Hindi ako nakatulog magdamag, dahil iniisip ko kung paano ang magiging set up namin ni Kisera. Masiyadong impulsive ang ginawa kong desisyon. Hindi pa kami ganoon kalapit para hingan ko agad siya ng pabor na wala naman siyang mapapala. Ano na lang ang iisipin niya sa’kin? Grade conscious? Desperate? Taking her for granted? Masiyado na naman akong nag-ooverthink.
Matamlay akong pumasok sa unang klase ko, medyo late nga ako ngayon kaysa sa madalas na oras ng pasok ko. Siguro dahil nga wala akong inatupag kung hindi isipin ang kagagahang ginawa ko kahapon. Ilang minuto lang ng paghihintay ay dumating na ang prof namin.
Napalinga—linga ako dahil parang may iba sa araw na ‘to, tahimik. Malumbay. “absent si Ms. Cruz?” tanong ng prof ko sa klase. Lagi na talaga siyang hinahanap ng nga tao, kaya siguro matamlay ang araw na ‘to. Sa maiklling panahon ay nakabuo agad siya ng reputasyon dahil sa galing at talino niya.
“Opo, may appointment daw po” sagot ng isa sa mga kaibigan niyang si Rij. Bahagya naman akong nadismaya, wala si Kisera ngayon, hindi niya ako matuturuan ngayon. Sinayang ko lang oras ko kakaisip buong gabi para sa wala.Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang klase, sunod na subject na ang Math, ang pinakaayaw ko. Masiyado akong matamlay ngayon para sa klase na ‘yon, kaya naman pagkalabas ng unang prof ko ay bumulong ako kay Gale “ayoko mag-math, sama ka?” aya ko sa kaniya, “babagsak ka na nga sa klase niya gusto mo pa magcutting, siraulo ka ba?” asik niya na sanhi ng pag iling ko, “mas lalong nasisira ulo ko sa kaniya, kung ayaw mo ‘di h’wag, balitaan mo na lang ako ha, lib lang ako” dali dali akong umalis dahil baka masalubong ko pa ang prof ko.
Pagdating sa library ay umikot lang ako para maghanap ng babasahin, at gaya ng inaasahan ay natagpuan ko na naman ang sarili ko sa Psychology Section. Hindi ako kagaya ng iba na interesado sa kung paano ba umintindi at makisama sa tao kaya naiisipan nilang aralin o basahin ang Psychology related books, ang akin ay gusto ko lang talaga maintindihan kung bakit ako ganito, bakit masiyadong patay ang emosyon ko, bakit parang ang layo layo ko sa realidad.
Habang dinadama ang maayos na pagkakasalansan ng mga libro ay napansin ko naman ang isang nakausling libro kaya kinuha ko ito, ito ‘yong binabasa kong libro kahapon bago magbanyo, kaya naman pala ‘di maayos na naibalik, siguro ay nagmamadali na siia Anj kaya basta-basta na lang inilagay.
Umupo ako sa pinakamalapit na puwesto at agad na itinuloy ang binabasa ko kahapon, pagkabukas ng libro ay agad na nahulog ang isang papelIlang dilig at sinag ng araw pa ba ang kailangan
Para masaksihan ang pagmulat ng mga nakatuping talulot ng bulaklak
Na nagtatago sa makakapal na halaman sa hardin ng may kapalHindi mo kailangan bilangin ang bawat arugang nilalaan sa iyong minamahal
Manatiling mapagpasensiya para sa inaasam na pagsibol ng ligaya’t pag unawaNapangiti naman ako ng nakitang may sumagot sa walang kwentang sinulat ko kahapon, kaya naisipan kong dugtungan din ito
Kung dugo’t pawis, oras at sakripisyo na ang iyong ginugol
Hindi ko lang talaga mapigillan ang aking sariling tanawin ang aking mga pinaghirapanHindi ko alam kung ano ba ang tinutukoy ko sa mga pinagsasabi ko, ang alam ko lang ay gusto ko makakita ng namumukadkad na bulaklak, parang bagong silang na paru-parong dahan dahang bumubuka ang mga pakpak; isang pagbabagong may dulot na buhay at kulay.
Inipit ko ulit ang papel sa bandang likod ng libro at nagbasa na.- -
“siraulo ka talaga March!” bungad ni Gale sa akin, habang kumakain ako, kakatapos lang yata ng klase namin, “ano na naman, may malalim ka bang galit sa akin ha?” sagot ko habang ngumunguya,
“may activity sa math tapos wala ka! Iniwan mo kong mag isa” padabog siyang umupo sa harap ko, “’di mo naman ako kailangan sa math, basic operations lang kaya kong gawin sa math” sagot ko.
“e kasi naman by partner po ‘yon, at dahil wala ka, napunta ako kay Rij!” medyo irita niyang sabi, “aba, ‘di naman masama ‘yon ah, mas hamak ngang may alam ‘yon kaysa sa akin, kapag ako partner mo, mag isa ka lang gagawa ng kung ano man ‘yan” wala sa wisyo kong sagot na gusto lang siyang pakalmahin at namnamin ang kinakain ko, bago pumasok sa isip ko ang tunay na problema “napasa niyo na ‘yong gagawin?” medyo kinakabahan kong tanong.
“hindi pa, sobrang dami ng gagawin! Iniisip ko pa lang parang gusto ko na lang malibing ng buhay” naiintindihan ko, at tunay na nararamdaman ko ang nararamdaman niya sa math, dahil maski ako, makita ko pa lang ang prof ko ay nanghihina na ako, gusto ko na ring malibing ng buhay, at isasama ko siya sa hukay para ‘di na siya makapinsala ng utak ng mga inosenteng estudyante.
“so may partner ba ako o mag isa kong haharapin ang parusa ng impyerno?” tanong ko, na ngayon ay kagat kagat na ang straw ng zesto ko. “At diyan ka mukhang sinuwerte” kibit balikat niyang sagot, tiningnan ko lang siya para sa kadugtong ng sasabihin niya, “kapartner mo si Cruz, dahil dalawa lang kayong wala sa klase kanina. Nag iinarte pa nga si Rij dahil gusto niya ‘yon kapartner e, kaso gg si Mel, bakit daw pinipilit ang sarili sa wala” napairap naman ako sa narinig ko,
“’yong totoo? Brokenhearted ba ‘yang si Mel? Pinagsisisihan niya siguro na Math prof siya ano”
BINABASA MO ANG
The Search
Teen FictionAn unmotivated student who will ride along her destiny in search of something that she doesn't understand - love; love that is not confined with the definition of romance, but a meaning written by her own experiences. hakdog original 's