Chapter 3

2 2 0
                                    

Secret

Milagrosa POV

Today is Saturday at nagyaya ang mommy ni Jerio na punta raw kami mamayang hapon sa bahay nila para kumain ng Japanese food. Nag text siya akin kanina. Wala pa sana akong balak bumangon dahil ang aga. Pero hindi na ako dinalaw ng antok.

Anim na bahay mula sa amin ang bahay Nila Jerio. Na sa isang compound lang naman kami.

Mamayang hapon pa naman iyon pero exited na ako. Namili na ako ng isusuot ko mamaya. Darating din mamaya si ate Kate. Wala kasi siyang pasok ng 3 days. Malayo kasi ang University na pinapasukan niya kaya naka dorm siya.

"Mila! Mag dilig ka na ng halaman! Aba! Baka naman cellphone na naman ang hawak mo!"
Binaba ko agad ang cp ko, at lumabas. Ayaw kong mapagalitan ni Lola ngayon dahil aalis ako mamaya, baka hindi niya ako payagan.

Pinusod ko muna ang buhok ko na mahaba habang bumababa sa hagdan. Minsan kailangan talaga namin mag kilos dito sa bahay kahit na may utusan kami. Syempre hindi naman niya kayang pagsabayin lahat kaya tumutulong rin kami. Ay ako lang pala. Wala kasi si ate eh.

Kinuha ko ang hose at nagsimula ng magdilig ng halaman. Rose, santan, bougainvillea, gumalela, December flower, at meron pang dalawa na hindi ko alam ang tawag, yan lang naman ang mahal na mahal ni Lola. Sa dami ng halaman namin hindi na ako nag tataka kung bakit maraming bata ang pumupunta dito at humihingi ng bulaklak.

Sa sobrang pagkawili ko mag dilig pati ang carpet grass binasa ko na din. Tinanggal ko ang slipper ko at tinaas ko ang hose. Medyo tinakpan ko ang butas. Para tuloy umuulan. Gustong gusto ko maligo sa ulan pero hindi ako pinapayagan ni Lola.

"Hoy! Anong ginagawa mo?!"

Napatingin tingin ako sa gate namin. Si Daves lang pala. Bakit nandito ang paminta na ito? Pinatay ko ang hose at lumabas sa gate.

"bakit ka nandito?"

"pupunta ako sa bahay nila Jerio." nanlaki ang mga mata ko.

"anong gagawin mo doon?" my goodness!

"pumunta kasi doon si Tita Mary. May pinapaabot siya kay papa, tapos ito naman si papa may ipapaabot din kay tita." sabi niya, napansin ko nga ang envelope na hawak niya. Muntik ko pa naman siyang basahin kanina ng tubig, buti nalang hindi ko tinuloy.

"ahhh....ano naman iyon?" tukoy ko sa ipapaabot ng papa niya.

"I don't know eh....hindi ko binuksan....samahan mo ako sa kanila."

parang nag boses angel ang paminta na kaharap ko ngayon. Pinapasok ko siya sa bahay. Sinabi ko na maliligo lang ako sandali. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at naligo.

Suot ko ang dress na binili sa akin ni ate. Off-shoulder at hanggang kalahati ito ng hita ko. Ngayon ko lang gagamitin ito. Nag pabango, nag pulobos at nag liptint na rin ako. Inayos ko pa ang pagkaka-ribbon ng dress ko sa likod. Kinuha ko ang slipper ko na pampasyal.

"bakit parang pupunta ka ng mall?" salubong sa akin ni Daves.

Aba anong meron sa suot ko. Nag post pa ako sa harap niya. Inggit lang ito, kasi bawal siya mag dress. Baka barilin ng papa niya.

"tara na nga" hinila ko na siya. Nasalubong ko si Lola at nagpaalam na sasamahan lang si Daves sa bahay nila Jerio. Hindi na kami napigilan ni Lola.

Naglakad kami palabas. Maiinit pero thank you sa  mga puno dahil may masisilungan naman at napaka-presko ng hangin. Hindi rin naman nagtagal ay narating din namin ang bahay nila Jerio. Nag Dorr bell kami at nag hintay sandali. Si tita Mary mismo ang nag bukas ng gate sa amin.

"oh..mila...napa-aga ka ah...mamayang 4 pa ang Japanese food natin...10 palang ng umaga..." Sabi ni tita Mary. Pinapasok niya kami sa bahay nila.

"ahh...hindi po tita... Itong si Daves kasi may ibibigay daw sa inyo..sinamahan ko lang po."

Nag-usap sila ni tita. Inabala ko ang sarili ko sa pag tingin ng mga comics. For sure Kay Jerio ito dahil mga anime.

"mommy! Nasan yung white brief ko!?"

Boses iyon ni Jerio! At brief! Na patingin ako sa taas. Bigla siyang siyang bumaba sa hagdanan. Naka tapis lang siya ng towel. Halatang katatapos maligo. Hindi pa niya ata ako nakikita.

Bakit may abs na siya?! 14 years old palang siya. Omg! Inayos ko ang upo ko. Kunwari nag babasa ako ng comics. Hanggang sa narinig ko ang footsteps niya. Medyo umiba ang heartbeat ko.

"na saan si mommy?"

Unti-unti kong inangat ang tingin ko sa kaniya. Bakit parang wala siyang pakialam na naka-towel lang siya. Feel na feel niya pa dahil nakapamewang pa siya sa harapan ko.

"e-eh??....yung brief-este nasa....ewan ko...basta kasama niya si Daves"

Shems! Muntik pa akong madulas dahil sa brief na yan.

"bakit di ka pa magbihis?...epal ka rin eh." sabi ko at nag kunwaring nagbabasa.

Pero ang totoo iniisip ko talaga kung titingin ba ako sa kaniya o hindi. Kainis naman ang pa-abs ni Jerio!

"bakit di ka makatingin sa akin?"

Is he mocking me?! Paano naman ako titingin sayo eh naghahanap ka ng brief meaning wala kang suot! Gusto kong isigaw sa kaniya. Pero hindi ko magawa.

Naglakad siya palayo at tumawag pero narinig ko ang last na sinabi niya.

"Ibang klase...ngayon ko lang nalaman na baliktad ka magbasa."

Napatingin ako sa comics na hawak ko. Parang gusto ko itong punitin sa sobrang hiya.. Walang hiya...kanina pa pala baliktad ang comics na hawak ko. Tapos sobrang seryoso ko na nagbabasa, tapos baliktad?!

Arggghh..nakakahiya!

"oh....mila, Tara dito sa kusina may cake ako."

Alok sa akin ni tita. Bakit ngayon niyo lang po ako tinawag?! Yung anak niyo po kulang nalang maghubad sa harapan ko.! Gusto kong sabihin kay tita pero syempre hindi ko gagawin.

Pumunta kami sa kitchen nila. Kumakain na pala si Daves dito. Umupo ako sa tapat niya. Si tita naman tinawagan si Jerio.

Dumating silang mag-ina. Si tita ang nag lagay ng cake sa plato namin ni Jerio.

Tumingin ako kay Jerio dahil tumabi ito sa akin. Hindi ko siya pinansin. Nakakahiya talaga kanina. Siguro masasabi ko na secret nalang ang nangyari kanina. Ako at siya.

At bago ko isubo ang cake, narinig ko ang sinabi niya.

"that's our first secret"

Napatingin ako sa kaniya. Pero busy ito sa cake niya. So pareho kami ng iniisip?

Another first, first secret with him.

Unpredicted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon