Ilang buwan na ba ang nakakalipas simula nang nag umpisa ang klase? Isa? Dalawa? Malapit nna agad ang midterms namin. At hirap na hirap ako ngayon sa Math, hindi ako makasabay sa mga kaklase ko pagdating sa math, masiyado silang maalam, at itong kaibigan kong si Gale, kahinaan ang magturo. Panay pasang-awa ang quizzes ko, pinapakopya na lang ako ni Gale sa mga sandamakmak naming assignments sa Math, at ngayon ay magmimidterms na, ayokong magkaroon ng siyete sa grado ko, kaya kailangan ko na umisip ng paraan.
Kaasalukuyan kaming nasa library ngayon ng mga kaibigan ko at kasama na rin si Gale na napalapit na rin sa amin, si Venne lang ang wala ngayon dahil may mga kaibigan din siyang kasama at hindi ko alam kung nasaan sila.
“Anj, pano niyo ba naiintindihan ‘yong Math?” Desperada kong tanong.
“Hindi ko alam pero tamang sunod lang ako sa step by step na turo ni ma’am” tumingin lang siya saglit sa akin at bumalik sa binabasa niyang libro, tumingin naman ako kay Pisces, ngunit inunahan na niya ako “h’wag mo na ako tanungin, simula Junior tayo bagsak bagsak na ako sa math” at totoo ‘yon, pasalamat na lang kami at pumapasa siya sa final grading dahil kung hindi ay baka ‘di namin siya kasama ngayon. Si Anj at Venne ay ang pasok lagi sa posisyon ng mga matatalino, ako naman ay tamang sabit lang kapag sinisipag o gusto ko talaga ang mga inaaral ko. Sumulyap ako kay Gale na busy sa pagbabasa, tumingin din siya sa akin tila alam na ang itatanong ko pero nagtanong pa rin siya ng “ano?” sa akin na halatang naiinis, kaya para naman maiba ang usapan ay humingi na lang ako ng papel sa kaniya,
“galit ka na naman e, manghihingi lang ako ng papel” depensa ko sabay tawa ng mahina para lalo siyang mainis. “akala ko kukulitin mo na naman ako sa mga numbers na yan e” sabay abot ng papel sa akin at muling tinuon ang atensyon sa binabasa niyang libro.
Hindi na ako nagbabasa pero nakabukas pa rin ang kaninang librong binabasa kong tungkol sa Psychology, nilalaro ko ang papel na bigay ni Gale ng may pumasok sa isip ko kaya wala sa wisyo koi tong isinulat.Ilang dilig at sinag ng araw pa ba ang kailangan
Para masaksihan ang pagmulat ng mga nakatuping talulot ng bulaklak
Na nagtatago sa makakapal na halaman sa hardin ng may kapalWala na akong magawa, kung ano-ano na naman inaatupag ko: isang inaasam na pagbabagong lihim na nagaganap sa bawat pagkatao natin. Tumayo ako at nagpaalam magbanyo.
Pagpasok ko ng CR ay naabutan ko naman ang isa kong kaklase na naghihintay, si Kisera. Kilala siya dahil mahusay talaga siya sa klase, kaya maraming dumidikit sa kaniya, at masiyado siyang mabait para magsungit sa mga kaklase naming halata naman ang motibo sa kaniya. Ngumiti siya sa’kin at ngiti lang din ang sinukli ko sa kaniya, dumiretso ako sa sink para maghilamos ng mahimasmasan man lang ang pag iisip ko sa Math at sa mapaglarong isip ko. Napabuntong hininga na naman ako. Tang inang math kasi ‘yan e.
“una na kami March” ang lambing ng boses, ang hinahon at may tono ng panunuyo. Natauhan ako sa pagpapaalam ni Kisera, kaya panandalian akong napatitig sa kaniya na may pagtataka, bakit kailangan pa niyang magpaalam?Pabalik na ako ng library ay natanaw ko na sila Anj na nasa labas na nito, “time na girl, binalik na rin namin ‘yong kinuha mong libro, o ballpen mo” sabi ni Anj at kinuha ko naman ang ballpen ko, “’yong papel?” tanong ko.
“Papel? May papel ba don?” takang tanong niya at tumingin sa dalawa pa naming kasama,
“Nah, nevermind ‘di naman importante ‘yon” kibit balikat koPumunta na kami sa sunod naming klase, kung saan magkaklase kami maliban kay Gale na sa ibang schedule ng major napadpad kahit na halos sabay kaming nag enroll noon.
Pagpasok sa classroom ay una kong napansin si Kisera na tahimik na nagcecellphone, habang ang mga kaibigan niya ay sige sa daldalan.“Class, we have no lessons nor discussion for today” bungad ng prof namin, kaya naghiyawan agad ang mga kaklase kong lalaki, “we’re just going to check your previous quiz”
Sana pala ‘di na ako pumasok sa klase niya, nag aral na lang sana ako sa Math. Nskakabagot, over 100 ang huli naming quiz sa subject na ‘to, at confident naman akong matino score ko, mas hamak na gusto ko itong subject na ‘to kaysa sa Math.
“so who got 100?” tanong ng prof ko habang ‘di pa binabalik sa may ari ang papel na chineckan. Walang nagtaas ng kamay “99?” may isang nagtaas ng kamay kaya napalingon lahat, “so who’s paper is that, may I see?” inabot naman ng kaklase ko ang hawak niyang papel, “oh from Ms. Cruz, I expect nothing less, congratulations. What about 98?” May dalawang nag taas ng kamay at binigay din ang papel sa prof naming “Ms. Damian and Ms. Ferrer, congratulatons!” napangiti naman ako ng marinig ang apelyido namin ni Anj. “how about 97?” may iilang nagtaas ng kamay at nag abot ng papel at muli ay kinongratulate niya ito “The reason I asked for these three highest scores is because you are blessed to be exempted for the next quiz and the upcoming midterm exam, so for the rest who didn’t made it to be part of this fortune, I want you to do your best next quiz, because I might consider another exemption. Dismissed.” May narinig akong mga nanghihinayang at siyempre tuwa. “Lucky” bati ni Pisces sa amin, “kung pumasok ka last quiz baka kasama ka namin ngayon” irap ko, hindi na kasi nagbibigay ng special quiz ‘tong prof ko, “makakabawi naman ako next time e, just wait” natatawa niyang sabi. Gaya ko, bagamat hirap din sa math si Pisces ay kabaliktaran naman ang husay niya pagdating sa biology, ang kaibahan namin ay bio lang talaga ang pinagtutuunan niya ng pansin.
“una na ko guys, may sundo ako ngayon” paalam ni Anj, “teka sabay na tayo, may lakad din ako” sabi ni Pisces. “ingat kayo, maglolocker pa ako” habang inaayos ko ang gamit at sarili ko. Nauna na nga sila at ako naman ay dumiretso sa locker area at inayos ang gamit ko.Imiisip ko pa rin paano ko itataguyod ang Math ko, hindi ko talaga hilig ito, kapag nasa bahay ako mas pinagtutuunan kong pag aralan ang ibang bagay kaysa sa Math kahit na alam kong do’n ako alanganin. Putang ina naman kasi paano ba nila nalalaman kapag hole o point ‘yong nasa graph, pano ba ‘yang mga inverse-inverse na ‘yan punyeta, at bakit ba kasi may z-axis?
“Bye March” natauhan ako mula sa lumulutang kong inis sa math nang may nagpaalam sa akin kaya napatinghala ako dahil halos sumalampak na ako sa sahig dahil nasa ibaba ang locker ko. SI Kisera, naglalakad paalis, hindi ko napigilan ang sarili ko, “Kisera!” maski ako ay nagulat sa ginawa kong pagtawag sa kaniya, huminto naman siya at lumingon sa akin, agad kong sinara’t kinandado ang locker ko bago tumakbo papalapit sa kaniya, kakapalan koo na ang mukha ko, “wait.. sorry” hingal na napakapit ako sa kaniya, “bakit ka pa kasi tumakbo, hihintayin naman kita” natatawa niyang sabi, at nilabas ang panyo niya para punasan ang pawis na tumulo sa gilid ng ulo ko. Nakakahiya, ano ba naman kasi ‘tong kagagahan ko. “Sorry, ano kasi… uhm” nahihiya talaga ako, ngunit hinihintay niya ang sasabihin ko, tangina.
“papaturo sana ako sa math” ilang kong sabi, at medyo nagulat pa yata siya sa sinabi ko, siguro dahil alam niyang hindi naman ako mahina sa ibang subjects namin, “ano kasi, pasang awa lahat ng quiz ko, at nanganganib ako sa midterms, ayoko naman na panay nuebe grado ko tapos may isang siyete” biro ko.
“ayun lang naman pala e, ayos lang sa akin, kalian mo ba gusto? Hindi kasi puwede ngayon e”
“hindi naman kailangan ngayon, kung kalian ka lang pwede at bakante, mukha namang pareho lang tayo ng sched” sabi ko, “sige, sabihan na lang kita ah” at ngumiti siya sa’kin, tila natunaw naman ako sa ngiti niyang ‘yon, napakagenuine.
“so uhm, may dadaanan pa ako..” aniya, napailing ako sa isip ko. Tumango lang ako sa kaniya at sabay na kaming naglakad, pero nauna na akong umuwi sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Search
Teen FictionAn unmotivated student who will ride along her destiny in search of something that she doesn't understand - love; love that is not confined with the definition of romance, but a meaning written by her own experiences. hakdog original 's