Entry #12

3 1 0
                                    

🥗✍🏻ONE-SHOT STORY MAKING CONTEST✍🏻🥗

TITLE: The Kingdom of Health
Author: IAMMINARB

Kingdom of Health... Lugar kung saan pinapangalagaan ang kalusugan. Lugar kung saan nakatira ang samot saring prutas, halaman, mga nag tatayugang puno, mga maliliksing hayop at mga gulay, at mga tao bilang iisa at magkakaibigan.
Isang maharlikang lugar na hindi abot ng sibilisasyon at malayo sa mundo ng mga tao, isang lugar na hindi importante ang makabagong teknolohiya, at ang lugar kung saan ipapanganak si Prinsesa Vida.

Bata palang ay halata na ang pagiging sakitin nito, ang mga mata nito ay itim hindi katulad ng mga taong nakatira roon na kulay asul ang mga mata.

Pilit sinubukan ni Reynang Enchantees na gawing malusog ang kanyang nagiisang anak. Lahat ng paraan ay ginawa niya. Nang hingi siya ng gulay at prutas mula kay Bukirin, maging mga masisiglang hayop ay hiningi niya kay Kagubatan. Ngunit wala! Walang nangyari.

Kasabay pa ng kalusugang kalagayan ni Prinsesa Vida ay ang pagtubo ng mga ugat sa kanyang katawan na para bang ugat ng puno nuong ito ay tumuntong sa ika-labing anim na taon.

Labis na nabahala ang buong kaharian ng kalusugan! Nagpulong ang lahat! Gulay, Prutas, Hayop, Puno at ang mga tagapangalaga ng Bukid at Gubat.
Maging ang sina Haring Aegus at Reynang Echantees ay hindi gumawa rin ng pagpupulong sa mismong palasyo kasama ang mga taga pangalaga nito. Ngunit may iba silang napag alaman.

Si Prinsesa Vida ay nasumpa sa hindi malamang dahilan, ng isang mangangaso... mula sa mundo ng mga tao. At tanging ang anak lamang nito ang makakapag pagaling sa kanilang anak.

Habang tumatagal ay mas lalo pang tumangis ang mga ugat sa katawan ni Prinsesa Vida kaya naman mas pinili nalang nito manirahan sa lugar ni Kagubatan habang hinahanap pa ng kanilang taohan ang anak ng mangangaso. Kadahilanan rin dito ay kapag lumala pa ang kundisyon ni Prinsesa Vida ay maaring malamon ang buong kaharian ng kalusugan.

Sa kalagitnaan ng pag mumuni ni Prinsesa Vida ay  may kumaloskus na kung ano sa harap ng kanyang pintuan kasabay ng apat na beses na pagkatok.

“Sino yan?”, anito.

Nahirapan pa itong maglakad papuntang pintuan dahil sa mga ugat na tumubo sa kanyang mga paa.

Walang alinlangang binuksan ni Vida ang pintuan at tumambad sakanyang mukha ang isang binata.

May matangos na ilong, mapupulang labi at bilogang tenga. Iba, mula sa tenga ng mga taga kaharian na patusok, kaya naman nakakasigurado si Vida na hindi iyon taga rito.

Hindi naman bakas sa mukha ng lalake ang pagka gulat, “Maaari ba akong makisilong rito?”, aniya
“Kanina pa kasi ako nawawala, a-at mag gagabi narin. Marami na akong nadaanang bahay ngunit hindi sila nagpapa pasok. Tapos, umm. P-pareho kayo lahat ng itsura!”, dagdag pa nito.

“Anong ginagawa mo sa lugar na ito?”, tugon ni Vida.

Ilang segundong natahimik ang binata bago ito nag salita, “Hindi ko alam! Nag camping lang kami ng mga kaibigan ko, tapos lumabas lang ako sa t---”,

“Kamping?”, singit ni Vida.

“Camping, parang matutulog sa gitna ng gubat! Ganun...”,

Hindi na muling umimik ang Prinsesa at akmang isasara na ang pinto nang harangin ito ng paa ng binata.

Sa pag harang nito ay naalinsinagan niya ang mga paa ng dalaga na tila ay tinutubuan ng puno at mga malalaking ugat.

“Umalis kana!”,

“Teka! Ako si Centheos! Please, kailangan ko ng matutuloyan. Hindi ko alam kung saan ako tutungo atsaka, walang ilaw sa paligid kapag dumilim.”,

“Umiilaw ang mga mansanas at ibang prutas! Hindi mo kailangang manatili dito. Hindi ako normal!!”,

“Oo nga... Umalis kana!!!”, ani ng mga prutas at puno sa paligid na ngayoy nakatirik ang mga mata sakanya, kaya naman ikinagulat niya ito.

“B-buhay kayo?”, aniya.

Mabilis itong tumakbo sa palayo ngunit ang mga ugat ng puno ay sinundan siya at dinampot.
Nawalan ito ng malay matapos mabagok ang ulo sa mga sanga.

Lingid sa kaalaman ng mga Prutas at Halaman na ang tao palang kanilang nahuli ay anak ng mangangaso na kanilang hinahanap.
At dugo ng lalaking ito ang makakapag pagaling sa Prinsesa ng kanilang kaharian.

(To be Continued)

MinARB
All Rights Reserved 2020
Copy Right©

#Montefalco
#Marvelous33rdMonthsaryWRAnians

One-Shot Story Making Contest (33rd Marvelous Monthsary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon