"Tulong po, kahit konti lang...", mahina kong sinasabi ng paulit ulit.
Madami na rin ang nanakit saakin tsaka nilalagpasan nalang ako.
Bakit ba ganito na ang henerasyon ngayon?, bakit wala na yung dati na tulong tulong, akala ko ba ang kabataan ang pag asa ng bayan pero bakit wala na yun.
Halos lahat ng tao na napapadaan sakin ay titignan ako ng masama tsaka iirapan, wala ba silang galang sa matatanda?!.
Lahat din sila ay naka tutok sa mga bagay na wala namang tulong sa pag unlad, dapat gamitin nila yon sa tama hindi yung naaadik na sila don.
-
"Tulong poo...", sa wakas may huminto.May kinukuha sya sa bulsa nya ang akala ko ay mabibigyan na ako ng kahit konting tulong ngunit kinuha nya ang bagay na kina-aadikan ng marami.
Kumuha din sya ng pera, iniabot nya sakin kaya naka abot din yung kamay ko.
Ayaw nya pang bitiwan yung tulong na ipapamigay nya sakin.
Naka tingin ako sa tulong na iyon ng bigla nya kinuhanan ng litrato ang itsura ko na naka abot sa kamay nya.
Nabitawan nya yung tulong na yon at may kinalikot sa hawak nya.
Ng matapos na sya ay bigla din syang nag salita.
"Hoy! Lolo, akina nga yan! Di yan para sayo! Ibalik mo yan sakin!", sabi nya at maharas na kinuha sakin yung pera nya.
--Ganito na ba talaga ang mga tao ngayon?...
May pag asa pa ba na mag-bago ito?
--Sana nagustuhan nyo
Wattpad: bettinagabrielle
YouTube: Bettina Gabrielle
YOU ARE READING
One Shot Stories
RandomSo dito ko po ilalagay ang aking mga one shot stories na aking sinulat sa Facebook. sana po magustuhan nyo. mhuaa