Amara doesn't know how she got here. Siya, si Dranreb, si Vanessa, at yung lalaki ay nakaupo sa isang lamesa. Binigyan sila ng snacks ni Dolores, yung bago niyang cookies. They silently sat there, awkwardly staring at each other. Amara was waiting for the right time para kumuha ng cookie.
Nag-bilang pa siya ng tatlo pero sa ikatatlong bilang ay napatalon siya ng biglang sumigaw si Dranreb.
"Kailan ka pa nakarating dito?! Wala ka man lang pasabi!" Pabirong hineadlock ni Dranreb yung lalaki, and the mood immediately became light. Natawa naman silang tatlo, at kumportable nang nag-usap. Amara was silently watching them converse. She used this chance to finally eat plenty of cookies, nasarapan siya sa pag-kakaluto ni Dolores, hindi masyadong matamis. It was addicting.
Natigil naman sila sa pag-uusap at tinoon ang atensyon sa kaniya. Tinaasan niya lang sila ng kilay at nag-patuloy sa pagkain. She even urged them to continue talking.
Pakuha na ulit ng cookie si Amara nang tinapik paalis ni Dranreb ang kamay niya. Sinamaan naman siya ng tingin nito.
"Di ka ba mag-papakilala?" Pag-suway niya. Vanessa snickered and the guy smirked. Reb honestly didn't mind Amara eating her heart out, he just wanted to tease her. Siniko din kasi siya nung lalaki.
"Hi! I'm Amara, pleasured to meet you!" maligalig niyang bati pero halata ang pagka-sarkastiko sa tono niya. "Sage, the pleasure is mine," Nginitian pa siya ni Amara at humarap na kay Dranreb. "Okay, great! Pwede na bang kumain ulit?" hindi na hinintay ang sagot niya dahil alam babarahin lang siya nito kaya kumuha na siya ulit ng cookie. Natawa naman yung dalawa at kumain na rin.
"Sure kayong first time niyo mag-meet?" Vanessa asked, tumingin si Amara at Sage sa kaniya saka tumingin sila sa isa't isa. Sabay naman silang tumango, which earned a dramatic gasp from her and an eye-roll from Dranreb. "Ooo, sabay pang tumango, how controversial," tumawa pa siya at tinaas-taas ang kilay.
"Kung magka-kilala sila, edi dapat alam ko." Sabi naman ni Dranreb. Amara didn't follow. "Hello? Mag-pinsan kami?" Tinuro niya pa ang mukha niya at ang mukha ni Sage. They did kind of look like each other. Mukha silang masungit pareho because of their rough features, pero mas mukhang mataray si Dranreb. He has a resting bitch face, while Sage has a snobby look on him. Mas madaling i-approach yung itsurang katulad ng kay Sage.
Tumambay pa sila dun sandali before deciding to part ways, malapit na ring mag-bukas ang Jacinta at plano ni Amarang mag-prepare para bukas. She needed to fix her setlist for a new gig. She was practicing new songs.
She was planning on going to a fastfood too to grab some snacks before going home. Sabay-sabay na silang bumaba nila Dranreb and Amara was already on her way when she heard a chilling voice call her.
She glanced at the dark alley to her side, pero walang tao. She resumed walking pero nahinto ulit nang makaramdam ng kuko na dahan-dahang dinidiin sa batok niya.
"Leave me alone, please. Not now."
"Huy," Halos mapatalon sa gulat si Amara nang makaramdam ng braso sa balikat. Tinawag siya kanina ni Dranreb pero hindi niya narinig. Nakita niya rin ang pag-tigil nito ng biglaan sa paglalakad kaya pinuntahan nila ito. "Ayos ka lang?"
Amara breathed out a sigh in relief. Ngayong may kasama na siya, sigurado siyang lalayo na sa kaniya kung sino mang nambubulabog sa kaniya. "Muntik na akong mamatay sa gulat, bwisit ka!" Pahampas na ito sa kaibigan nang mahagip ng paningin ang lalaking nakasunod sa kanila. Umakmang iilag naman si Dranreb dahil alam niyang maaari talaga siyang hampasin ni Amara.
"Uy, Sage," tinanguan ni Amara si Sage na sinuklian rin siya ng tango. "Sa kanila ka rin uuwi?" Tumango naman si Sage sa kaniya. "Ihahatid ka sana namin,"
BINABASA MO ANG
Curse of the Hyacinth
Teen FictionAmara moves to a city known for their glorious celebrations, not knowing that behind those cheerful faces hides the most peculiar intentions. With her past on her tail, would she be able to go through the end of the year and fulfill her promise? Or...