🥗✍🏻ONE-SHOT STORY MAKING CONTEST✍🏻🥗
Title: "Am & Palaya"
Author: Shai_Shy278May isang gulay na kakaiba sa lahat ng gulay. Itong gulay na to ay walang kulay at walang lasa. Siya ay si Am, basta kakaiba siya sa lahat. Isang gabi tinipon tipon ng isang diwata ang lahat ng gulay sa kanyang bayan.
"Makinig kayong mabuti mga anak kong gulay. Nais ko lang sabihin sa inyo na may dadating na tao para pitasin kayong lahat." ani ng diwata.
Lahat ng gulay ay naging masaya, pero may isang gulay na parang pinag kaitan ng mundo. Sa kadahilanan na baka hindi na naman siya mapitas. Oo tama kayo ilang beses nang pumunta ang mga tao para mamitas sa kanilang gulayan. Pero si Am hindi pa din na pipili, hindi siya nabubulok at wala siyang kulay na kaaya-aya. Lalong lalo namang wala siyang lasa. Kaya siguro ayaw sa kanya ng mga tao. Nag isip si Am kung anong maari niyang gawin para mapili naman siya ng mga tao sa pamimitas.
Isang gabi nakapag isip si Am na lumabas sa kanyang bahay. Nagplano siya na kunin ang mga suot ng ibang gulay na makukulay. Halos lahat kinuha niya na ang kulay nito. Nang kina umagahan nagulat ang mga gulay na wala yung kani-kanilang kulay na sinusuot. At may isang gulay na dumating, ito ay isang kaakit-akit na gulay dahil sa kanyang kulay na kakaiba sa lahat. Nagpakilala ito sa kanila na siya si Palaya.
*Commercial*
"Nakikinig ba kayo?" ani ni Lola
"Opo Lola nakikinig po kami hehe tuloy mo na po." sabi ni Long isang batang talong.
"Sa tingin niyo mga apo anong nangyari kay Am?" tanong ng kanilang Lola.
"Siguro po Lola umalis siya tas lumipat sa ibang gulayan hehe." sagot naman ni Pina na isang pipino.
"Sige tuloy na natin." sabi ni Lola,
*Tuloy na ang kwento*
"Wow Palaya kamangha-mangha naman ang iyong kulay." sabi ni Taw na isang bataw.
"Oo nga Palaya, pero maaari ba namin matanong kung saan ka nang galing?" tanong ni Si na isang sitaw.
Kinabahan si Palaya dahil sa tanong na iyon. Pero sa isip isip ni Palaya bakit naman siya kakabahan wala naman siyang ginawang mali. Kaya sumagot siya ng maayos na parang hindi kinakabahan.
"Galing ako sa isang gulayan na kung saan nandun ang lahat ng lasa at makukulay na gulay." sagot ni Palaya sa dalawa.
"Ahh ganun ba, ikaw ay aming bisita sa gulayan na to." sabi ng dalawa na si Taw at Si.
Pero sa isip isip ni Palaya, 'Paano kung malaman nila' 'Paano kung hindi nila ko matanggap'. Madaming katanongan si Palaya sa kanyang isipan.
"Magandang pambati sa iyo Palaya, sana ay maging masaya ka sa aming tirahan." bati ni Inang Ninya na isang Pinya.
"Maraming salamat sa inyong pagbati. At sinusigurado kong magiging masaya ako sa pag bisita dito." masayang sabi ni Palaya.
Madaming pagkain na ihinanda para sa kanya. At ginawa pa siyang parang prinsesa ng kanyang mga kauri.
Nang kina gabihan hinubad ni Palaya ang kanyang kasuotan. Sa hindi niya namamalayan na may nakakita pala sa kanya habang hinuhubad ito. Laking gulat ng nakakita kung ano ang kanyang nakita.
Ang bisitang akala nila na isang kaibigan ay isang gulay pala na si Am. Ang ibig sabihin si Am at Palaya ay iisa. Nagplano ang nakakita sa kanya na ilaglag siya. Walang kaalam alam si Am na lahat ng gulay na nasa gulayan ay alam na siya at si Palaya ay iisa.
"Hoy Palaya ano kamusta ang tulog mo?" tanong ni Taw habang nakangisi.
*Commercial*
"Mga apo ano sa tingin niyo ang mangyayari kay Am?" sabi ni Lola
"Lola siguro po hmm baka po ano hehe, Pina ikaw na nga lang sumagot." pasa ni Long kay Pina.
"Hmm siguro po Lola baka mag sumbong yung mga gulay sa kanilang diwata hehe." ani ni Pina sa Lola niya.
"Tignan natin kung yan nga ang gagawin ng mga gulay." sabi ni Lola.
*Back to the story*
Nag kukunwari silang lahat na hindi pa nila alam. Si Am naman ay patuloy lang sa pagiging Palaya. Pero nang dumating ang kinabihan.
Pumunta ang mga gulay kay Diwata at sabay sabing.
"Diwata ang aming kasuotan ay nawawala, pero ngayon alam na namin kung sino kumuha." sabi ni Okra."Ganun ba! Sino sa tingin niyo ang kumuha ng inyong kulay at lasa?" ani ng diwata
"Si Am po, siya ang nakita kong suot suot lahat ng kulay at lasa ng mga gulay na taga rito." sabi naman ni Yapa na isang papaya.
"Ganun ba, sige bukas na bukas ipapatawag ko si Am para kausapin." sabi ni diwata sa lahat ng gulay na nag protesta para sa kanilang kulay at lasa.
*FAST FORWARD*
Kina umagahan tinotoo ni Diwata ang sinabi niya sa mga gulay ka gabi.
"Palaya ikaw ba ay si Am?" bungad na tanong ni Diwata kay Am.
Si Am naman ay na taranta sa kadahilanan na baka parusahan siya nito.
"Ahh o-opo, pero nagawa ko lang naman po yan dahil sa na iingit ako sa kanila. Dahil sila napipitas na, ako hindi pa kahit kailan. Kaya kinuha ko sa kanila yung lasa at kulay nila." mahabang pag papaliwanag ni Am kay Diwata.
"Ganun ba gusto mo mag kalasa at mag kakulay?" sabi ni Diwata.
"Opo gustong gusto po, pag nagkalasa na po ako pangako ibabalik ko sa kanila lahat ng kinuha ko." sabi ni Am.
Biglang lumiwanag si Am na para bang isang anghel na lumulutang sa hangin.
Nang mawala ang kanyang liwanag ay dito nagpakita ang isang gulay na kulobot at kulay green na parang ang pait ng lasa.
"Dahil may kulay at lasa kana, tatawagin ka ng Ampalaya dahil sa gamit mong pangalan dati ay Am at ang impostor na ginamit mong pangalan na Palaya. Kaya ikaw na ngayon si Ampalaya."
*THE END*
"Hala Lola si Ampalaya po ay ikaw?" tanong ni Long.
"Oo apo ako nga si Ampalaya, simula nun madaming ayaw na sa akin. Dahil sa mapait at kulobot kulot ako." sabi nito.
"Hala pero hindi ba Lola masustansya ka pa din.?" tanong ni Pina.
"Oo apo masustansya ako, at masarap pag niluluto na ako." sabi ni Lola.
*THE END 2*
#Montefalco
#Marvelous33rdMonthsaryWRAnians

BINABASA MO ANG
One-Shot Story Making Contest (33rd Marvelous Monthsary)
Fiction généraleAs we celebrate our 33rd Marvelous Monthsary, we implement our "One-Shot Story Making Contest" held last June 14, 2020 at Wattpad Royal Academy hall. Wattpad Royal Academy facebook group: https://www.facebook.com/groups/545560152265170/?ref=share