa music coordinator at binigay ang flash drive. Naka pwesto na kami sa gitna ng stage.

Hindi ko alam pero ngayon lang ako kinabahan sa pag sayaw. Is this because of that good luck thing. Huminga ako ng malalim. Walang sense ang Goodluck niya kung hindi ako makukuha. So I have to give my best. I gave my signal to start the music, and to my surprise. Si Jerio ay nakatingin sa akin. Bakit ba siya na diyan.?

He give me thumbs up. And the music start. And I we dance, nakatingin lang ako sa mga judges, baka kasi mawala sa isip ko ang steps once na makita ko si Jerio.

Rinig ko ang sigawan at palakpakan ng mga tao. Bumaba kami sa stage. Sinalubong ako nila Kennedy, Jericho at Christian. Binigyan nila ako ng foods at tubig.

"oww Sana lahat may mga kuya"
Pabebe na Sabi ni Daves.

"Sana lahat hindi nagkakalat." sabi naman ni Jericho. Nag kunwari naman si Daves na susuntukin si Jericho. Nagtawan kami. Buti nalang talaga at nasa likod siya.

Pinatapos namin ang audition. Bukas daw makikita namin sa result. Hindi na ako nagpalit ng damit. Hinihintay nalang namin ang bell para ready to go home na. Nasa labas ako ng classroom namin, waiting for my 3 cousins.

Nang may narinig akong malakas na tawanan sa corridor alam kong sila na iyon. Sinuot ko na ang bag pack ko. Nagulat ako na kasama na agad nila si Jerio. Minsan kasi sa van na kami ng hihintay sa kaniya.

"Tara na po mahal na Reyna" sabi ni Christian. I rolled my eyes on him pero nagtawanan lang sila. Hindi ako lumilingon sa likod ko kasi nasa likod ko sila and kasama pa nila si Jerio. Sana pala nag bihis nalang ako.

"biglang may lumitaw na Flash drive sa mukha ko."

it's him. Jerio. Naiwan ko pala sa technician. Buti nalang naka pwesto siya doon kanina. Kinuha ko ito at nag thank you. Sinabayan niya rin ako maglakad. Napangiti ako.

Paglabas namin wala pa ang van. Ngayon lang ata na late si Kuya Jong sa pagsundo sa amin. Kita namin ang iba't-ibang students na lumalabas.

"guys gusto niyo coke?" alok sa amin ni Jericho. Lahat kami ay nag oo.

Pero loko talaga sila kasi sumama kay Jericho ang dalawa, kaya kaming dalawa lang ang naiwan ni Jerio.

"Ang galing mong sumayaw." sabi niya bigla kaya napalingon ako sa kanya. Sinuot niya ang headphone niya.

My Gosh!! Magaling raw ako sumayaw!!

Unpredicted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon