Entry #3

17 2 9
                                    

🥗✍🏻ONESHOT STORY MAKING CONTEST✍🏻🥗

TITLE: Tunay Mong Kulay
Written By: fancykhimmy

Isang hapon, sa hardin ng kahariang Frutos, masayang naglalaro ang mga batang prutas na sina Saging, Mangga, at Pinya.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan--
Pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo, isa, dalawa, tatlo! " sigaw ng batang si Pinya habang tinatakpan ang kanyang mata.

Ang mga batang si Mangga at Saging naman ay tumatakbo patungo sa kusina ng kaharian.

Binuksan na ni Pinya ang kanyang mata at nalilito sa katahimikan na dala ng hardin. Nalilito man, humakbang na lamang siya at nagsimula nang maghanap sa dalawa pang kaibigan na nagtatago.

Nakarinig siya ng kaluskos sa bandang likuran niya kaya tinungo niya 'yun. Mas lumakas pa ang kaluskos. Nararamdaman niyang nasa malapit lang nagtatago ang mga kaibigan.

"Huli ka!" natatawang sambit ni Pinya.

Sa pag-aakalang kaibigan niya ang nakita. Kinabahan siya ng ibang hitsura ang nasilayan. Kulay berde ang balat, nakasuot ng berdeng bestida. Nakatingin sa kaniya, puno ng kalituhan ang mga mata.

"S-sino ka?" nauutal na tanong ni Pinya.

Yumuko naman ang nakaberde saka umambang umalis. Hinablot naman agad ni Pinya ang kamay nito.

"Sandali! Sagutin mo muna ako. Hindi ako nangangain. Huwag ka matakot." saad ni Pinya.

Tumingin naman sa kanyang mata ang naka-berde saka ngumiti. Nagtataka man, ngumiti nalang rin si Pinya.

"Ang ganda ng mata mo." mahinang sambit ng naka-berde.

"Salamat. Maganda rin 'yung sa'yo." nakangiting sagot naman ni Pinya dito.

Hinawakan ni Pinya ang kamay nito saka dinala sa upuan na nakita malapit sa puno. Madilim sa parte na iyon kaya alam niyang walang makakakita na iba sa kanila. Umupo si Pinya gayundin ang naka-berde.

"Ano'ng pangalan mo?" tanong agad ni Pinya dito. Nakahawak pa rin sa kamay.

"Ampalaya. Isa akong ampalaya. Isang gulay." sa maliit na boses ay sagot ng naka-berdeng si Amplaya.

"Gulay! Ngayon lang ako nakakita ng kagaya mo. Saang kaharian ka nanggaling?" natutuwang saad ni Pinya.

Natawa rin si Ampalaya sa nakitang reaksyon ng kausap.

"Sa Isla Gulay Sarap Buhay." ani Ampalaya.

Kumunot naman ang noo ni Pinya. Inaalala ang kakaunting alaala na mayroon siya. Pero kahit anong isip niya, hindi talaga niya maalala.

"Pamilyar ang kahariang iyan. Pero hindi ko na maalala. Sino ang hari ninyo?"

"Bawal sabihin ang pangalan ng Hari namin. Binibigyan ng parusa ang kung sinumang sasambit." nakayukong sabi ni Ampalaya.

Mas lalong kumunot na ngayon ang noo ni Pinya. Mas puno na siya ng mga tanong tungkol sa kausap. Pero pinigilan niya lang dahil kakilala pa lang nila. Siguro sa ibang araw nalang.

"Bakit ka nga pala napadpad dito?" seryosong saad ni Pinya.

"Hinahanap ko ang aking ina. Matagal na akong naglalakbay para mahanap siya. Nagbabakasakali ako dito sa inyo na makita siya."

Naramdaman ni Pinya ang lungkot sa boses nito kaya hindi na siya nag-alinlangang yakapin ang kausap.

"Mahahanap mo rin siya." nakangiting sambit ni Pinya.

One-Shot Story Making Contest (33rd Marvelous Monthsary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon