CHAPTER 4

13 0 0
                                    

TIMOTHY’S POV

Sino kaya ‘yung babaeng ‘yun? Ang lakas ng loob suntukin ako ha.

“Bro okay ka lang?” sabi ng kaibigan ko na si Justin sabay hawak sa balikat ko

“Oo naman no. Wala ito.” sabi ko pero nagsinungaling ako kasi ang sakit ng pagkakaspak nung babaeng yun. Kailangan malaman ko ang pangalan niya. Pagbabayaran niya ito.

“Dapat kasi nag-sorry ka na lang. Kasalanan mo naman talaga eh.” sabi naman nitong si Paolo

Hayy nako! Kahit kalian talaga santo itong si Paolo.

“Bakit ako magso-sorry? Eh siya yung ta-tanga tangang hindi tumitingin sa dinadaanan niya eh.” sagot ko sa kaniya

“Kahit na. Babae sila. Dapat silang nierespeto.” sabi naman niya

“RESPETO? Eh sinuntok nga ako eh! Kapag nalaman ko lang talaga ang pangalan niya. Lagot siya sa akin.” sabi ko sabay ngiti

“Bahala ka na nga sa buhay mo. Malaki ka na.  Basta walang sisihan sa huli.” sabi ni Paolo

“Talaga!” sigaw ko

“Hep hep hep. Tama na ‘yan! Tara doon na lang tayo sa Horror House.” sabi ni Justin

“Sige tara.” sabi ko sabay lakad papunta sa Horror House.

Malapit na kaming lumabas sa Horror House at hindi man lang ako natakot pero etong si Justin grabe. Parang bata

“Wala naman palang kwenta ‘tong horror house na ‘to eh.” sabi ko

“A-Anong wala?! Nangangatog na nga ako sa takot oh!” sabi ni Justin

“Dude! Bakla ka ba? Walang nakakatakot sa mga ‘yun” sabi ni Paolo

“B-Bahala nga kayo!” sabi ni Justin sabay labas sa Horror House.

Palabas na din sana ako nang mahagip ng mga mata ko ‘yung grupo ng mga babae na papalapit sa amin. Nang medyo malapit na sila ay naaninagan ko na ang mukha niya at siya ‘yung babaeng nanapak sa akin kanina. It’s my time now.

Hinarangan ko siya nung malapit na siya sa pintuan palabas ng Horror house.

“IKAW NANAMAN?!” sigaw nung babae. Sakit sa tenga ha.

“Oh! It’s you again.” sabi ko sabay killer smile

“I’m Tim. Short for Timothy.” sabi ko at inilahad ang kamay ko sa babae para makipag-shake hands.

“I don’t care. Whoever you are. Tabi nga lalabas kami.” sabi nung babae at hinampas ang kamay ko. Masakit yun ha. Sadista ‘tong babaeng ‘to. Sinubukan niya dumaan pero hinaharangan ko siya.

“Tabi!! Padaanin mo ako!” sigaw nung babae at sinusubukan akong itulak.

“Ayoko! Makipag shake hands ka muna at sabihin mo ang pangalan mo.” sabi ko at ngumiti sa kanya

“Ayoko! Tabi sabi eh!” sabi nung babae. Aba hard to get ha.

Umiling ako at nag-smirk.

“Fine! Ako si Sam short for Samantha. Masaya ka na? Kaya tabi na!” sabi nung babae. Sa wakas! Nakuha ko din ‘yung pangalan niya. Tumingin ako sa mga kasama niya at naka-tingin sila sa amin.

“Ooppss.. Shake hands pa.” sabi ko habang naka-ngiti ng nakaka-loko. Inilahad ko ulit ang kamay ko at nagshake hands na kami.

“Happy? Kaya tabi na!” sabi ni Sam sabay tulak sa akin. Napatama ako sa frame nung pintuan. Masakit ‘yun. Wait may naalala ako na libro. Ah! Alam ko na!

The Prom Bet[ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon