Putang Ina. Isang malutong na mura para umpisahan ang unang araw ko sa bago kong eskwelahan. Nangangatog ako, pare-pareho naman kami ng papasukan ng barkada ko pero dahil nga ayaw kong nalelate ay maaga akong nakapag enroll at ito ako ngayon, walang kaide-ideya sinong mga kaklase ko.
Putang ina talaga dahil ang aga aga ko na naman pumasok, tapos itong mga kaibigan ko hindi pa sigurado kung papasok ngayon dahil wala pa naman daw kaming gagawin.
Umupo ako sa isang bench, at para hindi ako magmukhang kawawa, nagpanggap na lang akong may ka-chat na tila hinihintay ang mga kaibigan ko. Marami na ang pumapasok, at mukhang magkakakilala na sila. Teka, paanong magkakakkilala na sila? Magkakalase rin ba sila nung Juniors pa sila? Dapat bang sumabay na lang din ako sa mga kaibigan ko? Susmio, sanay naman akong mag isa pero ngayon ko lang naramdaman na mag isa talaga ako. Muli kong tiningnan ang cellphone ko, at nakitang nagchat si Anj na malapit na raw siya. Sa wakas may makakasama na rin ako, kahit man lang sana ihatid niya ako sa classroom ko.
Tumayo na ako at naglakad papuntang entrance para doon ko siya hintayin. ‘Di rin nagtagal ay natanaw ko na siya kaya agad akong kumaway. “Anj!” pagka-tap ng ID ay agad siyang lumapit sa akin, “Ano ulit section mo?” tanong niya, “111.” Tipid kong sagot, dismayadong ‘di ko sila kaklase ni Pisces, “natingnan mo na ba schedule ng major mo?” tanong ulit niya, na pinagtataka ko naman dahil akala ko ay fixed na ang schedule per section, “huh? Hindi pa, section lang chineck ko”
“bobita ka talaga, patingin nga ng reg form mo!” takang taka man ay iniabot ko sa kaniya “tingnan mo, magkaklase tayo sa Bio” tuwang tuwa niyang sabi, “pati ba si Pisces?” at inagaw ko sa kaniya ‘yong reg form ko, “oo sis, atleast kahit papaano ay ‘di ka na malulumbay dahil makakasama mo na kami kada alas-dos” sabay tawa.
Naglakad na kami at gaya ng inaasahan ay hinatid niya ako sa classroom ko, hindi ko na tiningnan kung pumasok ba ‘yong dalawa ko pang kaibigan o nalate lang talaga.
Halos puno na ang classroom pagdating ko, may nakita naman akong bakante sa bandang gitna na agad kong tinungo. Hindi ganoon kaingay, siguro dahil hindi pa nga kami magkakakilala, may naririnig akong nagsisimula ng makipagkaibigan kaya agad kong tiningnan ang katabi ko, babaeng nakaheadset na halatang ayaw magpaistorbo, kaya naman yumuko na lang ako hanggang sa dumating na ang guro namin.
Gaya ng tipikal na simula ng klase ay nagpakilala isa-isa sa harap ang mga estudyante. Napansin kong kakaunti lang ang mga lalaki sa klase at bilang lang sa daliri ang dami nila. Naisip ko naman na mukhang magiging malabo ang inaasam kong makulay na taon; kung saan plano kong magpakanormal at subukang makisalamuha sa mundo ng panay uso.
Noong nakaraang bakasyon kasi naisip ko kung gaano kaboring ‘yong buhay ko. Oo, masaya naman ako, pero gusto ko lang sana makaranas ng bago. Ayoko naman grumaduate ng high school na libro lang ang kasama at iilang kaibigan. Naisip ko na ‘yong paglipat ko ngayon sa bagong paaralan na ito ay pagbubukas ng bagong pinto ng oportunidad sa bagong mga karanasan. Gusto kong maramdaman kahit papaano na nabibilang din naman ako sa mga kaedad ko, hindi ‘yong outcast ako at tila nawawalang tupa.
“walang pogi, malas” dinig kong bulong ng kaklase kong nasa harap at naghagikgikan sila doon. Hindi ko naman napansin ang mga mukha ng mga kaklase ko kaya napakibit balikat na lang ako.--
Lumipas ng mabilis ang oras hanggang break time na, agad akong lumabas ng classroom dahil nasusuffocate ako sa mga kaklase ko. Hindi ko kayang lokohin sarili ko, hindi ko kayang baguhin ang sarili ko para lang masabing kabilang ako, hindi ko kayang makisama sa mga taong ayaw ko naman talaga. Masiyado silang ‘in trend’ panay uso talaga ang pinag uusapan nila. Naalala ko kanina, na may nagtangka ring kausapin ako sa isang group activity, at ttinanong agad niya ako kung k-pop ba ako, naiilang akong umiling sa kaniya. Siguro kung ako si Venne ay tiyak may bago na akong kaibigan, dahil si Venne ay ang kaibigan kong updated talaga sa trend, at mahilig din siya sa mga singkit.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, sobrang nababagot ako at unang araw pa lang ‘to ng klase. Gusto ko na lang umuwi. Bumalik ako ng classroom pagkatapos kong bumili ng tubig, wala ang mga katabi ko at kakaunti lang ang tao sa classroom. Umupo ako at nilabas ang baon kong libro, The Alchemist ni Paulo Coelho. Paborito ko ‘tong libro, at ilang beses ko ng nababasa kaya halos makabisado ko na ang bawat salitang bumubuo dito.
Natapos ko na ang libro at ‘di ko na namalayan ang oras, wala palang pumasok na prof kaya wala ring nakakuha ng atensyon ko. Lumingon ako sa paligid ko, at halos lahat naman ay may kaniya kaniyang pinagkakaabalahan, karamihan ay nagcecellphone, napansin kong nakatingin sa akin ang katabi kong kanina’y nakaheadset, “hi?” bati ko sa kaniya, “hi…” tipid niyang sagot, lumipas ang segundong katahimikan ay nagsalita ulit ako “uhm, March..” subok kong pagpapakilala, may halong pagtataka sa tingin niya, siguro ay ‘di niya inaasahan ang pangalan ko, “ah-eh.. uhm.. Gsle. So you like Coelho?” naiilang niyaang tanong at halatang nangangapa sa pag uusap namin,
“not that much, but this one is my favorite” kamot ulo kong sagot dahil hindi ko alam kung ano bang inaasahan niyang sagot ko. Tumango siya sa sinabi ko at nagsalita siya ulit, “he is so philosophical…” tila inaalala ang mga nabasa niya, kaya napaisip naman ako sa sinabi niya dahil totoo at madalas na genre ‘to ng mga lathala niya “…and he expect his readers to agree with him, isn’t he?” dugtong ko at tumitig na lang sa pisara dahil hindi ko na talaga alam kung dapat ba palalimin ang usapan o hayaang mamatay ito sa ere. “I thought so…” tipid niya ulit na sagot.
Ramdam ko, na kagaya ko ay ‘di rin siya magaling makisama, mas gusto niyang mapag-isa, maraming tumatakbo sa isip niya pero ayaw niyang isiwalat, maingat siya sa bawat salita niya at siusubukan niya akong kilalanin sa pamamagitan ng pananaw ko sa mga gawa ni Coelho, ayokong mamatay ang usapan namin kaya sinubukan ko ulit magbukas ng topic, “so you like reading books?” tanong kong muli ng hindi nakatingin sa kaniya, “yeah, but I have no specific genre”
“well, same here. Whatever interests me is good enough” bagot kong sagot, ang hirap naman manatili sa isang pag uusap na laging alanganin ang dulo, paano ba ‘to nagagawa ng mga tao?
“hmm-mmm, gusto mo bang kumain na tayo ng lunch? –seems like ‘di na darating ‘yong prof” nagulat ako ng bahagya sa sinabi niya, “nagtatagalog ka naman pala e” natawa siya sa sinabi ko “well, I thought you’re a Chinese, I have to be sure though”
Ako naman ang natawa sa inakala niya “Really? Do I look like one?”
“if not, then I wouldn’t assume that, yeah let’s grab some lunch. I haven’t eaten anything since breakfast” tumayo siya at sumunod naman ako palabas. Napangiti ako ng bahagya sa biglaang daloy ng sitwasyon mukhang hindi naman pala masamang umpisa ito. Hindi ko kailangan maging kagaya ng iba, hindi ko kailangan makisabay sa trip nila kailangan ko lang ng taong tatanggap sa akin.
BINABASA MO ANG
The Search
Teen FictionAn unmotivated student who will ride along her destiny in search of something that she doesn't understand - love; love that is not confined with the definition of romance, but a meaning written by her own experiences. hakdog original 's