Kagaya ka rin ba ng iba? Sa relasyon hinahanap ang pagmamahal na ipinagkait sa kanila ng mga magulang nila? Nililimot ang sakit sa pamamagitan ng panibagong sakit?
Nakakapagod makita ‘to sa pang araw-araw kong buhay. Hindi ko alam kung ang konsepto ba ng pag-ibig sa aming kabataan ay ang pagsunod na lang talaga sa uso; nakikibagay na lang, sumasabay na lang sa dinidikta ng lipunan, at nagpapatangay na lang sa agos kung saan may pansamantalang kaligayahan.
Pero sino ba naman ako para sabihin at husgahan ang kapwa ko? Gayong wala rin naman akong ideya sa ibig sabihin ng salitang pag-ibig, wala rin naman akong karanasan sa damdamin na ‘to, at wala pa sa plano ko ang paggugulan ito ng oras at panahon.
BINABASA MO ANG
The Search
Teen FictionAn unmotivated student who will ride along her destiny in search of something that she doesn't understand - love; love that is not confined with the definition of romance, but a meaning written by her own experiences. hakdog original 's