Lame

0 0 0
                                    

So nandito ako sa kwarto ko ngayon habang gumagawa ng panibagong akda.

Halos araw-araw ako nag susulat ng mga panibagong mga akda para i-share sa mga readers ko.
--
"Atee, bat po namatay yung lalaki? Huhuhu "

"Ate story dedication naman dyan ehem, ehem"

"Support na support po ate!"

Ayan ang ilan sa mga sinasabi ng mga readers ko.

Sobrang saya ko na talaga sa mga moments na yun parang gusto ko na manatili nalang sa ganun.

Pero lahat nag babago...

Ngayong araw may nagawa nanaman akong isang istorya na napaka lame I mean parang di mo magugustuhan. Pero iniisip ko na dahil mga totoo ko silang readers siguro kahit ganyan gawa ko ma aa-apreciate parin nila siguro?

So yun nga pinost ko na sa fb at ilang oras lang ay may mga nag react na ng...

Mga angry reacts padami ng padami yung angry reacts nila!

Biglang sumisikip yung dibdib ko, akala ko susuportahan pa rin nila ako kahit gumawa ako ng ganyang kwento pero dahil lang sa sikat ako kaya sila nag babasa ng kwento ko.

May mga nag kumento rin...

"Ate, bat naging panget na works mo?"

"Ate, di ka naman magaling, wag ka nalang mag sulat"

"Ate, siguro mas gaganda kung tumigil ka na"

Ilan lang yan sa mga kumento nila halos lahat shinare ito tsaka nilagay sa caption na "akala ko maganda gawa nya pero panget pala, HAHHAHA", ansakit.

Agad ko ng dinelete yung post ko tsaka nag kumot at nilabas ang gusto kong ilabas.

Ngunit may nag post na "ate, talagang pinapakita mo na panget gawa mo. Dinelete mo pa HAHHAHA", bat indi ko naisip yon, parang mas pinapakita ko na panget talaga gawa ko?

Mas dumami sila na nang babash saakin at halos lahat sila ay pina-pa-alis na ako sa pag susulat.

Kaya ginawa ko ito kahit labag ito sa aking loob.

Nag post na ako na...

"I Bettina Writes is signing off as a writer"

Madami naman sumang ayon sa pag sisign-off ko.

Ilang araw ako sa kwarto ko na pa iyak iyak lang.

"Lahat ng toh! Nangyari dahil sa lame story na yun!!", sigaw ko.
--

Isang taon ang lumipas at isa na ulit akong sikat na manunulat.

May tumulong saakin para bumangon ulit sa pag kalunod sa kalungkutan.

Lagi syang nandyan sa tabi ko pag kailangan ko sya,

Kaya ngayon ako naman ang kailangan nya.
--

Sana nagustuhan nyo
Wattpad: bettinagabrielle
YouTube: Bettina Gabrielle

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now